Kabanata 25

11.6K 187 3

Adult content. 18+
Kabanata 25
Paalam

Hindi ko na natiis ang mga nakikita. Agad na akong humakbang patungo sa kanila at hinawakan ang braso ni Kerwin upang pigilan siya. Ngunit bago ko pa iyon magawa, sunod sunod na pagdapo ng kamao na niya ang kaniyang nagawa. Hindi na siya mapipigilan at punong puno na siya. Nakikita ko iyon sa bawat pag suntok na ginagawa niya.

Patuloy na umiilag si Hoseff at nagkaroon ng lakas upang maitulak si Kerwin. Napaatras naman siya at inayos ni Hoseff ang bahagyang napunit niyang polo. May kaunting dugo rin sa sulok ng kaniyang labi ngunit mukhang hindi niya iniinda iyon. Nakangisi pa nga siya habang nakatitig kay Kerwin. Tila ba'y iniinis ito.

"Tumigil na nga kayo!" Wika ko sa isang nagmamakaawa at galit na tono. Bahagya namang kumalma ang pag hinga ng dalawang magkalaban. Mukhang makaka apekto ang ginawa niya ito sa trabaho niya. Hindi niya dapat iyon ginawa! Paano na ang trabaho niya sa Hacienda? Mawawala na lang ba? Mukha nga.

"He started this Aleandra. I'm not doing anything to him." Tila ba'y isang batang nagpapakampi si Hoseff. Hinahaplos niya nang marahan ang kaniyang labi habang sinasalit salit ang tingin sa amin. Bumuntong hininga ako dahil sa inis. Hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan nito. Dahil ba kay Hoseff o dahil sa ginawa ni Kerwin? Nagkibit balikat ang subconscious ko. Maski ito ay hindi alam ang sagot.

Pait na tawa ang tumakas sa labi ni Kerwin. "Anong wala? Hindi ako bulag!" Hindi pa kalmado ang halimaw sa loob niya. Galit na galit pa rin ito at handang manlapa. At wala siyang pake alam kung sino ang malalapa niya. Kahit siguro ako ay kayang kaya niya.

"Harap harapan mong hinahawakan ang pag mamay ari ko. Kaya sabihin mo ngayon. Anong wala?!" Nanghina ako sa sinabi niya. Tila ba'y sumusuko na. Ang puso ko ay naging isang hindi matigil tigil na makina. Kanina pa ito tumitibok simula nang masilayan siya.

Naramdaman kong idinapo niya ang tingin sa akin matapos hindi maka imik si Hoseff. Hindi nag iba ang mga mata niya. Hindi ko iyon inaasahan. Nababasa ko pa rin ang galit na nararamdaman niya nang makita kaming magkasama ng taong kinamumuhian niya. Nag igting ang panga niya at ang kamao niya.

Tuluyan na niyang kinain ang distansya sa pagitan naming dalawa. Inangat niya ang kaniyang kanang kamay at idinapo iyon sa aking baba. Marahang hinahaplos at ipinapadama ang pagmamahal sa kabila ng galit na naghahari sa sistema niya. Napabuntong hininga siya at ibinaling ang tingin sa tagiliran niya.

"Maari ka na bang umalis?" Aniya kay Hoseff na nakasandal sa malaking bato. Napatingin ito sa amin at kumunot noo. Sinabayan niya ito ng pag tango at sinipa ang bato na nasa harapan niya. Nakita kong tumama iyon sa kabilang gilid ng batis na aming kinatatayuan.

"Subukan mong mag sumbong. Ipakita mo sa akin kung sino ang duwag sa ating dalawa. . . Boss." Binigyang diin niya ang salitang boss. May halong pagbabanta ang boses niyang iyon. Maski ako ay nangilabot. Ibang iba ang Kerwin na nasa harapan ko ngayon.

"You can't scare me Castañeda. You're powerless. A weak human being." Napangising insulto ni Hoseff. "Don't worry. I won't tell anybody." At nagsimula na siyang maglakad palayo. Nakita ko siyang unti unting naglaho sa paningin ko at saka ibinaling ang tingin kay Kerwin na matalim pa rin ang pagtingin sa mga mata ko.

"Sorr--."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang atakihin niya ang labi ko gamit ang kaniyang sariling pamamaraan. Napaungol ako nang mahina habang nakapulupot ang aking kamay sa batok niya. Nakatingkayad ang aking mga paa upang salubungin ang mga halik na ginagawad niya. Hmmm. Ang sarap ng lasa niya. Ngunit ang halik na ito ay kakaiba. May halong galit ang bawat pagsalubong niya. Marahan niyang kinakagat ang pang ibaba kong labi hanggang malasahan ko na ang pamilyar na lasa ng bakal. Dugo. Kaunting dugo iyon.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!