Kabanata 49

9.8K 142 19

Kabanata 49
Ingat

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng buhay nong mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay napapaligiran ako ng mga matatayog na pader upang limitahan ang mga galaw ko. Kumikirot nang husto ang puso ko at nais ko nang matigil ito. Ilang beses na itong nadurog at ngayon ay nasa estado na ito nang pagkapino. Tinanggap ko ang yakap ni Hoseff, binalot niya ako ng kaniyang mainit na bisig, habang nagpapakawala ako ng mga sunod sunod na luha sa kaniyang balikat. Halos wala na akong mailuha pa, sunod sunod na araw na pagpapahirap ang naganap at sa tingin ko ay tulungan na akong nawalan ng lakas at pag asa. Bawat bahagi ng puso ko ay namamaga. At mukhang habang buhay kong titiisin ang sariwang sugat na idinulot ng lahat.

"Oh my God. Thank you." Kinalas ni Hoseff ang yakap, siniil ako ng malalim at mabagal na halik na napilitan kong tugunan. Nanlalamig ako at pinagpapawisan, ang dibdib ko ay para bang sasabog na nang tuluyan. Itinigil niya ang halik at muli akong niyakap. Sumasabog siya sa kaligayahan, taliwas sa akin na nilulunod ng paghati at kalungkutan. Nagawa ko na ang nais nila, ubos na ubos na ako. Pero wala man lang silang magawa upang masunod ang mga kagustuhan ko. Kontralado ang lahat ng aking mga kilos at hindi ko maramdaman ang kaligayahan na inaasahan ko. Si Kerwin ang kasiyahan ko. At dahil kinalimutan ko na siya, wala na rin ang kulay sa aking nagdurusang mundo.

"I love you Aleandra. I love you my wife." Bulong niya sa aking tainga. Napapikit ako nang mariin at hinayaan ang mga luha na maglandasan sa aking mga mata. Ipinapangako ko na huling pag iyak na ito at hindi na masusundan pa. Kinagat ko ang labi ko, pinigilan ang muling pagluha. "Do you love me too?" Untag niya. Natigilan ako sa binato niyang katanungan na nahihirapan akong sagutan. Dahil ang kasagutan na aking ibabato sa kaniya ay maari ko lamang sabihin sa isang tao na tunay na nilalaman ng aking puso. Hindi sa taong wala akong maramdaman kahit na limos. Ganunpaman, kahit labag sa kalooban ko, pinilit kong isatinig ang nais niyang lumabas sa bibig ko.

"Mahal din kita Hoseff. Mahal na. . .mahal." Nais akong takasan ng aking dila dahil sa isa nanamang kasinungalingan. Nais ko na lamang magpatiwakal upang matapos na ang lahat ng kirot na nararamdaman. Heto ako, nangangako sa taong hindi ko mahal. Heto ako at pinapangakuan ang taong aking kinamumuhian ng isang walang hangganang pagsasamahan. Samantalang ang taong tunay kong minamahal ay naroroon sa Ospital, mag isa, malungkot at nais akong makasama. Naroroon siya, malayong malayo na. Dahil kahit malapit kami sa isa't isa, napakalabo na kami ay magkabalikan pa.

"Napakasarap pakinggan iyon." Muli niya akong hinalikan. At sa bawat pagtugon na aking ginagawa, pakirot nang pakirot ang dibdib kong nais kumawala. Kahit ang aking sistema ay nais nang matigil ang lahat ng sakit na nadarama. Ako rin naman, pagod na pagod na. Pero kinakaya ko para hindi mapahamak ang tao na aking pinapahalagahan. Lahat ng eto, ay ginagawa ko para sa kaniya. Inaalay ko ang lahat para sa ikabubuti niya. At sana tuluyan ko na siyang malimutan upang hindi ko na maramdaman ang pangungulila para sa kaniya. Pinunasan ko ang aking luha matapos niya muling kalasin ang halik. Pinapangako ko na balang araw ay malilimutan ko ang lahat ng ito. At hindi ko na muling mararamdaman ang lahat ng sakit na pinahirapan at dinurog ang aking pagkatao. Na halos patayin na ako.

Tumungo kami sa aming kubo, magkahawak kamay at kung pagmamasdan ay mukha kaming masayang magkasintahan. Taliwas sa katotohanan na wala naman talagang matibay na pagmamahalan na namamagitan. Dahil wala akong nararamdaman para sa kaniya at siya lamang ang nakakadama nito sa aming dalawa.

Binuksan niya ang pintuan ng nipa, at agad kong natanaw doon ang mga pagkain na binili niya para sa aming dalawa. Nakalatag iyon sa kawayan na lamesa na binalutan ng pulang tela. Sa gitna ay naroroon ang isang kandila na pinapalibutan ng mga rosas. Sa lamesa ay may mga talulot ng mga pulang bulaklak, nakalatag din doon ang mga kubyertos na nakahanda para sa aming dalawa. Ningitian niya ako na sinikapan kong gantihan.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!