Kabanata 06

16.4K 290 9

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 0 6
Drive the damn car

Maaga akong ginising ni Ina kinabukasan. Napangiwi akong kinusot kusot ang aking mga mata nang aking maramdaman ang mga kamay ni Ina na nakalapat sa aking braso habang inuuga ako nang marahan. Kulang ang tulog ko at kulang pa ang enerhiya na naipon. Kulang pa ang tulog na nagawa ko para maging masigla para sa araw na ito.

"Aleandra. Anak. Gising." Muli akong tinampal tampal ni Ina nang marahan sa aking pisngi. Marahan kong minulat ang aking mga mata at pinagmasdan si Inang nakaupo sa katre ng aming magkapatid. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Jennica na ngayon ay kakagising lang din. "Buti naman at gumising kana anak. Dalian mo at may lakad ka pa." Utos ni Ina. At ayon sa tono ng kaniyang pananalita. Mukha iyong mahalaga.

Napasabunot ako sa aking buhok na magulong magulo. Ang mga hilang hibla nito na nagkabuhol buhol ay ang dahilan kung bakit hindi ko nahagod ang aking buhok nang maayos. Nasuspende kasi ang aking mga daliri sa gitnang parte nito. Makintab at maayos naman ang kalagayan ng aking buhok. Sadiyang ganito lang talaga ito kapag bagong gising ako.

"Magandang umaga ate." Wika ni Jennica na sinabayan pa ng mga tilaok ng mga manok na galing sa kalapit naming bakuran. Ningitian ko siya at pinagmasdan siyang maglakad patungo sa salamin at suklayin ang buhok niya. Matangkad naman si Jennica kahit papano. Hanggang leeg ko siya kahit siya ay isang katorse anyos pa lamang. Mukha na siyang dalaga ngunit hindi pa rin umaasta sa kaniyang edad. Para pa rin siyang isang bata na walang kamuwang muwang.

"Magandang umaga rin. Lumabas ka na at kumain." Utas ko; hindi siya tinatapunan ng titig. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pagsara nito nang lumabas na ang aking kapatid. Dumilim muli ang silid ngunit naging maliwanag ito nang aking buksan ang bintana ng kwarto. Kinuha ko ang isang patpat at pinangtukod iyon sa talukap ng aming bintana.

Napabuntong hininga akong pinagmasdan ang magandang tanawin. Puro berde ang mga matatanaw, maliban sa kulay tsokolate na lupa, mga itim na bato, asul na kalangitan na bahagyang nahahaluhan ng kulay kahel at puting mga ulap na pumapaligid sa bagong bangon na araw. Tanaw ko roon ang mga ibon na nagliliparan. Mukhang bagong gising lang ata. Kahit medyo puyat, ang tanawin na ito ay nagbigay sa akin ng kung anong enerhiya na simulan ang araw.

Napaka perpektong araw! Sabi ko sa aking isipan at umalis mula sa pagkakasandal sa bintana at lumabas na ng silid tulugan. Agad namang sumalubong sa akin ang mabangong luto ni Ina. Nangangamoy adobo! Naramdaman ko tuloy ang pagkalam ng sikmura ko nang dahil 'don.

Naglakad ako patungo sa aming kusina at nakita silang nakaupo na sa kanilang pwesto habang si Ina ay nagsisimula nang maglagay ng kanin sa bawat plato. Nasorpresa ako sa ginawa ni Ina. Hindi naman niyo ito kadalasang ginagawa. Ang mga ito ay sa akin niya pa ipinapaasa.

"Magandang umaga Ina." Sabi ko at tumungo sa kinaroroonan nila. Ipinaghila ko ang sarili ko ng upuan at naupo sa harapan ng hapag. Handa na ang mga kubyertos pati ang kanin at ulam. Ang kulang na lang ay ang magdasal. Mahalaga ito upang pasalamatan ang Panginoon sa mga pagkaing nakalatag sa aming harapan.

Pagkatapos naming magdasal, agad naming pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik kaming kumakain nang basagin ni Ina ang katahimikan nang banggitin niya ang aking pangalan. Nag angat naman ako ng tingin sa kaniya at pinagmasdan siyang ilapag ang kubyertos upang ipagpatuloy ang sasabihin niya.

"Aleandra, aalis ka mamaya. Ako muna ang magbabantay sa tindahan. Sasama ka kay sir Hoseff. Hiniling niya ito sa akin. Matitiis ko ba iyon?" Sabi ni Ina at nakangiting muling kinuha ang kubyertos at ipinagpatuloy ang pagkain ng agahan.

Kumalabog ng paulit ulit ang puso ko dahil sa sinabi ni Ina. Sa totoo lang kinakabahan ako sa maaring maganap. Pero pilit ko iyong tinatanggi sa aking isipan dahil mukha namang nirerespeto ako ni Hoseff kahit minsan ay nagiging manyak ang dating niya. Tama. Basta tandaan mo lang Aleandra. Kapag may ginawa siyang hindi tama. Sisipain mo agad! Tumango tango ako bilang pag sang ayon sa sinabi ng aking isipan. Tama. Iyon nga ang dapat gawin upang hindi na niya maulit kung ano man ang gagawin niya.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!