Prologue

153K 2K 177
                                    


PROLOGUE

Nagpunas ako ng luha dahil sa sinabi ng pari. Masaya ako dahil masaya na silang lahat.

Nagpapasalamat ako dahil ngayon kwento naman ng buhay nila ang nasasaksihan ko. Hindi kagaya dati na palaging sila ang tumutulong sa amin ni Zach. They have their own family now and I know that their loyalty will always be on us but I'm very much willing to help them.

Nakakatuwang isipin na halos lahat ng miyembro ng limang itlog ay may pamilya ng bubuuin at masayang-masaya akong masaksihan ito ngayon.

"Congratulations!" Isa-isa ko silang nilapitan at binati. Bakas na bakas mo sa mga mukha nilang lahat.

Today is their day. Sabay-sabay ginanap ang mga kasal nila at walang tumutol doon. Everything went well. Indeed, this is the perfect day for their wedding.

Pagkatapos namin mag-picture taking sa simbahan ay dumiretso na kami sa yatch kung saab gaganapin ang reception ng kasal.

Nakaakbay sa akin si Zach habang buhat-buhat ko si Sachel na feeling ko ay tulog na.

"I love you." He said.

"I love you too hubby. Ganito pala yung feeling no. Yung kahit na hindi naman ako yung kinasal, masayang-masaya ko." Sabi ko sa kanya. "Thank you for bringing me into this life hubby. Mahal na mahal talaga kita."

"Thank you for coming into my life. Hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon kung hindi ka dumating sa buhay ko."

"Everything has a reason hubby. Alam kong nakatadhana tayong magkita."

Hahalikan na sana ako ni Zach pero biglang nagsalita yung pasaway kong anak. "Bakit lagi kayo kiss, mommy at daddy?"

"Kase love ko si mommy mo. Diba kinikiss ka din naman namin?" Sagot ni Zach.

"Ganun po ba yun?" Tanong niya.

"Yes baby. I'm showing my love to your mom by kissing her. So pwede na ba?"

"Pero tito Kane said it's Rated PG daw po."

"Then I'll cover your eyes." Tinakpan nga niya yung mata ni Sachel tsaka ako hinalikan. Masuyo at banayad.

"Naiipit na po ako!" Natatawa naman kaming naghiwalay ni Zach.

"KJ naman ng bunso namin." Sabi ko sa kanya.

"Mommy doon muna po ako kila ate ha. Ituloy niyo na po yan."

"Good girl ha. Wag pasaway."

"Opo!"

Nakalabas na nga si Sachel. "Ano ituloy na natin?" Tumaas-baba pa ang kilay niya.

"Loko-loko ka talaga! Halika na nga sa baba- waaaaah hubby!" Wala na kong nagawa dahil hinatak na niya ko pahiga sa kanya.

Ano ba talaga to, reception o honeymoon?

***

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas.

"Fvck." Biglang bumangon si Zach at nagbihis. "Stay here wifey. I'll check them outside."

Mabilis na din naman akong nagbihis dahil talagang nagkakagulo na talaga sa labas. Nakakaamoy na din ako usok.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at di kalayuan sa pwesto ko ay may nakita akong umaapoy na parte ng yatch. Tanaw na tanaw ko na din sila mula dito sa loob.

Ang mga lalaki ay pilit kinakalas ang emergency boat na nasa gilid nitong yatch at ipinapalutang sa tubig. Habang ang mga babae naman ay yakap-yakap ang mga bata.

Inaalalayan nila ang bawat isa sa pagsakay sa boat. Mabilis akong bumalik ng kwarto para kunin yung wedding ring at cellphone ko.

Papalabas na sana ako sa deck ng yatch pero hindi ko mabuksan yung glass door. Fvck. Bakit parang na-stuck to.

Pinilit ko talag siyang buksan pero ayaw. I even used the fire extinguisher para ihampas sa salamin pero hindi ito nabasag.

Shems. What should I do now? Busy pa din naman silang lahat sa labas para mailigtas ang lahat. I need to make a move now.

Ang alam ko ay may isa pang daan dito sa yatch para makalabas pero yun na yung part na kasalukuyang umaapoy.

Bumalik ako ng kwarto para kunin yung comforter sa kama. Mabilis ko itong itinaklob sa ulo ko bago ibinilot sa buong katawan ko.

Kailangan ko na talagang makalabas dito. Kapag nalampasan ko tong umaapoy na parte ng yatch, paniguradong makakaligtas na ko nito dahil kaya ko namang lumangoy. Isa ata yun sa tinuro sakin ni Zach.

Malapit na malapit na kong makalabas pero may bumagsak sa akin na nag-aapoy na kahoy mula sa taas. Natamaan ang paa ko dahilan para mapaupo ako. Nagulat din ako ng bumagsak yung isang cabinet dahilan para maipit yung paa ko. Hindi ako makatayo.

"Araaaaaaay!" Ang sakit ng paa ko. Pinipilit ko itong hatakin palabas pero sobrang bigat ng cabinet. "Lord.. tulungan mo po akong makalabas dito. Please.."

Isa-isa na namang nagbabagsakan yung mga kahoy na may apoy mula sa taas kaya ipinulupot ko ang comforter sa buo kong katawan.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa ganoong posisyon nang makaramdam ako ng biglaang pagkahilo. Pinipilit kong itayo ang sarili ko pero hindi ko magawa.

Hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid ko hanggang sa napaungol ako ng may biglang tumama na mabigat na bagay sa ulo ko tapos nagdilim na lang ang lahat.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon