"Ipatong mo na lang diyan sa lamesa. Salamat."

"Ako na ang magbubukas." Prisinta ni Jessy.

Tumango ako ngunit bahagyang lumapit sa kanya.

"Fvck." Napamura ako ng malakas ng makitang may kandila sa loob ng kahon at isang picture frame na naglalaman ng litrato ni Zachary na nakagapos at duguan. Ayokong magpakita ng kahit na anong kahinaan kaya itinago ko ang aking emosyon. "Nakuha mo ba yung location nung tumawag, Jessy?"

"Hinihintay ko lang mag-load Keisha pero natrack ko naman."

"Dumating na din yung mga detalye mula sa tauhan natin. Na-locate nila ang sasakyan ni Blake at malapit ito sa isang abandonadong building sa Laguna."

"Karen, patingin nga ako ng address na sinend ng tauhan natin?" Utos ni Jessy habang busy siya sa pag-type sa kanyang laptop.

"Parehas yung address na na-locate ng mga tauhan at nung tumawag sayo, Keisha."

"Ipunin mo ang mga tauhan natin. Aalis tayo in 30 minutes." Utos ko.

"Pero Keisha -"

"Maaari kang maiwan dito, Jessy. Hindi kita pipilitin na sumama basta ihanda mo lang ang mga tauhan na sasama sa akin."

"Sasama ako. Aalis tayo sa oras na gusto mo." Sabi niya bago lumabas ng kwarto ni Kyle.

"Karen, Pia, Veron, at Jl, maiwan na kayo dito. Magi-iwan ako ng mga bantay dito para masiguro na ligtas kayo ng mga bata."

"Sasama na ako sa inyo." Prisinta ni Pia.

"Magi-ingat kayo." Paalala sa akin ni Karen.

"Salamat." Ngumiti ako. "Huwag kayong mag-alala, walang mangyayaring masama."

"Natawagan ko na ang lahat. Inaayos lang nila ang mga armas na dadalin natin."

***

"Masama ang kutob ko sa gagawin nating pag-lusob dito ngayon." Mahinang pahayag ni Jessy habang nasa biyahe kami papunta sa location kung saan nandoon sila Zach.

"Manalangin na lang tayo na maging maayos ang lahat." Narinig kong sabi ni Pia.

Nanatili akong tahimik. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung paano namin lulusubin ang lugar at ng mailigtas sila Zach.

"Malapit na ho tayo." Napatingin ako sa tauhan namin na kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan.

Maya-maya ay ipinarada nito ang sasakyan malayo sa isang building na may apat na palapag. Kung titignan mo ang gusali, mukhang walang nakatira dito pero makakapansin ka ng mga anino ng nagbabantay.

"Kailangan mapalibutan natin ang buong lugar. Limang tao ang paakyatin niyo ng bakod na nasa likurang bahagi. Doon niyo sila padaanin sa puro mga damo." Itinuro niya ang musukal na bahagi ng lugar. Puro matataas na talahib ang makikita mo dito pero ito ang magbibigay daan para makaakyat sila sa bakod.

"Masusunod po Ma'am Keisha." Sagot ng pinagkakatiwalaan ni Zach na humahawak sa among mga tauhan.

"Gusto ko na gawin niyong dahan-dahan at maglinis ang pagpasok sa loob. Iligpit niyo na ang mga dapat Iligpit para mabawasan ang acting mga kalaban. Naiintindihan ba?"

"Yes Ma'am. Masusunod po lahat ng bilin niyo."

"Mabuti. Magtalaga ka din ng tiglilimang tao sa bawat gilid ng lote na ito. Ayokong may makatakas na kahit isang kalaban. Sa harap naman kami dadaan nila Jessy at Pia kasama ng mga matitirang tauhan." Huminto siya sandali para tignan ang mga kasama sa loob ng van. "Habang may pasimpleng umaakyat sa gate ay lulusot ang iba pagapang sa ilalim ng alambre na yun sa harap." Tinuro niya ang mga alambre na nagsisilbing harang sa mga walang bakod. "Nalagyan na ba ng silencer ang lahat ng baril?"

"Yes Ma'am. Sinigurado po namin na walang baril ang magi-ingay mamaya."

"Good. Gusto kong masigurado na hindi mabubulabog ang mga kalaban. Baka kung ano ang gawin nila kila Zach. Kung wala na kayong mga tanong, maaari na kayong bumaba."

Tumango ang driver at nauna na ito sa pagtakbo papunta sa likod na bahagi ng gusali. Dahan-dahan ding lumabas ang iba pa naming tauhan at sumunod sa kanya.

Nang masigurado ng lahat na nakapwesto na sila ay siya namang pagsunod ng iba pa naming tauhan upang masigurong mapapaligiran ang buong lugar.

"Keisha, kung gusto mo ay maiwan ka na lang dito. Kami na ang bahala-"

"Sasama ako sa inyo." Putol ko sa sinasabi no Jessy.

"Pero wala kang tulog at-"

"Okay lang ako. Tara na." Pag-aya ko ng makitang nakapwesto na ang lahat.

Nagkanya-kanya na sila sa paggapang papasok mula sa mga alam teng nakaharang. Ang iba naman ay gumamit ng mga lubid upang maakyat nila ang bakod.

Kami many tatlong babae ay gumapang sa ilalim ng alambre para makapasok sa loob ngunit bakas ang pagtataka sa mukha ng bawat isa ng magkita-kita kami lang din kami sa loob at walang nakasalamuha ni isang kalaban.

"Naisahan ata nila tayo." Napapailing na pahayag ni Pia.

"Ikutin niyong maigi ang buong lugar. Kailangan niyong masiguro na wala talagang tao dito-"

"Kami ba ang hinahanap niyo?"

"Fvck." Mura ko ng mapalingon sa buong lugar. Doble ng bilang namin ang mga lalaking nakapalibot sa amin.

"Masyado niyo kaming minamaliit Dawson. Yan lang talaga ang mga taong dinala mo? Mga walang kwenta!"

Nanggigigil na itinutok ko ang aking baril sa umaastang leader nilang lahat.

"Sige ituloy mo. Mapatay mo man ako, tignan na lang natin kung makalabas pa kayong buhay dito dahil sa dami namin." Pagkasaba niya nun ay siya namang pagdating ng isang truck na may sakay na mga sibilyan. Hindi ko na sila kabilang pero alam kong nasa mahigpit singkwenta ang sakay nito.

Alam kong kapag nanlaban kami ay matatalo lang kami kahit na wala sa bokabularyo ko ang pagsuko ay wala akong nagawa. "Ano bang gusto niyong mangyari?"

"Sumama kayo ng matiwasay sa amin kung gusto niyo pang abutan ng buhay ang inyong mga asawa." Kasabay nun ay ang pag-agaw ng aming mga baril at pagbitbit sa amin sa sasakyan.

***

Namiss ko kayong lahat Soliders. Praying for everyone's safety. 💕

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon