Kabanata 21

13.5K 230 4

Adult content!
Kabanata 21
Pagnanasa

Nasaksihan ko ang unti unting pamumuo ng galit sa sistema ni Hoseff nang marinig ang mga sinabi ni Kerwin. Maski ako ay nabahala sa mga mangyayari. Ang hindi mapigilan at masidhing galit na nanunuot kay Hoseff ay mukhang hindi na makokontrol pa. Kulang na lamang ay sumabog siya sa galit at pataubin si Kerwin dahil sa pagkapoot na kaniyang nadarama.

"What did you say? She's yours? Are you fucking kidding me?" Umatras ang bangko na kinauupuan ni Hoseff dahil sa ginawa niyang pagtayo. Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko at sinubukang pumagitna sa dalawa. Ngunit kahit nasa gitna na nila ako ay patuloy pa rin si Hoseff sa hakbang na kaniyang ginagawa. "You don't have the power dude. You're just a slave. A fucking slave."

Mariin niyang sinabi na para bang para din sa akin. Kahit alam kong hindi iyon para sa akin, ako ay nasasaktan din. Kasintahan ko si Kerwin at ang mga masasamang salitang ibinabato sa kaniya ay nasasalo ko rin. Buong lakas ko itinulak si Hoseff nang subukan niyang sugurin si Kerwin. Ngunit hindi niya alintana ang presensya ko dahil hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Ano ba?! Tama na!"

"You don't have everything para sabihin iyan. Me? I have everything na pwede kong ioffer sa kaniya. She deserves me more than you." Halos maging kasing pula na ng mansanas ang mukha ni Hoseff dahil sa galit na nananalaytay sa kaniyang dugo at ugat. Si Kerwin naman ay nananatiling kalmado dahil nakasisigurado siyang nasa panig niya ako. Kahit ano naman ang mangyari ay siya pa rin ang kakampihan ko.

"Yes sir. You have everything. But you don't have her heart. Kasi nasa akin iyon. At kahit wala ako ng mga bagay na mayroon ka sir, nasa akin naman ang bagay na hindi kayang bilhin ng pera mo." Para bang nung mga oras na iyon ay gusto kong yakapin ang lalaking minamahal ko. Ang mga sinabi niya ay katumbas na ng ginto. Damang dama ko ang sinseridad niya sa pagkakasabi 'non at para bang niyakap nito ang kinakabahan kong puso.

Isang mapait na tawa ang tumakas sa labi ni Hoseff. Binabaliwa ang mga sinabi ni Kerwin. Para sa kaniya, pera ang solusyon sa lahat. Para sa kaniya, kayang bilhin ng salapi kahit ang mga bagay na walang katumbas na halaga.

"One day, you will watch her, slowly. . . Drifting away from you." Isang mala demonyong ngiti ang gumapang sa kaniyang labi. Para bang alam na alam niyang mangyayari talaga ang kaniyang mga sinabi. Umuusok na ako sa galit ngunit hindi ko iyon ipnapahalata. Kapwa naming ipinapakita ni Kerwin na kalmado namin siyang lalabanan.

"Hindi iyon mangyayari."

"At paano mo nasabi?"

"Kasi mahal niya ako." Utas niya. Binigyang diin ang salitang 'Ako'. Napalunok ako nang makita ang pagdilim ng mukha ni Hoseff. Unti unting nagiging mabangis hanggang sa maging mapanganib. Kulang na lang ay humawak siya ng patalim at kami ay patayin. Kulang ang salitang poot upang maipaliwanag ang nararamdaman niya kay Kerwin.

Ngunit ang madilim na ekspressyon na iyon ay napalitan ng isang maka demonyong ngiti at tawa. Para bang nasisiraan nanaman siya ng bait sa ginagawa niya at mas nakakakilabot siya ngayon kumpara kanina.

"Baka magising ka na lang. Nasa akin na siya." Aniya at biglang nagseryoso. Hindi ko nagustuhan ang pag iba nanaman niya ng emosyon. Nagbibigay ito ng kung anong mensahe sa isipan ko na layuan siya dahil mapanganib siya ngayon.

HINAYAAN na lamang namin ang naganap. Nandirito ako ngayon sa rancho at pinapanood ang ginagawa ni Kerwin. Pinabayaan ako ni Hoseff sa kagustuhan kong makasama siya kahit sandali lamang. Kampanteng kampante siya na ako ay babagsak din sa kaniya balang araw.

"Kerwin, anong oras ang uwi mo?" Sinubukan kong tanungin iyon. Nagbabasakaling mabasag ang katahimikan na pumapagitan sa aming dalawa kanina pa. Hindi siya umiimik at hindi iyon nagustuhan ng aking sistema. Kanina pa nga naninikip ang aking puso dahil sa ginagawa niyang pag iwas.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!