Kabanata 17

9.9K 201 1

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 17
Walang takas

Unti unting napawi ang ingay na nagmumula sa pinagdadausan ng pagdiriwang habang inaalalayan ko si Kerwin sa pagpasok sa loob ng kanilang tahanan. Katulong ko ang kapatid niyang si Timothy na mukhang iritado pa dahil sa paglalasing nanaman ng kapatid niya. Kanina ko pa kasi naririnig ang mahihinang mura na kaniyang pinapakawalan habang binubuhat namin si Kerwin patungong kwarto nito. Ako naman ay nakakaramdam din ng inis kahit papano ngunit mas pinili ko na lamang na itago iyon.

"Pasensya na talaga sa kapatid ko Aleandra." Mahinang sabi ni Timothy at binuksan ang pintuan ng kwarto ng kapatid niya. Narinig ko ang ginawa niyang pag buntong hininga at binuksan ang ilawan na nag bigay ng kulay dilaw na ilaw sa kabuuan ng kwarto niya. Bawat sulok ay gawa sa kawayan dahilan para maging malamig ang pakiramdam ko pagpasok ko nang silid na aming ngayong kinatatayuan.

"Okay lang Timothy." Ningitian ko siya nang matabang. Napangiwi naman siyang tinanaw ang aking mga matang namumungay na dahil sa antok na nadarama.

Napalingon ako sa bawat sulok ng silid niya at hindi ko mapigilang mamangha na napaka ayos ng mga gamit at sumisigaw ito ng matinding disiplina. Binitawan ko na si Kerwin at hinayaan si Timothy na ilagay ang kapatid niya sa kama na yari rin sa kawayan habang ang aking mga mata ay nilalakbay ang kwarto niya.

Sa isang sulok ay nakatirik ang kaniyang gitara. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa niyang panghaharana. Napangiti ako bigla at agad na ibinaling ang tingin sa isang lamesa kung saan may nakapatong na larawan. Ito ay aking nilapitan at agad na nasilayan ang larawan ng kaniyang yumaong Ina. Sa mga mata ng kaniyang Ina ay nakita ko siya. Parehong pareho sila. May mga litrato rin siya noong siya ay bata pa lamang. Hindi ko mapigilang mapangiti nang silayan iyon isa isa.

"Ano Aleandra? Maiwan na kita o uuwi ka na?" Muling paninimula ni Timothy at inayos ang nagusot niyang damit dahil sa ginawa niyang pagbuhat kay Kerwin. Nag angat naman ako ng tingin sa kaniya.

"Mamaya na ako uuwi. Ako na ang bahala sa kaniya." Wika ko at pinagmasdan siyang tumango. Dumiretso naman siya sa pintuan at isinara ang pintuan. Agad kong ibinaling ang tingin kay Kerwin na ngayon ay nakadapa na. Paulit ulit niyang binabanggit ang aking pangalan sa hindi alam na kadahilanan.

"Aleandra." Mapanghibok ang tono ng kaniyang pananalita. Makulit din ang pamamaraan niya ng pagsasalita. "A-aleandra." Pag uulit niya at tinapik tapik ang bakanteng bahagi ng kaniyang kama. Napabuntong hininga naman akong lumapit sa kaniyang kinaroroonan at naupo sa kaniyang kama. Pulang pula ang pisngi niya!

Dahan dahan niyang idinilat ang mabigat niyang mga mata at nag angat ng tignin sa aking mukha. Nakita kong umangat ang sulok ng labi niya nang ngumiti siya dahilan para maging malinaw ang puyo sa pisngi niya. Marahan kong pinisil ang ilong niya dahilan para mapangiwi siya.

"Naglalasing ka nanaman." Utas ko at marahang sinampal ang kaniyang braso. Ngunit bago ko pa nabawi ang kamay ko, nahuli niya agad iyon at hinawakan nang marahan. Pinisil pisil niya ang aking palad at inilapit sa kaniyang mukha. Nakita kong inilapat niya ang mainit at malambot niyang labi sa aking palad na nagpadala ng kung anong reaksyon sa aking sistema.

"Sorry Aleandra." Paos niyang sabi. "T-tabi ka sa'kin." Aniya sa isang malat na tono at bahagyang umusog upang ipakita sa akin ang natitirang espasyo sa malapad niyang kama.

Tinitigan ko ang kaniyang mga mata na nakatanaw lamang sa akin. Tila ba'y tinutukso ako sa pamamagitan ng kaniyang pang aakit. "Hindi ako magtatagal dito Ker. Aalis din ako. Magagalit ang magulang ko kapag hindi ako nakita ron." Pagdadahilan ko. Totoo naman iyon, hindi iyon isang dahilan lamang. Magagalit sila Ina at Ama kapag wala ako ron sa salo salo nila. Pinaghandaan ng aking magulang ang araw na ito at magagalit sila kapag hindi kami sama sama. Minsan lang mangyari ito sa isang taon at ayokong galitin sila.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!