Kabanata 09

14.1K 229 5

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 0 9
Siya nanaman

"Halika nga rito Aleandra." Halos mamutla ako sa sinabi ni Kerwin. Tila ba'y tinakasan ako ng dugo sa aking kalamnan at dama ko ang pag atras nito lalo na nang maglahad siya ng kamay sa aking harapan. Napalunok ako nang paulit ulit bago iyon tanggapin.

Nang aking ilapat ang kamay roon, naramdaman ko ang init nito. Hindi ko na lubusang naisip ang mga pangyayari dahil bigla na lamang niya akong hinila palapit sa kaniya at balutin gamit ang bisig niya. Kumalabog ang puso ko nang dahil sa ginawa niya. Halos hindi na ako makahinga.

"Hmm Kerwin?" Patuloy na nagdadaluyan ang mga elektrisidad sa aking katawan na alam kong nanggangaling sa kaniya. Mas idiniin niya pa ang aking katawan sa kaniya na naging dahilan para maramdaman ko ang init na bumabalot sa katawan niya. Gusto kong kumawala, pero may kung ano sa aking sistema na gusto pang ipagpatuloy at huwag tuldukan ang mga nagaganap sa pagitan naming dalawa.

"Bestfriend na tayo ha?" Untag niya.

Hindi ko akalain na sobrang sakit ng mga simpleng salitang iyon. Unti unting nadudurog ang puso ko sa tuwing ipinagduduldulan niyang hanggang doon lamang ang hantungan ng aming relasyon. Magigising na lamang ako na isang araw ay pinong pino na ang puso ko. Ngunit mas mabuti na rin siguro ito. Ayokong masaktan si Kerwin kung sakaling siya'y sakin magkagusto. Ayokong maranasan niya ang mga naranasan ng mga manliligaw ko noon.

"Oo. Bestfriend naman talaga tayo." Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

Gayun din ang kaniyang ginawa. Bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang tanging maririnig lamang ay ang pag agos ng alon sa dalampasigan, mga ibong nag aawitan, at ang tahol ni Altroso dahil sa tuwa na nararamdaman sa tuwing hinahabol niya ang kapatid kong si Jennica.

"Ano. . ." Tumikhim siya bago niya muling ipagpatuloy ang sasabihin niya. Malumanay na ang tono ng pananalita niya ngunit para bang may nabasag sa pagkatao niya na hindi ko alam. Sinubukan kong panatilihin ang titigan naming dalawa. At himala ang nangyari nang mapagtagumpayan kong titigan ang bahagyang singkit at mapungay niyang mata. "Gusto mo bang mamasyal? May alam akong lugar." Ngumiti siya.

"Eh paano ang kapatid ko? Pwede ba natin siyang isama?" Nagpatianod ako sa mga hila niya ngunit nang makita ko ang kapatid ko na nakaupo na sa dalampasigan habang hinahaplos ang balahibo ni Altroso, ay natigilan ako. "Hindi ko pwedeng iwan ang kapatid ko." Wika ko at akmang pupuntahan pa sana ang kinaroroonan ng kapatid ko nang matigilan ako.

Paano kasi ay nakita ko si Racer na patungo sa kinaroroonan ng kapatid ko. At laking gulat ko nang makita si Kristoff na bumaba mula roon. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt kung saan nagpapakita ang unti unting pagiging malinaw ng mga muscles niya tulad ng nasa kaniyang mga kuya. Mula sa aking kinatatayuan, kita ko ang malinaw at perpekto niyang panga na namana pa niya ata sa Kuya Kerwin at Timothy niya.

Nilapitan ko na sila; hindi pinapansin ang sunod sunod na pagtawag sa akin ni Kerwin. Kailangan ko lang paalalahanan si Kristoff na huwag niyang iwan ang aking kapatid. Hindi ko pa tinatawag ang pangalan ni Kristoff, agad na niyang ibinaling ang tingin sa akin. Nakapamulsa siya sa kaniyang itim na shorts at rinig ko ang usapan nila ng kapatid ko. Ngunit hindi ko alam kung tungkol saan iyon.

"Kristoff, pinagkakatiwalaan kita. Kaya sana, huwag mong ipahamak si Jennica. Please lang." Mariin kong sabi sa kaniya at pinagmasdan siyang pag angatan ako ng kaliwang kilay. Nanliit ang mga mata niya nang pag taasan ko rin siya. Bantayan mo siya! Para makasama mo naman yung kuya mo na kaming dalawa lamang. Ngayon ko nga lang siya muling nakasama. Makisama ka naman Kristoff Omar Castañeda.

"Oo. Ako ang bahala sa kaniya." Malalim ang boses niya nang sabihin niya ito sa aking harapan. Tumango tango naman ako at pinagmasdan siyang unti unting umupo sa tabihan ng aking kapatid na si Jennica. Mamaya ko na lang siguro tatanungin sa aking kapatid kung paano sila nagkita at nagkakilala.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!