Chapter 62

19.1K 759 263
                                    

B4 C62

Karen's POV

"Jl, pakiabot naman yung tinapay." Rinig kong pakiusap ni Keisha habang kumakain kami ng breakfast sa bagong bahay na binili ni boss.

"Here."

"JL, sabi ko pakiabot naman yung tinapay." Tuluyan na kong napalingon sa mag-asawa ng hindi pinansin ni Keisha si bossing.

Mukhang nakaramdam na din ang lahat kaya inabot na ni Jl yung inuutos niya.

"Anong nangyari dun sa mag-asawa?" Pabulong na tanong ko sa aking asawa.

"Hindi ko din alam pero kanina ko pa napapansin yan pagbaba nila. Kumain na lang muna tayo."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Nakakapanibago nga lang dahil lahat kami ay tahimik lang na kumakain, hindi kagaya ng dati.

"Is everything okay, mom?" Napatigil kaming lahat ng biglang nagtanong si Angelique.

"Yes."

"But-"

"Just eat, Angelique."

"Pero mommy-" Agad siyang napatigil ng tinignan na siya ni Keisha. Kahit ako man ay natakot sa kanya.

"Just eat."

Tahimik lang namin na tinapos ang pagkain at nakailang pagtatangka si boss na kausapin si Keisha pero hindi siya nagtagumpay.

"Wifey.." Simpleng kong sinilip yung dalawa pero hindi pa din sila nagpapansinan.

"I'm done eating. Aakyat na ko sa kwarto. Make sure to finish your food Kyle and Sachel okay?"

"Yes mommy. Can we swim after?"

"Sure baby. Magpahinga muna kayo before swimming. I'll just prepare your swimwear."

"Thanks mommy! I love you!"

***

Keisha's POV

Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likuran.

"Wifey..." Nanatili akong walang imik. "Pansinin mo naman na ako o." Hindi ko pa din siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagaayos ng mga damit ng mga bata para mamaya. "I love you."

Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg.

Bago pa ako tuluyang magkasala ay nagsalita na ako. "Bitiwan mo ko Zach. May ginagawa ako."

"I can prepare that for you." Iniharap niya ako bigla sa kanya. "Just let me kiss you first."

Bago pa ako makatutol ay tuluyan na niya idinikit ang kanyang mga labi sa akin.

Pinilit kong tatagan ang aking loob na wag siyang halikan pabalik pero sinong babae ba naman ang makakakaya nun? Tao lang po ako, marupok din.

Bahagya ko siyang naitulak ng biglang tumunog ang kanyang phone. "Hubby.. Yung phone mo."

"Shhh. I'll just return the call later."

"Baka importante yun." Pilit kong pinapagana ang isip ko kaya naman inabot ko ang phone niya na nasa bedside table.

Muli niya akong hinalikan sa labi pero mas pinili kong abutin na lang ang kanyang cellphone na walang humpay sa pagtunog. Lalo ko tuloy naramdaman na baka emergency ito.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang pangalan ng caller sa kanyang screen. Agad ko siyang itinulak palayo dahil dito.

"Why?" He asked with a confused face.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon