Pangwakas

25.8K 339 31

See you in book 2!
Pangwakas

Marahan siyang umiikot ikot sa kaniyang itim na swivel chair. Lahat na ng bagay na pinapangarap niya lang noon ay nakamtan na niya, lahat ng bagay na inaasam niya noon ay mayroon na siya. May pera, yaman, at maunlad na negosyo. Subalit sa kabila ng lahat ng iyon, nananatiling may puwang sa kaniyang malamig na puso. Parang may kulang. . . At tiniis niya ang kahungkagan na iyon nang mahabang panahon. Naawa na rin nga siya sa sarili niya kung bakit hindi pa rin matigil tigil ang pag kirot ng puso niya sa tuwing naalala ang babaeng iyon. Enough of her! May babae na siyang binabakuran at balak ligawan. And to think about his past is not right.

Humugot siya ng malalim na hininga at agad itong binuga mula sa labi niyang nakaawang. Nakatitig siya sa kawalan habang hinahaplos nang marahan ang kaniyang panga. Four years had passed pero hindi pa rin niya malimutan ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso at dumurog din nito. Everything is still clear in his mind. Hindi pa rin mabura, kahit anong gawin niya.

Dinampot niya ang papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa naturang babae. Kumuyom ang kaniyang panga, angered filled his veins nang makita niya ang mukha ng dalaga. Pinaalala lang nito ang lahat ng mga pinagdaanan nila na nauwi lang sa wala. Muli niya itong inilapag nang maramdamang nag init ang gilid ng kaniyang mata. Kapag nagkita sila, ipapangangako niya na ipapadama niya ang sakit na naramdaman niya nang ipagtabuyan siya nito at ipagpalit sa iba.

Bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina, lumunok siya nang masilayan ang natira sa kaniyang kapatid. Dala dala nito ang sariling maleta pabalik ng Pilipinas. Ah, muli nanaman siyang mag iisa. His Lola Edith and Hanna is enough para maging masaya siya. Pero iba pa rin talaga kapag kasama niya ang kapatid niya.

"So everything is good?" Untag niya sa binatang pumasok sa opisina. Nakasuot ng pormal na kasuotan tulad ng mga mayaman na noon ay tinitingala lamang nila.

Tumango tango ito sa kaniya. "Yeah. Ipapaalam ko sa'yo kung nakauwi na ako sa Pilipinas." Ngumiti ito kahit labag sa kalooban. Mahirap naman talagang ngumiti kahit sa totoo lang ay nalulungkot ka. Tumikhim ang kaniyang kapatid, sinubukang huwag pumiyok muli kapag nagsalita siya.

Ngumiti ang lalaki, isang tipid na ngiti. "Thanks. Inform me kung nasa Cordova ka na. Ipadala mo sakin ang lahat ng nalaman mo tungkol sa kaniya. And make sure she's safe."

"Yes. I will." Pangako ng kapatid sa kaniya at muling lumabas ng kaniyang opisina. Naramdaman niya nanaman ang kahungakagan nang maalala ang pinagmulang lugar at bansa. Ang Cordova. Ang lugar kung saan siya nabuo at nawasak. Ang lugar kung saan niya nakilala ang babaeng magpapabaliw sa kaniya.

Nang lumabas ang kaniyang kapatid sa opisina, muli nanaman siyang nakapag isip isip. Pero walang matinong pumapasok sa isipan niya dahil nag uulap na galit lamang ang kaniyang napapansin. Kinuyom niya ang kamao niya. Hindi pa niya 'to nararamdaman sa ibang babaeng nakarelasyon niya sa Amerika. Sa kaniya lang. Sa kaniya lang talaga.

Muli niyang dinampot ang larawan ng babaeng una niyang minahal. Hindi na niya napigilan ang luha. Luha dulot ng galit na nararamdaman niya. Ang galit na hindi niya alam kung tama ba na madama.

I will come back for you. And I will show you that, the desperate guy who used to loved you before is gone forever. At ipapakita ko rin sa'yo na hindi na ako ang taong nakilala mo noon. Pinatay mo ang puso ko, babangon ako at dudurugin ko ang iyo.

End Of Book I

Started - July 26
Ended - October 5

BOOK 2 : HIS DARKER VENGEANCE. (FINISHED)

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!