B4 C5
Katherine's POV
"Manang ako ng bahala sa room namin ni Lucas. Alam mo maman po yun, ayaw ng basta-basta pinapakialam ang kwarto niya."
"Sigurado ka?"
"Opo. Paki-laundry na lang ho yung nasa hamper."
"Sige. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka pa." Binitbit na niya pababa yung mga maruruming damit.
Nagsimula na kong maglinis ng kwarto namin. Nagpalit ako ng bedsheet tapos inayos ko na din yung laman ng dresser ko at saka ako nagwalis.
Sinigurado ko munang maayos ang kwarto namin bago pumunta sa wardrobe room.
I fixed my bag, clothes, and shoes bago ako dumiretso sa cabinet ni Lucas. I started to fix his shoes. Hindi naman siya magulo sa gamit kaya madali lang ligpitin ang buong kwarto namin.
Mga damit naman niya ang inayos ko. I removed all his clothes sa cabinet. Nasa may pinakailalim na ko ng mga cabinet niya ng may makapa akong matigas at malamig na bagay.
"Ano yun?" Out of curiosity, hinalukay ko yung gamit na nakapa ko and I was shocked ng makita ko ito. "B-baril?"
I tried to remove all the clothes and I was totally stunned with what I see. Madaming pera at mga baril ang nasa ilalim ng cabinet niya.
"Bakit madaming ganito si Lucas?"
I grabbed the smallest gun that I saw. I don't know why but I have this feeling to get this.
'Good. Ito yung tinatawag na derringer. As you can see ito yung pinakamaliit at pinakamaiksi kaya bagay lang to sayo.'
Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla akong may naalala ng titigan ko ang baril.
I started to hold the gun and aim the wall infront of me when a picture on my mind appeared.
'Dapat yung arms mo naka-aim ng maayos sa target mo. Not too straight and not too short. Sakto lang dapat para hindi ka mangangawit.'
Someone is at my back and holding my arms while we are pointing the gun on the target infront of us.
Who could that be? I tried to remember the picture on my mind but it's not Lucas.
Ibinalik ko sa dating ayos yung mga gamit niya habang bitbit ko pa rin sa utak ko ang mga katanungan na pilit gumugulo sa isip ko.
Bakit madaming pera at baril na nakatago si Lucas?
Bakit may naalala ako tungkol sa baril na yun?
Sino yung lalaking nagtuturo sakin kung paano bumaril?
Sino ba talaga ko?
Sino ba talaga si Lucas?
***
Ipinikit kong muli ang mga mata ko ng maramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto namin.
"Love?" I heard Lucas called me before he sat down. "Sabi ni manang kanina ka pa daw hindi lumalabas ng kwarto. Are you sick?"
"I'm fine. Sumama lang ang pakiramdam ko kanina."
"Gusto mo bang papuntahin ko dito ang doctor mo?"
Umiling ako. "No need. I feel better now."
"Hindi kaya buntis ka Love?" He said. He's joking right? That's impossible! We never did it after the accident. Hanggang kiss lang sa lips ang ginagawa naming dalawa. "I was just kidding Love. Don't you think it's time para sundan na natin si Kyle?"
"I don't think that's a good idea Love. Gusto ko kapag nagkaanak ulit tayo, may naaalala na ko."
I know it' s hard to believe na walang nangyayari samin but that's the truth. I know it's my duty to satisfy my husband but I'm not comfortable doing it. Gusto ko may naaalala na ako.
Natigilan siya sa sinabi ko. "Hindi ka ba masaya sa buhay mo ngayon?" He asked.
"I am happy love." Pero parang may mali sa buhay ko ngayon. Parang andami ko pa dapat malaman sa sarili ko.
"Okay." He kissed me on my forehead but another picture of a man kissing me on my forehead came across my mind. Who is that man? He has the same built of body with the man who's teaching me how to use a gun.
Don't tell me,nagtataksil ako kay Lucas dati? Am I? Ugh! I really can't remember.
"Maligo ka na Love. I'll cook for our dinner." Tumayo na ko.
"No need. Bumili ako ng mga pagkain."
"Osige. Ipapahanda ko na kay manang. Pupuntahan ko lang si Kyle sa room niya."
Inayos ko na yung itsura ko sa harap ng salamin bago lumabas.
Papunta na sana ako sa room ni Kyle ng maalala ko yung toy na binili ko para sa kanya kanina. Naiwan ko pala sa bag ko.
"How many times do I fvcking have to tell you that call Max if you have something to tell! Paano na lang kung asawa ko ang nakasagot ng tawag mo?!" Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Lucas.
Sinong kausap niya? Ayoko mang makinig pero kinakain ako ng curiosity ko. Nagtago ako sa gilid ng pintuan.
"I don't care if you fvcking kill them all! Just make sure that the auction will push through tomorrow."
Nagtatakbo ako palabas ng kwarto. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. What was that for?
Sino ka ba talaga Lucas? Asawa nga ba talaga kita?
***
Ehem. Makakaalala na kaya si Keisha? Kailan?
I love you Soliders! 💞💕❤
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)