Chapter 36

35.9K 961 212
                                    

B4 C36

Keisha's POV

"Si ate o. Hindi na mapakali."

"Eh kinakabahan kase ako."

"Jusko naman Keisha, napakadami niyo ng pinagdaanan, kinakabahan ka pa din? Ano first time lang mag-date?" Pang-aasar ni Jessy.

"Kanina niyo pa ko inaasar ha. Sumbong ko kayo kay Zach sige kayo."

"Yan. Diyan ka magaling. Aaway-awayin yung asawa tapos magsusumbong."

"Psh. Ewan ko sa inyo. Teka nga, nasan ba si Pia?"

"Andun sa labas. Kausap yung asawa niya."

"Sinabi na kaya niya kay Blake yung plano?" Tanong ko.

"Feeling ko hindi pa, nung sumilip ako kanina puro miss na kita at I love you yung naririnig ko e. Akala mo naman limang taon na hindi nagkita."

Isang malakas na pagsabog ang nagpahinto saming lahat.

"Sh*t! Ano yun!" Sigaw ko ng matauhan.

Agad akong bumunot ng baril ganun din sila.

"Pupuntahan ko lang si Pia!" Sigaw ni Jessy bago tumakbo palabas.

"Mukhang may nakasunod satin." Naga-alalang sabi ni Veron.

"Ano ng gagawin natin ate?" Halata ang takot sa boses ni Jl.

"Kailangan nating kumalma. Lalabas tayo agad dito sa hide out oras na makabalik yung dalawa." Tumango silang lahat. "Doon na tayo dadaan sa likod dahil dito galing yung pagsabog."

"Okay lang ba kayong dalawa? Jessy? Pia?" Tanong ko agad ng makita silang dalawa na papasok.

"Ayos lang Keisha. Mukhang marami ang nakaabang sa labas. Masyadong madilim para mabilang ko pero nakakita ako ng mga anino."

"Tatawagan ko si Zach-"

"Nasabihan ko na si Blake, Keisha. Papunta na sila dito."

"Mabuti. Tara na sa likod." Nanguna na ko sa paglalakad.

Hindi na kami nagtangka pang buksan ang mga ilaw sa loob kaya ang nagsisilbing liwanag sa amin ay ang buwan.

"Maging alerto kayo. Jessy, bantayan mo yang likod ha."

"Oo. Ako ng bahala."

Ipinagpatuloy pa namin ang paglalakad. Nasa unahan ako at sa likod naman si Jessy habang ang iba ay nasa gitna namin.

"Fvck. Yuko!" Sigaw ko ng may matanaw na mga kalaban. Agad namin silang pinagbabaril. Mabuti na lang at may silencer ang lahat ng baril namin kaya hindi nakatunog ang iba pa nilang kasama.

Naging madali ang lahat sa amin dahil napatumba namin sila ng walang laban.

"Not so fast ladies." Napatayo ako ng diretso ng maramdaman ko ang isang matigas na baril na nakatutok sa tagiliran ko. "Ibaba niyo ang mga baril niyo."

"Ako na lang ang kunin mo." Matapang na sabi ko. "Pakawalan mo na silang lahat."

"I'm sorry my lady pero babaero ako. Gusto ko maraming chix kaya dito lang kayong lahat. Bring down your gun."

Napansin ko ang kakaibang pagkilos ni Jessy. Dahan-dahan niyang ibinababa ang baril bago mabilising itinutok sa lalaking nasa gilid ko.

"Hindi mo ko matatakot diyan Miss." Sabi nito bago biglang binaril ang hawak ni Jessy kaya ito ay tumilapon.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon