Kabanata 10

15.3K 241 7

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 1 0
Nahulog

Halos takasan ako ng dugo nang makita si Hoseff na bumaba mula sa kotse niyang kulay pula. Kinagat ko ang ibaba kong labi at nag iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umalis sa harapan niya. Tila ba'y naipako ang aking paanan sa aking kinatatayuan at napawi ang aking huwisyo na naging dahilan para hindi ko na mapansin ang ginagawang pag alog ng aking kapatid sa aking kamay.

Tinanggal niya ang kaniyang ray-ban at isinabit sa kaniyang puting colarless cotton shirt. Naka angat ang gilid ng kaniyang manipis at mapulang labi na para bang natutuwa siyang makita ako. Siguro nga at nagagalak siyang muli akong makita. Nitong nagdaang dalawang buwan, hindi na kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkita. Pati rin si Kerwin ay bihira ko na lamang makausap. Minsan ay napapadaan siya sa aming tindahan ngunit hindi madalasan.

"Hi Aleandra." Narinig kong pag bati niya at pumamulsa sa shorts niya ngunit hindi nagtagal ang pansin ko roon. Panay ang pag tingin ko sa loob ng kaniyang sasakyan; sinusubukang alamin kung may iba pa ba siyang taong kasama. Nasaan si Kerwin? Katanungan ko sa aking isipan. Akala ko ba ay nagtatrabaho siya bilang drayber? Siguro nga at may naiwang gawain sa Hacienda. Sa pagkaka alam ko kasi, maraming trabaho ang naka toka sa kaniya.

"Aleandra?" Nag angat siya ng kilay sa akin at sa pangalawang pagkakataon ay muli niya akong binati. Nag balik ang huwisyo ko at nag angat ng tingin sa kaniya. Ningitian ko siya at sa tingin ko ay nahalata niyang iyon ay pilit lamang dahil nangunot ang noo niya.

Inayos ko ang ilang takas na buhok na nakasagabal sa aking paningin at muli siyang ningitian. "Hi. Hose--."

"Miss me?" Muli siyang ngumiti at humakbang pa sa aking kinaroroonan; tuluyang kinain ang distansya sa pagitan naming dalawa. Agad kong naamoy ang bango ng pabango na ginagamit niya nang tuluyan na siyang makalapit sa aking kinalalagyan. "I know you miss me." Aniya. Para bang sigurado siya sa mga sinasabi niya.

"Oo. N-na miss kita. Pero kailangan ko nang umalis. Mali-late na yung kapatid ko, Hose." Muli ko siyang tinalikuran. Sa tuwing naalala ko ang mga naganap noon, kinikilabutan ang aking sistema. Para bang wala siyang kinikilala kapag nagagalit siya.

Tumakbo siya patungo sa aming kinaroroonan at hinarangan ang aming daanan. Narinig ko ang ginawang pag buntong hininga ni Jennica. Gayun din ang aking ginawa. Alam ko naman ang gusto niya. Iyon ay ang sumakay ako sa kaniyang kotse para makabawi sa lahat.

Hindi naman nagtagal ang pagtatalo naming dalawa dahil agad niya rin akong napasakay sa kotse niya. Napilitan na lang din siguro ako dahil sa pamimilit ni Jennica. Malapit na lang kasi at magsisimula na ang klase nila. Kahit medyo nahihiya pa kay Hoseff, sinunod ko na lamang ang nais niya. Hindi naman siguro masama ang tanggapin ang biyaya.

"Bakit ka nga pala hindi nagparamdam nitong nakaraang buwan?" Hindi ko na napigilan ang sarili na tanungin iyon. Kanina ko pa gustong tanungin iyon sa kaniya simula nung pumayag ako sa kaniyang gusto.

Narinig ko ang ginawa niyang paghalakhak. Nangunot ang noo ko nang dahil 'don. "I was busy. At bumalik na yung parents ko that's why."

"Eh bakit ka nakalabas ngayon?" Katanungan ko sa kaniya.

"They let me. Nangako naman akong babalik kaagad. At isa pa, pagkatapos nito, I'll bring you to the Hacienda. I want you to meet them." Kinabahan ako sa sinabi niya. Paniguradong manliliit ako sa harapan nila. Ang mapaligiran ng mga taong mayayaman, ay aking iniiwasang maganap. Pero mukhang mangyayari pa ata ang kinatatakutan kong iyon nitong araw.

Kinawayan ko ang aking kapatid nang makapunta na siya sa kaniyang paaralan. Agad kong sinara ang pintuan nang makita siyang makapasok na nang gate ng paaralan na minsan ko na ring pinasukan. Malungkot kong ibinaling ang tingin sa aking kamay na nanlalamig at pinagtagpo iyon. Pinisil pisil ko ang sariling palad at bumuntong hininga nang malalalim upang mawala ang kabang bumabalot sa dibdib ko.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!