Kabanata 40

8.2K 127 3

Adult content

Kabanata 40

February 14, 2011 (Part 1)

Mabilis ang kilos na ginawa namin ni Kerwin patungo sa aming silid. Ang marinig siyang umiiyak habang nagliligpit kami ng gamit ay tumitindi sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang marinig siyang humahagulgol dahil sa balitang natanggap sa pamilya niya. Kahit ako ay naluluha, nayayanig at nagagalit sa mga taong walang awa. Bakit kailangan pa nilang mandamay? Punyeta. Ano ba ang gusto nila? Bakit pa kailangang madamay ang isang walang kalaban laban na matanda? Mga demonyo nga sila!

Inipit ko nang mariin ang labi ko, isinilid ang mga damit sa isang napsak. Ang mga mahahalagang gamit ay inilagay ko na rin 'don at sa wakas ako'y natapos na. Isinukbit ko ang bag sa aking balikat, nakabihis na rin ako at hinanda ang sarili sa mga posibleng maganap. Si Kerwin ay halos patapos na rin kaya tinulungan ko na siya. Mukhang gulong gulo pa rin siya at wala sa sariling katinuan. Hindi niya alam kung ano ang isusunod niya at kanina pa siya pabalik balik sa kaniyang pinanggalingan.

Nang matapos ko nang kuhain ang mga damit namin, mabilis kaming nagtungo sa labas. Hindi pa rin kami nagiimikan. Subalit sapat na ang hawak niya sa aking kamay at hindi na niya kailangan magsalita pa. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad naman akong naupo sa loob ng jeep truck. Malungkot akong nakatanaw sa aming tahanan, patay ang ilaw at nakakandado ang pintuan. Pinunasan ang aking luha at kasabay 'non ay ang pagpapaingay ni Kerwin ng makinarya.

Unti unting lumalayo sa paningin ko ang aming tahanan nang simulan na niyang paandarin ang sasakyan. Hanggang sa hindi ko na ito masilayan pa dahilan para sumiklab ang matinding kalungkutan sa aking katawan. Sumandal ako nang mabuti sa upuan at malungkot na pinanood ang mga punong nadaraanan. Madilim ang kaulapan at gayun din ang aming daan na tinatahak. Ang tanging maririnig lamang ay ang mga ibon na nagliliparan sa kadiliman at ang aming sasakyan na gumagawa ng ingay. 

"B-babalik pa ba tayo Kerwin?" Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Napakapo iyon sa daang dinaanan namin.

Nadinig ko ang ginawa niyang pag singhap. Mukhang umiiyak pa rin siya.  Ah, hindi. Totoong umiiyak nga siya. Hindi ko siya masisisi. Lumaki na siya kasama ang Lolo niya. At malamang muntikan na itong mapahamak ay kamuntikan nang ikamatay ng kaniyang pusong punong puno ng galit para sa taong gumawa 'non sa kaniyang pamilya. "Babalik syempre. K-kailangan tayo ng pamilya ko. At mananatili muna tayo 'ron." Tugon niya. Mababakas ang kalamigan sa tono ng kaniyang pananalita. Bumuntong hininga ako at hinilamos ang sarili gamit ang aking palad. Inaantok na ako at kulang pa ako sa tulog. Kumakalam din ang sikmura ko dahil sa hindi natapos na pagkain. Nagmamadali kasi kami, matapos malaman ang kasuklam suklam na balitang nakarating sa amin.

Sa mga oras na iyon, ginunita ko ang mga pangyayari. Marami nang naganap sa amin ni Kerwin, at ngayon ay pamilya na niya ang pinupuntirya ng panganib. Pinisil ko ang aking kamay, nanginggigil ako sa galit. Sumisikip ang aking dibdib at wala akong magawa kundi umiyak. Madali lang namang mapitigil ang lahat. Simple lang naman ang paraan upang matigil na ang lahat ng panganib at pahamak. Ito ay layuan at iwan ko ang lalaking bahagi na ng buhay ko. Ang problema ay hindi ko kaya iyon. Masakit para sa akin ang bitawan siya nang ganon ganon na lamang. Hindi madaling bitawan ang lalaking kompletong parsela na at ang lalaki na dahilan kung bakit tumitibok 'tong puso mong durog na durog na noon pa man.

"Sana maayos ang kalagayan ni Lolo." Wika ko, tahimik na nagdadasal sa isipan ko. Umaasa akong dinggin ng Panginoon ang mga kahilingan kong maging ligtas ang kaniyang pamilya at walang mangyaring masama.

Tumikhim si Kerwin dahilan para malihis ang aking isipan mula sa malalim na pag-iisip. "Sana nga. At sana wala nang madamay pa."

Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa nong mga oras na iyon. At papalim na nang palalim ang gabi kaya bahagya akong natatakot. Ang mga puno na nagtatayugan ay nakakakilabot. Pumapaligid iyon sa daan na tinatahak namin na patungo sa pangunahing lupain ng Cordova.  Ah, lugar ng mga pagdurusa.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!