Kabanata 35

7.5K 124 4

Kabanata 35

Trauma

Mahigpit ang hawak ko sa kutsilyo na aking nadampot. Nanginginig ito at kitang kita ito sa paggalaw ng kutsilyo na hawak hawak ko. Napalunok akong hinihintay ang hindi kilalang tao na nakapasok sa tahanan na ito. Ang mga tuhod ko ay para bang bibigay, ano mang oras. Nanghihina sila ngunit hindi ako makakapayag. Nag isang linya ang labi ko at hinanda ang katawan. Ang pagtakbo ay lubhang mahirap lalo na ngayong ako'y naka tapis lamang. Itinutok ko ang kutsilyo sa tapat ng pintuan ng kusina. Hinahanda ang sarili sa paglusob niya. Naku po, Kerwin. Bilisan mo na.

"P-putangina mong babae ka!" Dinig ko ang malutong na mura na tumakas sa labi niya. Nagpigil ako ng iyak dahil sa labis na takot na pinapahirapan ako ng husto. Nag uumapaw na ito at nasa kritikal na lebel na. Nang marinig ko ang mga yapak niya na alam kong patungo sa kusina, nahimatay na ang aking kamalayan ngunit ako'y nanatiling gising pa. Ang manghina ay wala sa lugar ngayon. Kailangan kong lumaban at hindi ako magpapatalo.

"Alam kong nandiyan ka." Mahina ngunit kakila kilabot niyang pagpapa alam. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya. Kahit maliit na galaw niya lamang, may kapangyarihang sindakin ang aking katawan. Iyon ba ay dahil sa boses niyang mistulang minana pa niya kay Satanas?

"Kung ako sa'yo, sumuko ka na. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Hindi mo ba nakikita?" Natanaw ko ang lumaking anino na nagmula sa taong umapak sa tapat ng kusina. Napaatras ako sa aking kinatatayuan at naramdaman ko na ang counter top sa aking likuran. Diyos ko. Napakalakas ng kabog ng puso ko at ang mga dugo ko sa kalamnan ay tinakasan ako. Nanlalamig ako ngunit ang mga pawis sa balat ko ay hindi mapigilang umalpas sa kaliit liitang butas ng aking mga balat.

Isa. Dalawa. Tatlo. At iyon, nasilayan ko na muli ang kasindak sindak niyang imahe sa mga mata ko. Nanlilisik ang kaniyang mata sa kaniyang sariling pamamaraan. Nandidilim iyon at ang tanging nasa isipan niya lamang ay ako'y saktan maliban sa dakipin ako at dalhin sa taong nag-utos nito sa kaniya. Naging abnormal ang aking paghinga gaya ng pagtibok nitong naghaharumentado kong puso. Shit. Humakbang siya sa kinaroroonan ko. Inangat ko nang mabuti ang kutsilyo sa kaniyang kinaroroonan upang balaan siya sa pagtatangka niyang makalapit sa aking kinatatayuan. Sa oras na ako'y saktan niya, hindi na ako matatakot na makapatay pa.

Isang segundo. Dalawang segundo. Tatlo. Apat. Lima. Limang segundo ang nagdaan at kami ay nagtitigan lamang. Mukhang nag iisip siya ng maaring gawin ngayong may armas na akong dala dala. Naku po. Saglit na sumagi sa isipan kong may baril siya sa loob ng kaniyang pantalon. Napalunok ako. Babarilin niya kaya ako? Posible. Kahindik hindik na larawan tuloy ang namuo sa aking isip. Kahit minsan ay hindi ko pinangarap na mabaril. Sino ba naman ang pangangarapin iyon? Mas pipiliin ko pang mamatay sa sakit o gutom, kaysa maging ganito ang paraan ng pagkamatay ko. Nakakapanindig balahibong isipin 'yon.

"Mag isip isip ka. Huwag na huwag mong tatangkaing ilapit ang kutsilyo na 'yan. Ibaba mo 'yan kung ayaw mong masaktan." Nanginig ang mga labi ko at dama ko ang pagtatama ng mga ngipin ko nang dahil 'don. Nasilayan ko ang pagpihit niya at pagkuha ng kaniyang baril sa kaniyang pantalon. Itinapat niya iyon sa kinaroroonan ko at nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga kahit mahirap 'yon. Ang nanlalamig na puso ko nang dahil sa takot ay naging isang hindi matigil tigil na makina nang masilayan ang bagay na maaring magtapos ng buhay ko.

"Isa!" Pagbabanta niya. Narinig ko ang ginawa niyang pagpapatunog ng baril. May kinalabit siya na kung ano roon at ano mang oras ay pwede niya nang iputok yon. At sa isang iglap ay maaring matumba ako sa kinatatayuan ko at kapusan ng dugo. At maabutan na lamang ako ni Kerwin na walang buhay sa kusina na ito. Kinagat ko ang labi ko, pinapakalma ang sarili dahil sa sumisidhing takot nang mabuo ang imahe na iyon sa aking isip na litong lito. "Dalawa!" Muli niya akong pinagbantaan. Umalingawngaw ang boses niyang ma-awtoridad sa silid ng kusina. Nawalan ng kulay ang pisngi ko dahil sa pagkaputla. Nanghihina ako sa bawat segundong dumadaan at hindi iyon maganda. "Tatlo!"

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!