Kabanata 14

11.1K 234 5

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 14
May nililigawan ako

Iniwan kami ni Ama na mag isa tapat ng aming tahanan. Nasilayan ko siyang pumasok ngunit bago niya iyon ginawa, binilanan niya muna ako na maligo at magbihis bago sumama sa binata. Basta kapag alam niyang si Hoseff ang nagpapautos ng lahat, sinusunod niya. Sinasanto niya iyon dahil nga sa estado nito ng pamumuhay. Kapag mahirap, ito ay inaapakan niya lamang kahit mahirap din naman ang aming pamilya.

"Kerwin, anong ginagawa mo rito?" Pabulong ko iyon na itinanong. Nagpalinga linga muna ako sa paligid bago tuluyang kainin ang distansya sa aming dalawa. Baka magkaron ng pagduda kung sino man ang makakita. "At para san ang mga gamit na ito? Sa'yo ba nanggaling ang lahat ng 'to?" Aking untag at idinapo ang paningin sa mga kagamitan na inilapag ni ama sa isang dako.

Narinig ko ang ginawa niyang pag ngisi sa aking tanong. "Sariling pera ang ginamit ko rito Aleandra. Ginawa ko itong paraan para makita ka." Halos mapunit ang aking labi dahil sa ngiti na halos umabot na sa aking tainga. Nagwala rin ang mga kulisap sa aking kalamnan nang marinig ang mga salita na iyon na nanggaling mismo sa kaniya.

"Pero hindi ka na dapat nag abala pa." Nakakapagtaka lang at hindi niya nagawang magalit sa hindi ko pag sipot sa sinabi niya noong nakalipas na araw. Para bang inintindi na lamang niya ang aking kalagayan at ang sitwasyon na aking dinadanas sa halip na magtanim ng galit dahil sa hindi ko pagpunta. Ito ay aking ikinatutuwa. Dahil kung ibang tao pa iyon, paniguradong magtatampo iyon at hindi na muli akong lalapitan. Ngunit iba siya. Inintindi niya ang lahat at heto, ako ay patuloy pa ring kinakausap na para bang hindi niya alintana ang mga kaganapan.

"Kailangan. Kailangan kasi hindi ko kayang hindi ka nakikita Aleandra." Gustong pumalakpak ng aking tainga sa aking mga naririnig sa kaniya. Ayokong umasa na may gusto talaga siya sa akin dahil alam kong imposible naman talaga. Ngunit dahil sa ipinapakita niya, hindi ko alam kung patuloy ko pa rin bang iisipin na wala talaga siyang gusto sa akin. Sa mga sinasabi niya, pataas ng pataas ang pag asa kong ako'y gusto niya rin.

"Ako? Kaya mo bang hindi ako nakikita?" Untag niya.

Nangapa ako sa mga bibitawang salita. Hindi ko alam kung paano sisimulan at tatapusin ang pangungusap. Hindi ko masabi nang diretsahan ang mga nais kong sabihin sa kaniya. Dahil sa totoo lang, kulang ang salitang 'Hindi' para sabihin na hindi ko kayang hindi siya nakikita. Masilayan pa nga lang siyang lumayo ay napaka kirot na.

"H-hinding hindi Kerwin." Aking pag amin at muling nag iwas ng tingin. Narinig ko naman ang mahina niyang halakhak nang marinig niya ang aking sinabi. Nang ako'y mag angat ng tingin sa kaniya, nahawa na rin ako sa kaniyang ngiti. "H-hinding hindi. Kung pwede nga lang--."

"Aleandra." Narinig kong sigaw ni Ina mula sa pintuan ng aming bahay. Napalingon ako sa kaniya dahilan para mapatalon ako sa gulat. Hindi ko inaasahan ang biglang pagtawag ni Ina sa aking pangalan. Nang akin siyan lingunin, natanaw ko kaagad ang kaniyang kinaroroonan. "Maligo ka na. May lakad pa, hindi ba?" Pagdurugtong niya.

Tinanguan ko siya at ibinaling ang tingin kay Kerwin na ngayon ay naka surgical mask pa rin. Tinanguan ko rin siya bilang pag sabi na kailangan ko nang umalis. "H-hintayin mo ako. Mabilis lang ako." Utas ko at tumakbo patungo sa aming pintuan.

Halos takbuhin ko na ang daan patungo sa aking silid at mabilis na kinuha ang aking mga kailangan. Para bang isa akong kuneho na tinatakbo na ang banyo upang makaligo na. Buti na lang at hindi ko kasabayan ang aking kapatid at ito ay nasa eskwelahan na niya. Muli ko tuloy naalala ang mga kaganapan noong nakaraang araw. Mabuti na lang at mabilis nalimutan ni Jennica ang lahat. Natanggap naman niya agad na bata pa siya at hindi iyon ang unang beses na mararanasan niya ang mga ganoong bagay. May mas hihigit pa roon kaysa sa mga naranasan niya.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!