Kabanata 16

9.8K 214 0

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 1 6
Sa kwarto ko

Ilang minuto na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik si Paolo. Madalas naman ay saglit lamang ang tinatagal niya, lalo na kapag pinapadala ko sa kaniya ang sulat. Mabilis naman ang motorsiklo niya at kayang kaya niyang puntahan ang bahay ng mga Castaneda, sa isang maikling oras. Kinutuban tuloy ako at hindi ko gusto ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Hindi magandang isipin ang mga bagay na ito lalo na ngayong bagong taon pa naman.

"Baka naman may pinuntahan lang." Wika ni Jennica sa isang malumanay na pananalita; sinusubukan niya atang kumbinsihin ang aking sarili na wala ngang nangyaring masama. Pero iba pa rin talaga kapag may kutob ka na. Tatatak ito sa isipan mo at hindi ka lulubayan hangga't hindi mo nalalaman ang tunay na mga kaganapan.

"Hindi pwede Jennica. Kailangan kong matanggap ang sulat." Nababahala kong sabi at tinanaw ang orasan. 11:45 na pala. Kailangan nang makabalik ni Paolo rito bago pumatak ang panibagong taon. Pwede naman niyang ibigay agad iyon dahil may nakasulat naman sa sobre na saktong alas dose niya iyon babasahin. Hindi na niya kailangan hintayin ang itinakdang oras bago niya iyon ibigay kay Kerwin.

Napahilamos ako sa sarili hanggang may marinig ako mula sa bakuran namin. Narinig ko ang pamilyar na ingay ng motorsiklo ni Paolo at mula roon ay nakita ko siyang bumaba at itabi ang kaniyang helmet sa ulo. Agad ko siyang inabangan sa pintuan habang abala si Ina at Ama sa paghahanda sa kusina. Maliit na handaan lang naman ang magaganap.

Pawisan si Paolo nang tumayo sa aking harapan at kita ko ang nalukot na sobre sa kaniyang kamay. Mukhang nagmamadali nang iyon ay kaniyang kinuha at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Mabilis ko namang kinuha mula sa kamay niya ang ginawang sulat para sa akin ni Kerwin. Inilagay ko iyon sa aking bulsa at mamaya ko na lamang babasahin. Agad ko naman itinuon sa kaniya ang pansin. Mukhang pagod na pagod ang pinsan ko at kailangan kong alamin kung bakit mukha siyang hinabol ng mga multo sa dilim.

"Okey ka lang? Ano ang nangyari?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

Muli niyang ginulo ang buhok niya at napayukod habang nakadapo ang dalawang kamay sa kaniyang tuhod. Sunod sunod ang pagpapakawala niya ng hininga nang siya'y sumagot. "Kailangan ka ni Kerwin ngayon. Mukhang lasing ata. Napasobra ng inom. Pagpunta k-ko ron, nangungulit na dalhin ka sa kanila. Kahit saglit lang daw. He wants to see you, so bad." Napasabunot ako sa sarili sa narinig mula sa aking pinsan.

Ito nanaman kami sa bisyo niya. Oo, napag usapan na namin na tuwing may okasyon lang siya iinom ng alak ngunit huwag naman sobra sobra. Ayokong may mangyaring masama sa kaniya kapag nalunod siya sa alak, at isa pa, mapanganib ito sa katawan. Hindi na tuloy ako nag atubiling mag ayos ng itsura upang puntahan siya. Kailangan niya ako ngayon. Kailangan.

"Don't worry. Hindi ito makakarating sa magulang mo Al. Ako bahala sa'yo, tara." Aniya at nagmadaling lumabas ng silid na aming kinalalagyan.

Bago ako lumabas, tinanaw ko muna ang kapatid kong tahimik na nakatanaw sa bintana. Mukhang may malalim na iniisip na tingin ko ay alam ko na. "Jennica, dito ka lang." Utas ko sa kaniya. Tumango tango naman siya.

Isinarado ko ang pintuan at naabutan si Paolo na kausap sila Ina at Ama. "Saglit lang po talaga. May bibilhin lang po kami ni Aleandra." Pagpaalaam ni Paolo sa kanila.

Ibinaling naman nila ang tingin sa akin matapos nilang maramdaman ang aking presensya. "Ngunit delikado na." Ma-awtoridad na sabi ni Ina.

Bumuntong hininga si Paolo. "Kasama naman po ako. Hindi ko hahayaan yung anak niyo po." Paninigurado ni Paolo. Muling ibinaling nila Ina ang tingin sa kinaroroonan ko at tumango tango. Iyon ang naging palatandaan ko na pinayagan nga nila kami ni Paolo. Kulang na lang ay yakapin ko ang pinsan ko sa tuwa dahil napapayag niya ang magulang ko. Makikita ko na rin si Kerwin sa wakas! Gusto ko na rin siya makita kahit saglit lamang.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!