B4 C35
Keisha's POV
"Paano natin hahanapin si Kyle hubby?"
"Sisimulan na namin bukas. Pero ang pinakamagandang gawin ay tapusin muna lahat ng grupong nakapalibot sa kanila."
"Natatakot ako. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?"
"Wag kang mag-isip ng ganyan." Mas iniyakap niya ang braso niya sakin. "Walang mangyayareng masama sa kanya. Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa kanya."
"Sa itsura naman, wala kang dapat ipagtaka, kamukhang-kamukha mo siya. Sa personality naman, matalino siya, mana sayo."
"Paniguradong gwapo si Kyle. Sana man lang nakita ko siya agad."
Hinawakan ko siya sa pisngi. "Alam ko namang mas matagal pa natin siyang makakasama hubby. Hahanapin mo siya diba?"
"Promise." Sabi niya bago ako hinalikan sa noo. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya wifey. Pakiramdam ko nananaginip pa din ako."
Ikinawit ko ang mga braso ko sa batok niya. "Hindi ka nananaginip hubby. Totoong-totoo nato. Magkasama na talaga tayong dalawa."
"At wala ng makapagpapahiwalay pa." Sabi niya bago ako hinalikan sa labi.
Hindi ko na namalayan kung gaano katagal magkalapat ang aming mga labi ng biglang may kumatok.
"Ugh! Istorbo." Inis na bulong niya ng mahiwalay sakin. "Who's that?"
"Boss-"
"I TOLD YOU NOT TO DISTURB US KANE. What do you want?!"
"M-may bisita ka. Ano boss.. Si Maxine nasa baba."
"Fvck." Biglang tumayo si Zach at nagsuot ng t-shirt.
Napataas tuloy ang kilay ko dahil sa inaasta niya.
"Sinong diyosa ba ang dumating at hindi ka na mapakali diyan?" Inis na tanong ko.
"Maxine is here. Hindi ka niya pwedeng makita."
"At bakit naman?"
"Just listen to me first wifey-"
"Wag mo kong matawag-tawag na wifey diyan. Bahala ka sa buhay mo!"
"You don't have to be jealous. I'll deal with her first."
"Jealous your face!" Sigaw ko bago pumasok sa CR.
Bahala siya sa buhay niya. Dun na siya sa babae niya!
***
"Kaya ko na." Inilayo ko ng bahagya yung plato ko kay Zach.
"Ano pang gusto mo wifey?"
Imbis na kausapin siya, mas pinili kong ituon ang pansin ko kay Sachel.
"Kain ka pa nito baby. Si mommy nagluto niyan. Miss mo luto ko?"
"Opo mommy. Bukas po luto ka ng pork sinigang ha?"
"Gusto ko din nun wifey." Pagsingit ni Zach pero hindi ko pa din siya pinansin.
"Kayo Lic? Amour? Baka may gusto kayong ulam. Sabihin niyo lang sakin para makapamili ng mga lulutuin."
"Samahan kita mamili Keisha. Miss na kita e." Napangiti ako sa suggestion ni Jessy.
"Sige ba. Bakit hindi kaya tayo umalis na lima? All girls ba?"

BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)