Simula

55.3K 827 48

Ang mga lugar po sa kwentong ito ay fictional lamang. Maraming salamat.
(c) K i n g s t o n j ' s  R o m a n c e s  
H i s  . P a s s i o n a t e . V e n g e a n c e

Nakatunghay lamang ako sa bintana ng aming tindahan. Umurong ako nang kaunti upang mas masilayan pa siya. Ayan, okey na.

Kitang kita ko na ang perpekto niyang panga kahit bahagya akong malayo sa kaniya.

Nasiraan ata ang kotse niya dahil nakita ko siyang may kinakalikot sa makina nito habang naka bukas ang para bang pintuan nito sa harapan. Ano nga ang tawag roon? Nakaligtaan ko na. Bahala na nga, basta kitang kita ko siya sa anggulong ito.

Kinilig ako lalo na nang iunat niya ang kaniyang braso dahil sa ngalay na nararamdaman niya ngayon. Napakagat labi tuloy ako nang bumilog ang mga muscles niya sa braso.

"Hubarin mo na kasi yang t-shirt mo. Alam ko namang naiinitan ka na." Mahina kong bulong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang dibdib niya na bakat sa basa niyang t-shirt. Para akong isang bata dito na nanabik habang nakatingin sa isang katakam takam na kendi. Sa aking sitwasyon, ako yung bata at siya ang aking kendi.

At-- Diyos ko! Inangat niya ang laylayan ng kaniyang puting t-shirt upang punasan niya ang namamawis niyang leeg. Nasilayan ko ang mapipintog niyang abs. Napapikit ako sa kilig na naramdaman at napapadyak pa. Kamuntikan pa akong malaglag sa maliit na bangko na aking kinauupuan ngunit nakakakapit naman ako kaagad. Muli akong umayos ng pagkakaupo at kinuha ang salamin ko. Kunwari kong tinitignan ang sarili ko ngunit nakatapat iyon sa kinaroroonan ng estranghero na lihim kong pinagnanasaan banda rito.

"Ang yummy mo kuya." Pinagpapawisan na ako. Lalo na nang masilayan ko siyang hubarin ang kaniyang puting t-shirt at isabit iyon sa kaniyang matipunong balikat. Nang dahil sa pawis niya, naging katakam takam tignan ang mga tinapay niyang mukhang matigas. Gusto ko tuloy sakmalin iyon bigla. Ngunit isa pa rin akong dalagang Filipina. At ang isang mabuting dalaga, nagpapakipot muna. "Hmm. Ayan, isunod mo na yang pantalon mo. Tapos lumapit ka rito at dalhin mo ko sa talahiban na nasa likuran mo."

Kahit ako nabigla sa sinabi ko. Napalakas pala iyon. Swerte namang wala akong kasama sa maliit naming tindahan. Nagpalinga linga pa ako. Wala si Jennica. Kahit alam ko namang magaling mag tago ang kapatid ko na iyon ng sikreto, hindi ko pa rin siya hahayaang marinig ang mga sinabi ko. Katorse anyos pa lamang siya at hindi niya dapat naririnig ang mga salitang nagmumula sa isang bente anyos na tulad ko. Hmp. Kilala ako ng pamilya ko bilang isang mahinhin na dalaga. Hindi isang malanding dalagita na mahilig sa mga pantasya. Hindi ko sisirain ang imahe ko sa kanila.

"Miss." Umatras ang kalamnan ko sa narinig na boses. Nakaamoy ako ng kung ano sa mga butas ng ilong ko. Ano iyon? Hindi ko alam pero napapikit ako. Amoy lalaki. Amoy guwapong lalaki. Napaka manly ng amoy na iyon. Kung saan man nanggaling iyon, sana naman lumapit siya rito nang siya'y maamoy ko pa lalo. "Hey miss. Are you ok?"

Napabitaw ako sa salamin na aking hawak hawak dahilan para gumawa ito ng malakas na ingay nang ito ay dumapo sa semento ng tindahan. Ngunit hindi ko iyon inintindi. Pansamantala kong nakalimutan ang basag na salamin. Pano kasi, yung lalaking pinagnanasaan ko kanina, nasa tapat ng tindahan namin.

Halos mamutla ako. Hindi ko akalain na lalapit siya sa tindahan namin na tagpi tagpi ang mga pader at halos sira sira na ang mga pundasyon. Mukha siyang mayaman kaya hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pag lapit sa kinaroroonan ko. Napalunok ako nang bongga lalo na nang makita ko ang mga kamay niyang nakakapit sa bakal na humaharang sa bintana ng tindahan. Mas lalo kasing nadepeni ang muscles niya at yung buhok sa kili kili niya? God! Ang hot tignan. Hindi ako nandiri nang ito'y aking makita. Para kasing pinasadya niya pa iyon upang maayos na tignan.

