Kabanata 13

10.9K 212 4

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 13
Plano

Pinagmasdan kong pumanhik si Kerwin sa ibabaw ni Racer. At habang pinagmamasdan ko iyon, nadudurog ang damdamin ko. Para bang kapag nagsimula nang umandar ang kabayo, mawawala na siya nang tuluyan sa paningin ko at ayokong mangyari iyon. Gusto kong nasa tabihan ko lamang siya. Gusto kong nakikita ko siya at ayokong nakikita siyang lumalayo nang tuluyan palayo sa aking kinalalagyan.

"Kerwin." Bulong ko sa sarili nang makita siyang ibaling ang tingin sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata na labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang ginagawa. Banayad siyang tumango sa akin at sinimulang latiguhin ang kabayo niya dahilan para makaandar na ito nang tuluyan. Nasilayan ko iyon hanggang mawala na sa aking paningin ang nakikita. Napabuntong hininga na lamang akong hinarap ang akong ama-- ah. Hindi pala. Hindi ko na siya tinuturing na ama. Siya nga pala si Roben Eusebio. Sa totoo lang, gusto kong masuka kapag naririnig ang sariling apelyido. Apelyido ng isang kriminal ang ginagamit ko at nais ko sanang palitan ito.

Gumalaw ang panga ni Roben dahil sa ginawa niyang pag tatagis ng kaniyang ngipin. Nakipag sukatan ako ng titig sa kaniya ngunit siya ang naunang umiwas. Idinapo niya ang tingin sa mga halaman na nakapaligid sa aming tahanan at tila ba'y galit na galit siya sa mga nakikita. Para bang nais niya itong mawala sa paningin niya. Sadiyang ganoon lang talaga ang mga mata niya. At mas lalong nagiging mabagsik ang dating nito kapag gumagawa na siya ng krimen na ikakadungis nananaman ng aming pangalan.

Naalala ko pa, ilang taon na ang nakalilipas. Muntikan nang sunugin ng mga tao rito ang aming tahanan dahil sa labis silang napopoot sa kaniya dahil sa pagpaslang nito sa ibang pamilya dahil sa pagtangkang pagnanakaw. Mabuti naman at naayos naman agad namin ang koneksyon namin sa mga tao rito sa Cordova at nananalig akong huwag na sanang maulit iyon. Ayokong muling maranasan ang mga naranasan namin noon.

"Pumasok ka na sa loob." Mariin nitong utos. Ngunit sa halip na sundin siya, siya ay aking tinanong.

"Bakit mo sinaktan ang tao?" Pinagtaasan ko ng tono si Roben-- ang sarili kong ama. Nakita ko kung paano niya ibaling ang tingin sa aking mga mata dahil sa ibinato kong katanungan sa kaniya. Napagmasdan ko rin kung paano niya ikinuyom ang kaniyang kamao marahil sa labis na galit na nararamdaman niya. Kung iniisip niyang wala na akong respeto sa kaniya, wala akong pakealam. Ang respeto ay ibinibigay sa taong karespeto respeto. Hindi sa taong naghahangad nito lalo na kapag hindi siya karapat dapat bigyan nito. Hindi ko siya bibigyan ng bagay na ipinagkait niya sa pamilyang ito.

Kinain niya ang distansya sa pagitan naning dalawa. Kahit mukhang matapang ako sa aking tindig at mukha, sa totoo lang, sa aking kaloob looban, isa akong matatakutin na pusa. Hindi ko iyon pinapahalata. Ayokong magmukhang talunan sa harapan niya. Unang beses na rin niya akong napag buhatan ng kamay at hindi ko na iyon hahayaang mangyari pa. Ngayong nandito na siya, ako'y magiging palaban na. Hindi ko na hahayaan ang sarili na matapakan pa ng aking sariling pamilya.

"Ginawa ko iyon para sa ikabubuti mo." Aniya sa isang matigas na tono. Pinag angatan ko siya ng kilay. Sa totoo lang, halos matiklop na ako sa kaniyang harapan. Ngunit hindi ko iyon hahayaan. "Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng pamilyang ito." Aniya. Nasisiraan na ba ng bait ang taong ito? Anong ikabubuti 'non? Mas lalo niya lang pinakita sa akin kung gaano siya kasama na tao!

"Ano? Anong ikabubuti 'non? Sinaktan mo siya kasi isa siyang mahirap na tao? Kasi gusto mo, mayaman ang magiging mapangasawa ko? Kaya ayaw mong may lumalapit sa akin na mahirap na lalaki? Ha?! Ganon ba? Nakakasawa na!" Umalis ako sa harapan niya at nag martsa patungo sa loob ng aming tahanan. Natanaw ko kaagad si Ina na tulala sa kawalan habang tinatabihan ang kapatid kong mababakas sa mga mata ang ginawang pag luha. Ano nanaman ba ang naganap?!

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!