Chapter 24

30.4K 982 200
                                    

B4 C24

Blake's POV

Bitbit ko sa aking kaliwang kamay ang aking attache case habang nasa kanang kamay naman ang aking baril ng lumabas ako ng kwarto.

Sumalubong sa akin ang nagkakagulong tao. Marami na din ang mga nakahandusay. Sunod-sunod naman ang ginawa kong pagbaril sa mga nakakasalubong ko.

Malaking tulong ang ibinibigay ng aking glasses dahil dito ko sila nakikita. Kumbaga napapatay namin sila ng walang kalaban-laban dahil kung kami ay inaaninag lang nila, sila ay malinaw na malinaw sa aming paningin.

Halos naubos ko na ang mga tao sa aking parte ng matanaw ko si bossing na nakatayo hindi kalayuan sakin. Wala siyang eyeglasses na suot pero mapapahanga ka pa din sa kanya dahil ginagamit lang niya ang pakiramdam sa ginagawang pamamaril. Ibang klase talaga.

Sinigurado ko na munang wala ng natirang buhay sa pwesto ko bago pumunta sa kabilang parte.

"BOSS-" Hindi ko na naituloy ang pagsigaw ko ng makita kong tumama ang hawak na patalim ng isang lalaki sa braso ni bossing.

Mabilis kong binaril yung lalaki bago patakbong lumapit sa kanila.

"Ayos ka lang ba boss?" Tanong ko pero kitang-kita ko na may dugong naglalandas sa kaliwang braso niya. "May tama kayo-"

"I'm fine. Salamat."

"Pero may tama kayo-"

"Daplis lang to Blake. I'm fine."

"Mauna na kaya kayo sa sasakyan. Kaya na namin to nila Jade at Chris."

"Hindi ko kayo pwedeng iwan dito." Sabi niya bago nagbabaril na namang muli.

Wala tuloy akong ibang nagawa kundi ang makipaglaban na din pero hindi ako umalis sa tabi niya. Mahirap na at baka may makapalit na namang kalaban sa kanya.

Makalipas ang limang minuto ay naubos na namin ang mga kalaban. Nagkita-kita na din kaming apat dito sa stage ng bar.

"Start the bomb now Jade." He ordered.

"Yes bossing." Agad nitong nilabas ang kanyang cellphone bago may kinalikot doon. " Three minutes starts now."

Mabilis kaming naglakad papunta sa entrance ng bar. Mas kabisado namin itong daan nato dahil dito na kami pumasok kanina.

We only have 2 minute and 30 seconds left para makalabas ng bar bago sumabog itong buong lugar pero naabutan naming nakasarado ang pintuan nito.

Kahit anong pilit namin sa pagbukas ay ayaw talaga. Binaril pa nga ni Chris yung mismong lock pero walang epekto.

"Na-trap na ata tayo!" Sigaw ni Jade.

"Let's use the door at the back. Move faster!" Sigaw ni bossing bago kami sabay-sabay na tumakbo papunta sa dulong bahagi ng bar.

Sa pagkakaalam ko base sa floor plan na ginawa nila Kane, aabot ng 5 minutes bago namin marating yun at kailangan talaga ang mabilis na pagtakbo. Isang minuto na lang ang natitira sa timer ng bomba.

"Kailangan na nating makalabas agad dahil hindi na pwedeng ihinto yung bomba!" Lalo pa naming binilisan ang pagtakbo dahil sa sinabi ni Chris.

Naabutan naming naka-lock din ang pintuan pero mula dito ay may mga taong nagbabantay. Mabilis namin kinatok ang pinto at sabay-sabay na pinaputukan ang mga bouncer sa likod nito.

"Tang*ina." Hindi ko napigilan ang pagmumura ng tuluyan kong makita ang dami ng nakabantay. Halos isang daan ata ang bantay nito!

Nakaharang silang lahat sa mahabang pasilyo at kung hindi namin sila mapapatumba ay pare-parehas lang kaming sasabog.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Where stories live. Discover now