B4 C12
Katherine's POV
"Palabasin niyo ko dito! Lucas! Open this damn door! Uggggggggghhhhhhhhhh!"
Nanghihina akong napaupo ako sa kama. Ano ba tong napasukan ko? Kung asawa ko talaga si Lucas, bakit niya ko kinukulong dito? Bakit ayaw niyang sabihin saking yung totoong pagkatao ko? Bakit niya ko pinapahirapan?
"Love. Sabi ng nurse mo, nagwawala ka daw." Masama kong tinignan si Lucas na kakapasok lang ng kwarto.
"Palabasin mo na ko dito."
"Paano kita papalabasin dito Love? May sakit ka nga diba? Kailangan mo munang magpagaling para makalabas ka na dito."
"Wala akong sakit! Ikaw ang nagpapalala sakin. Tigilan mo na to Lucas. Parang awa mo na."
"Ano bang hindi mo maintindihan Katherine? Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil mahal kita. Mahal na mahal kita. Ano bang mahirap intindihin doon?"
"Kung talagang mahal mo ko Lucas, pakawalan mo na ko. Palayain mo na ko sa mga kasinungalingan mo."
"Magpahinga ka na." Inihiga niya ko sa kama.
Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya. "Alam kong mabuti kang tao Lucas. Ramdam ko na mahal na mahal mo ko pati si Kyle. Parang awa mo na Lucas, ayoko na. Pagod na ko. Pakawalan mo na ko."
Umiling siya. "Mahal kita Katherine. Sana pagkatiwalaan mo muna ako. Mahal na mahal kita."
"Ayoko na dito! Ayoko na! Please! Pakawalan niyo ko dito!"
Pinindot niya yung alarm na nakakonekta sa kabilang kwarto kung saan nananatili yung nurse.
"Pakalmahin mo na siya." Utos niya ng pumasok na ito.
"Tama na please.. Tama na.." Pilit akong umiiwas sa injection na itutusok niya sakin.
Ayoko na nito. Pakiramdam ko, lalo nila kong pinapalala. Pakiramdam ko hindi na babalik yung memorya kung mananatili ako dito.
***
Ces' POV
"Gusto ko nga mag-Mcdo."
"No."
"Mcdo."
"I said no."
"Basta Mcdo pa din!" Inis na sabi ko.
"Tama na muna ang fastfood okay? Sa iba muna tayo kakain."
"Bahala ka diyan. Hindi ako kakain. Magpakabusog ka diyan."
"Tsk. Why are you so stubborn?" Frustrated na tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "Fine! We'll eat at Mcdo." Nagbubunyi na ang kalooban ko pero hindi ko pa din siya pinapansin.
Magpapakipot muna ko. Lambingin mo ko Homme.
"Hey. Look at me." Hinawakan niya yung mukha ko. Nakahinto yung sasakyan dahil traffic. "Please?"
Dahan-dahan ko siyang nilingon pero iniwas ko yung mata ko sa kanya.
"I love you." He said. Shems. Gusto ko ng mag-I love you too pero masisira ang plano ko kaya mamaya na lang. "Tsk. Kakain na nga tayo sa Mcdo, nagtatampo ka pa din. What else do you want?"
Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.
"Chocolates? Burger? Pizza? Fries? Ice cream? Name it. I'll buy everything for you. Just please talk to me now because it kills me to know that you are mad at me." Hinawi niya yung buhok na nahawi sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)