B4 C9
Angelique's POV
"Love!" Excited akong yumakap kay Josh ng dumating na sila ni tita Jessy.
"Liclic. Para namang isang taon kayo hindi nagkita nitong anak ko."
"Sorry naman po tita. Ang tagal niyo kaya." Naka-pout na sabi ko.
"Dalawang oras matagal? Nag-grocery lang kami Lic. Anong matagal dun?"
"Eh basta tita."
"Hay nako. Ewan ko sa inyong mga bata kayo. Kapag may boyfriend at girlfriend pa lang, akala niyo ang saya-saya. Yung tipong hindi mapaghiwalay pero kapag kayo naging mag-asawa na puro sakit na lang ng ulo ang dadanasin niyo. Itatanong niyo na palagi ito na talaga yung pinakasalan ko? Kung alam ko lang na ganito kahirap ang mag-asawa edi sana inenjoy ko muna ang pagkadalaga ko. Tapos-"
"Bunny ang ingay-ingay mo na naman! Nasa garahe pa lang ako rinig na rinig ko na yang bibig mo."
"Heh! Hindi naman ako magbubunganga ng ganito kung hindi dahil sayo e. Dalin mo na nga lahat ng pinamili ko dun sa kusina."
"Aba! Anong akala mo sakin utusan?"
"Dadalin mo ba yan sa loob o hindi?!"
"Eto na po baby. Wag ka ng highblood diyan-"
"At sinong highblood?!" Inis na tanong ni tita Jessy.
"Wala. Sabi ko ang ganda mo po. I love you."
Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Josh ng makapasok na yung dalawa. Hindi na namin napigilan ang matawa dahil sa kanila.
"Problema nilang dalawa?" I asked.
"Late kase si tito Val sa pagsundo kaya nagalit si mommy. Okay na din yang dalawa na yan mamaya."
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)