Kabanata 23

10.3K 186 11

Mami-miss ko si Kerwin. :( Malapit na.
P.S
Puyat na ako. Bukas ko na lang ieedit, tiyaka dadagdagan ng detalye. :)

Kabanata 23
Pagsubok

Napaawang ang labi ng aking mga magulang. At gayun din si Jennica na nasa tabihan lamang ni Ama at nakatitig sa aking kinaroroonan. Para bang dismayado rin siya sa akin ngunit hindi ko alam kung ano ang dahilan. Sa mga mata naman ng aking magulang ay mababasa ang mga galit at poot na nararamdaman nila. Permanente na ata iyon at hindi maaalis pa. Ang tanging paraan na lamang upang mapawi iyon ay sundin ko ang gusto nila.

Ngunit hindi ko iyon gagawin. Kahit ano pa ang kanilang gawin, lalaban pa rin kami ni Kerwin. Kahit paulit ulit kaming nasusugatan. Hangga't may natitira pang lakas sa amin at hangga't tumitibok pa itong puso namin, lalaban kami. Lalaban kami kahit magkamali.

"Handa mong isugal ang buhay mo para sa walang kwentang lalaking 'yan?" Halos magdugo ang tainga ko sa sinabi ni Ama. Walang kwenta? Pag uulit ng aking isipan. Napangisi ang subconscious ko dahil sa sinabi niya. Kung walang kwenta si Kerwin, paano pa kaya siya? Mas masahol pa siya sa basura!

"Sobra na Ama! Sobra na." Wika ko sa isang nadudurog na boses.

"Ikaw rin! Namumuro ka na Aleandra! Huwag mo kong sagarin. Sundin mo lahat ng mga sinasabi ko!" Nakita kong kinuha ni Ama ang walis at inihampas iyon sa harapan ng lamesa dahilan para ito ay mabali. Napatalon ako sa gulat at nanginig. Ang mga luha ko rin ay hindi na napigilan pa. Handa nilang gawin ang lahat, mapaglayo lamang kaming dalawa. Nahulog sa sahig ang kapiraso ng walis na iyon at ibinagsak niya sa lamesa ang isang bahagi nito.

Suminghap ako bago magsalita. Garalgal na ito ngunit pinipilit ko pa rin upang masabi ang mga nais kong sabihin sa kanila.

"Pero am--."

"Hindi naman po siguro tamang sundin ang mga kautusan na wala sa lugar hindi po ba?" Nabigla ako nang biglang sumingit si Kerwin sa usapan. Nanlaki ang mga mata ko sa pangamba. Pihadong lalong mag iinit ang dugo ng aking magulang sa kaniya. Shit! Dapat nanahimik na lamang siya. Mas lalo kaming mapapasama at hindi iyon maganda!

"Anak niyo po si Aleandra. At wala naman po ata sa karapatan niyo bilang magulang niya na piliin ang taong mamahalin niya."

"Manahimik kang gago ka kung ayaw mong mabasag yang mukhang mo!" Napatayo si Ama sa upuan niya. Pinulot niya ang kapiraso ng walis at inihampas hampas iyon nang marahan sa kabila niyang palad. Tila ba'y gumagawa ng tiyempo at tamang oras upang ihampas iyon sa binata na pinupuntirya niya.

Napatayo ako sa aking upuan dahil sa pagka alarma. Napatayo na rin si Kerwin; mababakas ang pagkabahala. Kung hindi matitigil si Ama, ako ang pipigil sa kaniya. Ako ang makakalaban niya! Kahit magulang ko pa sila. Napalunok akong humarang sa pagitan ni Kerwin at Ama. Matapang kong tinitigan ang ama ko sa mga mata na para bang sinasabi ko na handa ako kung ano man ang gawin niya.

"Sige. Ipakita mo sakin kung sino ang pinaka gago rito. Kung sino ang pinaka basura rito nang magka alaman na!" Sigaw ko. At sa isang iglap ay isang malakas na hagupit ang natamo ko sa pisngi ko. Namanhid iyon bago ko naramdaman ang kirot at bahagya akong nawalan ng balanse. Naramdaman ko ang mga bisig na sumalo sa akin at ako ay pwersahan niyang itinalikod palayo sa aking ama. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya.

"K-kerwin." Bulong ko nang may kasamang luha. At kasabay 'non ang pagkarinig ko ng mga malalakas na hagupit sa likuran ni Kerwin na gawa ni Ama. Napapaungol siya sa sakin at kailangan ko 'yon pigilan. Ngunit hindi ko na ata iyon kailangang gawin sa kaniya dahil pinakawalan ako ni Kerwin sa mga bisig niya dahilan para mapaatras ako sa kanilang lahat.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!