B4 C56
Keisha's POV
"Zachary.." Hinaplos-haplos ko ang kanyang mukha habang nakaunan siya sa binti ko.
Nakasakay na kami ngayon sa isang bangka, mabuti na lamang at nakita kami agad nila Amour.
Napatingin ako sa mga taong nandito. Halos lahat sila ay duguan at wala ng malay.
Anong nangyare? Hindi ko lubos maisip na babagsak sila ng ganito.
Gusto kong sisihin ang sarili ko. Naging padalos-dalos ba ko ng desisyon? Hindi ko ba pinag-isipan at pinag-aralan kung kakayanin namin silang matalo?
Kusang tumulo ang mga luha ko ng mahawakan ko sa magkabilang kamay si Angelique at Premier.
"Sorry.." Umiiyak na sabi ko. "Kasalanan ko ito e. Hindi dapat to nangyari sa inyo." Isa-isa ko silang tinitigan.
Si Premier.. Angelique.. Val.. Blake.. Kane.. Chris.. Jade.. Josh.. Pia.. Karen.. Jessy.. Amour.. at Zach..
"This is my fault." Umiiling na sabi ko. "Sana inalam ko muna kung gaano sila karami bago ako nagdesisyon na sumugod. Sana inalam ko muna kung kakayanin ba ng grupo natin ang kalaban. Sana.."
"Shhh." Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Karen. "Walang may kasalanan nito. Wag mo ng sisihin ang sarili mo."
"Sinusubukan lang ng Panginoon ang tatag ng pamilya natin, Keisha. Wag mong isipin na kasalanan mo ang lahat ng nangyari. Malalampasan din natin ito." Ngumiti sakin si Jessy.
"Kailangan mong maging matatag." Napalingon naman ako kay Pia ng magsalita ito. "Hindi ito ang tamang oras para panghinaan ka ng loob."
"Tama kayo." Pinunasan ko ang mga basang luha na nakakalat sa mukha ko. "My family needs me. Kailangan natin magtulungan lahat." Napangiti ako ng matanaw ko na ang aming barko.
"Gamutin muna natin silang lahat. Kailangan nilang mabigyan ng paunang lunas habang bumibiyahe tayo."
"Siguradong si tita Veron po ang makakatulong satin." Pagsang-ayon ni Amour.
"Sa resthouse na tayo ni Zach dumiretso para mas malapit. Magpapapunta na lamang ako ng mga doctor doon." Sabi ko sa kanila.
May branch ng hospital si Zach dito sa Batangas kaya hindi ako mahihirapan magpapunta ng mga doctor.
Mas matatagalan pa kase kung babiyahe kami pabalik sa bahay. Aabutin kami ng tatlo hanggang apat na oras, samantalang nasa 30 minutes na lang ang biyahe papunta sa rest house.
"Mommy!" Agad na yumakap sakin si Sachel ng makalipat kami sa barko.
Patakbo din na yumakap sakin si Kyle ng makita niya ko.
"Tama na ang iyak. Nandito na kami. Magiging maayos na ang lahat." Bulong ko sa kanila.
"Mommy ano pong nangyari sa kanila?" Umiiyak na tanong ni Sachel ng makita ang mga kapatid niya.
"Nasaktan sila sa pakikipaglaban anak pero wag kang mag-alala. Magiging okay din sila."
Dinala ko na sila sa loob para hindi nila masaksihan ang mga nangyayari sa labas.
Iniwan ko si Amour kasama ng mga bata dahil si Jl at Veron ay tumulong na din sa paggamot.
"Gising na si Homme at Ces, ate Keisha." Nakangiting salubong sakin ni Jl pagkalabas ko.
"Anak." Agad ko itong nilapitan. "Anong nararamdaman mo? Saan ang masakit?"
"I'm fine mom. Don't worry about me."

BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)