Kabanata 12

12.1K 205 6

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 1 2
Ipaglalaban kita

Sinubukan kong humakbang patungo sa Matayog na trangkahan ng mga Espiñosa. Ngunit naging mahirap na ang paglalakad sa pangalawang pagkakataon. Nakaramdam na ako ng matinding kirot at marahil may magagawa ang pagtakbo ko kanina sa nararamdaman ko ngayon. Napangiwi ako at narinig ko ang pag banggit ni Kerwin ng pangalan ko dahilan para ma alarma ako.

"Aleandra." Narinig kong sabi niya at tumungo sa kinaroroonan ko. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa siko ko. Agad na naipasa sa akin ang mga kakaibang kuryente sa katawan ko dahilan para magtakasan din ang dugo sa sikmura ko. Si Kerwin lamang ang nakakagawa nito sa aking sistema at walang ibang tao. "Hatid na kaya kita sa inyo?" Malambing niyang alok at nilakbay ang katawan ko gamit ang kaniyang mga mata.

Ningitian ko lamang siya. "H-huwag na. S-sasakay na lang ako ng tricycle sa labasan. K-kaya ko na 'to. At tiyaka, baka magalit ang amo mo. Ayokong mapahamak ang trabaho mo." Pagdadahilan ko at naglakad paatras sa kaniya. Mariin kong tinatanggap ang bawat kirot na hatid ng aking pag hakbang. Ayokong magalit si Ina kapag nakita niyang may kasama akong iba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag pinagsalitaan niya ng masama ang lalaking pinapahalagahan ko na.

"Mas pipiliin kong mapahamak ang trabaho ko, kaysa ikaw Aleandra." Wika niya sa isang seryosong tono. Pinamulahan ako ng pisngi at bumilis ang pintig ng puso ko. Paano ko sasabihin sa kaniya na pinapabilis niya ang pintig ng aking puso? Paano ko sasabihin sa kaniya na siya ang gusto ko? Paano ko magagawa lahat ng iyon kung may masasaktang tao? Kahit gusto kong maging makasarili, hindi ko magawa. Mas nanaig ang aking pangamba ko na baka saktan lamang siya ni Ina kapag naging kami na, na sa tingin ko ay hanggang sa isipan ko na lamang magaganap dahil alam kong may gusto siyang iba.

Pinagmasdan ko siyang tumakbo patungong Rancho. At hindi naman nagtagal ay lumabas na siya kasama si Racer. Nakasakay siya rito at tumatakbo ang kabayo patungo sa kinaroroonan ko. Humiyaw si Kerwin upang patigilin ang kabayo at hindi maipagkakaila na kaakit akit ang kaniyang bruskong tono. Pinagmasdan ko siyang bumaba sa kaniyang kabayo at maglahad ng kamay sa akin. Nahihiya ko iyong tinanggap at naramdaman kong inangat niya ang aking katawan dahilan para mapakapit ako sa matipuno niyang balikat. Hindi maitatanggi sa aking sistema na ang haplos niya sa aking baywang ay naghahatid ng kung anong pakiramdam sa aking kabuuuan. Tila ba'y nilulunod ako ng aking pagnanasa para sa kaniya. Gusto ko siya. Gustong gusto ko siya.

Maingat niya akong pinaupo sa latag na nasa ibabaw ng kabayo. Hinaplos ko ang buhok nito at pinanood si Kerwin na umakyat kay Racer. Agad kong naramdaman ang kaniyang matipunong pangangatawan sa likuran at natutukso akong sumandal pa rito; maramdaman lamang ang init na nagmumula rito. Napasinghap akong tinanaw ang trangkahan na kusang bumukas at agad na tinunton ni Racer ang tulay na dumudugtong sa pangunahing lupain ng Cordova. Ang buhok ko tuloy ay natutunan nang makisabay sa hangin na tumatama sa amin kapag si Racer ay tumatakbo na.

"S-sumandal ka lang sa akin Aleandra. Baka mangalay ka." Kumalabog ang puso ko sa saya na naramdaman. Ito ang aking kagustuhan; ang sumandal sa kaniya. May kung ano kasing nagsasabi sa aking utak na sulitin na ang pagkakataong ito upang maging mas malapit sa kaniya. Kagat kagat ko naman ang aking labi nang ako'y sumandal sa matipuno niyang pangangatawan at ako'y napakapit sa braso niyang mataba at matigas. Naamoy ko ang mabango niyang pawis at kasabay 'non ay kung ano akong naramdaman sa pagitan ng aking hita. Bakit ako namamasa? Ganito ba kalakas ang epekto sa akin ng isang Kerwin Castaneda?

"A-aleandra." Rinig kong sabi niya sa isang mapanghibok na tono. Nag angat ako ng tingin sa kaniya habang nakasandal pa rin ako sa kaniyang dibdib. Pinag angatan ko siya ng kilay at hinintay ang kaniyang sasabihin. "Umm. W-wala. Huwag mo lang kalimutan yung sinabi ko sa'yo kanina. Bukas ng hapon sa aming bahay." Aniya at idinapo ang paningin sa aming dinadaanan na napapaligiran ng bukid; senyales na andito na kami sa pangunahing lupain ng Cordova.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!