Kabanata 07

17K 287 6

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 0 7
Suwayin

Walang nag iimikan. Walang nagsasalita. At ang tanging maririnig lamang ay ang maliliit na ingay na ginagawa ng mga naipong tubig na aming nadadaanan patungo sa Hacienda ng mga Espiñosa. Napapaligiran kami ng mga matatayog na puno. Iba't ibang uri ang mga ito at gayun din ang mga ibon na makikitang nagliliparan sa tuwing nararamdaman ang presensya ng tao. Kahit papano ay nawala ang nararamdaman kong inis kapag ibinabaling na lamang ang tingin dito.

"Hey Aleandra. Talk to me." Rinig kong sabi ni Hoseff sa isang malambing na tono. Hindi ko siya pinansin na nag udyok sa kaniya na ako'y kalabitin. Inangat ko ang aking balikat upang itaboy ang mga daliri niyang nakakaliti.

"You want to play, huh?" Tanaw ko ang repleksyon niya sa salamin ng kotse na kaharap ko lamang. Nakangisi siya habang ang isang kilay ay nakataas. Para bang iritado na nanunuya. Hindi ko pa rin pinansin ang ginawa niya. Masyado akong naiinis sa mga sinabi niya kay Kerwin kanina. Ako ang nasasaktan sa mga sinasabi niya sa binata.

Naramdaman ko ang mainit at banayad niyang haplos sa aking balikat. Umalis ako sa pagkakasandal sa upuan at isang matalim na titig ang ipinukol sa kaniya. Siya naman ay nanatiling nakangiti na para bang nang aasar. Akma ko na sana siyang sasapakin nang iangat niya ang dalawa niyang palad; bilang proteksyon sa gagawin ko sanang pag suntok sa kaniya.

"Easy, babe. I won't rape you." Aniya at muling sumandal sa kaniyang upuan. Gayun din ang aking ginawa ngunit bahagyang umusog palayo sa kaniya. Pinagsisihan ko tuloy na sumama pa ako sa kaniya. Ang sumama sa kinaiinisan na tao ay hindi magandang ideya. "Unless you told me to." Naramdaman kong ibinaling niya ang tingin sa akin kaya agad akong kinutuban. Leche. Guwapo nga, manyak naman.

Ilang sandali lang ay unti unti na naming natatanaw ang isang napaka laking trangkahan na lagpas pa sa pader na humaharang sa buong Hacienda Espiñosa. Ang apelyido ng kanilang angkan ay makikitang nakaukit ng mabuti sa matayog na pader ng Hacienda at gayun din sa kanilang itim na trangkahan.

Kusang bumukas ang trangkahan nang maramdaman ang aming presensya. Naging isang malaking bilog ang bibig ko nang iyon ay masaksihan. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa. Ganito ba kapag mayaman? Ang bagay na mismo sa paligid mo ang maglilingkod sa'yo at hindi na ikaw? Siguro nga at tama ang iniisip ko sa aking isipan. Nakakamangha.

Pumasok na nang tuluyan ang kotse ni Hoseff na minamaneho ni Kerwin. Natanaw ko kaagad ang berdeng damuhan na pumapaligid sa napakalaking bahay. Sa gitna at may balong na nasa isang anyong sirena at bumubuga ng tubig. May mga halamang nakapaligid dito at mga bulaklak na binubuo ng tatlong kulay; Kulay rosas, dilaw at asul.

Sa kabilang dako ay may willow tree na pumapaibabaw sa mga maliliit at bilog na lamesa. May isang matandang babae ang nakaupo roon at nagbabasa ng kung anong libro. Nakadekwatro siya habang ang isa sa kaniyang mga kawaksi ay hinihilot ang kaniyang balikat. Minamasahe ata.

Umatras ang aking kalamnan nang masaksihan iyon. Hindi ko alam kung bakit pero kinukutuban ako sa matandang iyon. Umiling iling na lamang ako at doon ko napagtanto na unti unti na pala kaming tumititigil hanggang maiparada na ang kotse sa katabi ng lima pang kotse. Namilog ang mga mata ko roon. Isang kotse nga lang ay mahal na. Lima pa kaya.

Naunang lumabas si Kerwin sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Ningitian ko siya bilang pasasalamat ngunit hindi man lang niya iyon tinugunan. Nanatiling magkasalpok ang mga kilay niya at patuloy na nag iigting ang kaniyang panga sa hindi alam na dahilan. Siguro nga at nasaktan siya sa sinabi ni Hoseff kanina. Kailangan ko siyang kausapin, pero paano? Paano kung kinokontrol ako ng lalaking kasama ko? Shit naman Aleandra. Hahayaan mo bang kontrolin ka na lamang niya? Hindi ba malakas ka kaysa sa kaniya? Oo, mahirap ka pero mas malakas ka kaysa sa kaniya kahit kilala ang angkan niyang isang makapangyarihang tao rito sa Cordova.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!