Kabanata 44

6.5K 114 8

Kabanata 44

Leave

Pagmamay ari pa rin ba niya ako? Pagmamay ari ko pa rin ba siya sa pagkakataong ito?

Ito ang mga katanungan na ibinato ko sa sarili ko, nang marinig ang katanungan ni Kerwin. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niyang nagluluha sapagkat nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita ang taong minamahal ako, nang buong buo na sinusugatan ko ang puso. Ngunit kailangan kong gawin iyon.

Kailangan kong ipakita sa kaniya na kailangan na rin niya akong bitawan. Dahil kung hindi niya ako papakawalan, ang panganib ay hindi siya iiwan. Patuloy pa rin itong susunod sa kaniya at maaring maapektuhan ang taong natitira sa kaniya. Nang dahil sa'kin, nasira ko ang buhay niya. At hindi ko na hahayaang mangyari pa iyon. Oo, masisira ko ang puso niya dahil sa gagawin ko, ngunit maganda naman ang magiging resulta 'non. Ang pagmamahal ay nangangailangan ng sakripisyo. At ang sakripisyo na iyon ay eto, etong gagawin ko.

"Baby, s-sagutin mo ako. Nang talikuran mo ako noong gabing iyon, tinalikuran mo na rin ba ang pagmamahal na mayroon ka para sa akin? Sagutin mo ako, please." Piyok na may halong panginginig ang punto ng kaniyang pananalita. Halong lamig at sakit ang naririnig ng aking tainga. Gusto ko siyang yakapin, nais kong pawiin ang mga luha sa kaniyang pisngi, ngunit hindi maari. Dahil sa oras na gagawin ko iyon, baka hindi ko na siya mapakawalan pa. Kung gagawin ko iyon, baka makalimutan ko ang kagustuhang lumayo na sa kaniya. Baka tuluyan ko na siyang hindi pakawalan pa.

Malamig ko siyang tinitigan, bagay na labag sa aking kalooban. Naluluha na rin ako, ngunit sinikapan kong pigilan iyon. Dahil kapag hinayaan ko ang mga lintik na luha na nangingilid sa mga mata ko, matatalo ako. Matatalo ako sa larong sinimulan ko.

Tumingin muna ako kay Hoseff, nanghihingi ng permiso kung maari ko ba siyang kausapin. Mukhang naintindihan niya ang nais kong iparating, kaya tumango tango siya sa akin. Muli akong humarap kay Kerwin, lumunok at sinubukang tanggalin ang bikig sa lalamunan, subalit hindi ko iyon napagtagumpayan.

"Gusto mo yung totoo?" Bakas sa pananalita ko ang kalamigan. Kalamigan na pwede nang ihalintulad sa lamig na nanunuot sa aming mga balat.

Isang sarkastikong ngiti ang gumapang sa labi ni Kerwin, hindi nito natapalan ang nararamdaman niyang sakit. "Sino ang hindi nanaisin?"

Nagtitigan kami, ilang segundo siguro ang lumipas bago ako unti unting nakapag ipon ng sapat na lakas ng kalooban, upang sabihin ang nais iparating. Kumurap siya nang paulit ulit, mukhang hinahanda ang sarili sa maaring marinig. Shit. Iniisip ko pa lang ang sasabihin, nasasaktan na ako. Mukhang babaril ako ng isang tao na sa akin lang din naman tatagos.

Minuto ang lumipas, hindi pa rin ako nakapagsalita. Nagsi alisan na ang mga taong dumalo sa lamay, nasilayan ko rin si Timothy na hindi nag abalang lumingon sa amin at umalis na lamang, ngunit heto pa rin kami, nakatayo sa ilalim ng ulan habang pinagmamasdan ang isa't isa. Nais ko siyang lapitan. Subalit hindi pwede. Hindi talaga pwede.

Bumuntong hininga siya, mukhang nainip. "Isang sagot lang naman. Aleandra, mahal mo pa rin ba ako sa kabila ng lahat ng nangyari?" Basag ang kaniyang tinig, gaya ng aming mga pusong pinatay nang paulit ulit.

Nag iwas ako ng tingin, ikinuyom ang panga upang pigilan ang pagbagsak ng mga luha. "H-hindi na."

Kinagat ko ang labi ko, at nakatulong iyon upang pigilan ang mga luha sa pagbagsak sa mga mata ko. Daig ko pa ang namatay ng ilang milyong beses nang bitawan ang mga salitang iyon. Kung nasaktan si Kerwin sa sinabi ko, paano pa kaya ako? Doble ang sakit na hatid 'non para sa isang tulad ko. Napakasakit sabihin ang mga bagay na taliwas sa nararamdaman ko. Nang makita ko siyang humagulgol sa harap ko, nakangising pinapakawalan ang mga luha sa mga mata niyang walang tulog, daig ko pang sinaksak nang ilang beses sa puso. Shit. Ayokong tumatawa siya dahil alam kong nasasaktan siya. At mas nasasaktan ako kapag nakikita siyang tumatawa sa kabila ng kaniyang pag iyak.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!