"O-oo. Okey lang ako. Umm. S-sir. Ano po--."

"Aleandra!" Napatalon ako sa gulat lalo na nang makita ko si Ina na ibinagsak ang pintuan. "Ano nanamang inga--." Natigilan si Ina nang makita ang binata na nakatayo sa harapan ng aming tindahan. Napaiwas ako ng tingin sa guwapong mukha ng lalaki na aking palihim na pinagnanasaan. Napatulala si Ina sa binata. Aba, may sparks.

"Sir, Hoseff Francis Ryder Espinosa. Ano po ang kailangan nila?" Para bang kumikislap na ilaw ang mga mata ni Ina. Nagtaka rin ako kung bakit niya ito kakilala. Tiyaka, pamilyar ang pangalan niya. Palagi ko ito naririnig lalong lalo na sa mga kaklase ko noon sa kolehiyo. Lagi nila itong nababanggit at takang taka ako kung bakit sila ay kilig na kilig. Iyon naman pala. Hindi ko sila masisisi. Kahit ako ay palihim na kinikilig rin.

Hoseff Francis Ryder Espinosa. Tumitindig ang mga balahibo ko sa pangalan niya. Isama mo na rin ang balahibo ko sa ibaba na kaka-trim lang. Ang ganda ng pangalan niya at nababagay iyon sa angkin niyang dating at kakisigan.

"I need a water." Aniya at umikot upang kuhain ang kaniyang pitaka sa suot niyang pantalon. Napalunok ako nang makita nang malapitan ang panga niyang perpekto sa anggulong iyon. Si Ina naman ay nagkukumahog na kumuha ng plastic bottle sa maliit at luma naming refrigerator. Gumagana naman ito sa kabila ng itsura nito.

Ibinigay ni Ina ang plastic bottle na may ngiti sa kaniyang labi. Walang alinlangan namang inabot nung Hoseff ang isang libo. Nalaglag ang panga namin ni Ina roon.

"S-sir." Muli akong napalunok. Kumalabog ang puso ko nang lingunin niya ang kinaroroonan ko. "Candy na lang po sukli. Wala po kaming barya eh." Napangiwi kong sabi at kumuha ng isang grapon ng kendi. Ibibigay ko sa kaniya lahat? Isang libo ang pera niya ah. Tanga ka talaga Aleandra Maria Eusebio. Pwede ka namang magpabarya sa kabilang kanto. "Ahh, magpabarya lang po ako." Aalis na sana ako sa harapan niya nang marinig ko ang mapanghibok niyang boses. Nag init ang aking katawan nang marinig ang paos ngunit buo niyang pananalita.

"I don't need a money for a change." Mariin niyang binanggit ang bawat ingles na salita.

"J-just bend down." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinitigan ko ang mga mata niya na may pagtataka. Ang kaniyang malalim na mga mata ay nakatitig lamang sa aking kinaroroonan habang iniinom niya ang tubig niya. Sa isang iglap, nawala ang tubig sa loob ng bote niya. Narinig ko ang pag tuklap nito sa kaniyang palad at walang takot na itinapon iyon kung saan saan.

"Ano raw 'ma?" Aking katanungan sa aking Ina. Nangunot naman ang noo ni Ina sa aking tinanong sa kaniya.

"Yumuko ka raw." Hinampas ni Ina ang braso ko dahilan para mapasubsob ako nang bahagya sa bintana. Napayuko tuloy ako nang wala sa oras.

Narinig ko ang ginawang pagngisi ni Hoseff. "A little more."

"Po?" Untag ko.

Bagot siyang tumingin sa mga mata ko at agad itong dumapo sa-- dibdib ko?

"Yes. Like that." Ngumiti siya. Ngunit ang ngisi na nabuo sa labi niya ay naudlot nang sampalin ko ang pisngi niya. Nag igting ang panga niya at ako naman ay nabigla sa ginawa. Narinig ko ang ginawang pag sigaw sa akin ni Ina bilang pag saway sa aking ginawang pagsampal sa customer niya.

Walanghiya. Ako'y sinisilipan pala!

HIS PASSIONATE VENGEANCE
All rights reserved 2015

FB: https://web.facebook.com/cejames.valenzuela

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!