Kabanata 02

35.5K 524 10

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 0 2
Napadaan

May ngiti ako sa aking labi nang ako'y umuwi ng aming tahanan. Maligaya akong kumatok sa aming pintuan na agad namang pinagbuksan ni Ina. Agad namang sumalubong ang kunot noong mukha ni Ina ngunit nang makita niya ang mga pinya na aking dala, umaliwalas ang kaniyang mukha. Ito lang naman ang bagay na sa kaniya ay nagpapasaya.

"Mga sariwang pinya!" Masaya niyang sabi at kinuha kaagad ang bayong sa akin.

Dumiretso agad ako sa loob at sinara ang pintuan. Pinagmasdan ko si Ina na ilagay ang mga pinya sa lamesa at ihelera ang mga ito. Ang isang pinya naman ay inilapag na niya sa plato at sinimulang hiwain ang bahagi non. Ako naman ay tahimik siyang pinanood at napag desisyunan na lamang na ilagay ang mga paninda sa tindahan. Alam ko namang hindi niya ako bibigyan. Para sa kaniya lang ang mga 'yon at hindi para sa amin ni Jennica.

"Hay. Buhay nga naman." Napailing kong sabi habang isinasabit ang mga paninda sa alambre. Ang mga kendi naman ay ibinuhos ko sa mga grapon na wala nang kalaman laman. Mabilis maubos ang aming mga paninda dahil malapit lamang kasi mga dinadaanan ng mga tao. Malapit lang rin ito sa mga tahanan ng aming mga parokyano.

Habang abala sa paglalagay ng mga paninda, dumapo ang paningin ko sa isang matandang lalaki at matandang babae na napadaan sa tapat ng tindahan namin. May tulak tulak silang kariton na naglalaman ng mga iba't ibang ani. May mga ubas, mansanas at mangga roon. Ang mga pinya ay bilang lamang. Nilalako ata nila ang mga ito.

Sa hindi alam na kadahilanan, sumagi agad sa isipan ko ang mga nagaguwapahang magsasaka na nakilala ko kanina. Kerwin. Castañeda kaya ang apelyido niya? Ayon kasi kay Aling Rosalinda, Castañeda raw ang apelyido ng mga magsasaka ng mga pinya. Kaya siguro Castañeda ang apelyido niya. Napabuntong hininga ako kaagad. Sa tagal ko na nandito sa Cordova, hindi ko man lang sila nakilala at nakikita. Siguro nga taga ibang isla sila.

Marami kasing mga isla dito sa Cordova. At ang ang mga iyon ay hindi ko pa napupuntahan kahit minsan. Limitado lamang ang oras na mayroon ako upang makapag gala. May mga kasintahan na kaya ang mga iyon? Mayroon siguro. Sa mga mukha ng mga iyon, mukhang magkakagulo ang mga kababaihan sa kanila. Magkakandararapa ang mga kababaihan para makuha ang loob nila.

Natapos ko na rin ang mga gawain at andito ako muli sa tindahan at nakaupo sa bangko. Ang aking siko ay nakatukod sa lamesa na nasa aking harapan habang nakatunganga sa harapan ng bintana ng tindahan. Hindi ko alam kung ano ang nakikita kong kawili wili sa talahiban at sa mga ibon na nagliliparan. Pero kahit papano naman ay nakakatulong sila sa pagkabagot na aking nadarama sa kasalukuyan.

Habang abala sa pag iisip ng mga kung anong bagay, naramdaman ko ang panginginig ng aking cellphone sa loob ng shorts na suot ko. Mabilis ko iyon dinukot. Baka mahalaga ang tawag na ito.

Agad kong dinungaw ang cellphone ko at napag alamang si Geneve ang tumatawag. Namiss ko ang kaibigan kong ito. Nasa isla kasi sila ng Cayuga ngayon at simula nang makapag tapos ako ng kolehiyo sa Cordova hindi na kami nagkikita. Nakakamusta na lamang namin ang isa't isa sa pamamagitan ng sulat kung hindi kami nakakapag tawagan.

Mabilis kong tinanggap ang tawag at agad kong narinig ang boses niyang napaka lakas. Ganun pa rin ang kaniyang pananalita tulad noon. Walang pinagkaiba sa Geneve na nakilala ko noong nag aaral pa ako.

"Lukaret, kamusta ka na?!" Untag niya. Mababakas ang pananabik niya nang tanggapin ko ang tawag niya. Naamoy ko na tuloy ang mga kwento na ikekwento niya.

"Hi Geneve. Eto okey lang. Ikaw? Kamusta ka na?" Pabalik kong katanungan.

Narinig ko ang ginawa niyang pag buntong hininga sa kabilang linya. Ang mga hangin na pumapaspas ay naririnig rin ng aking tainga. Mukhang mahangin sa isla ng Cayuga.
"Eto. Maganda pa rin." Aniya. Naiimagine ko siya ngayon na pinaglalaruan ang buhok niyang kulot na kulot. Lagi niya itong ginagawa sa tuwing sinasabi niyang 'Ang ganda ganda ko'.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!