Chapter 33

37.1K 1.3K 393
                                    

B4 C33

Keisha's POV

"Ibalik mo na sakin si Kyle!" Nagdire-diretso lang siya paakyat ng kwarto na akala mo hindi ako naririnig. "Lucas kinakausap kita!"

Sumunod ako sa kanya ng hindi niya pa din ako pinapansin.

"Please Lucas? Nagmamakaawa na ko sayo. Bring back my son." Inilayo niya sakin ang kanyang paningin. "Ano pa bang gusto mong gawin ko? Gusto mo ba lumuhod pa ko? Gagawin ko kung kinakailangan."

Papaluhod na sana ko ng pigilan niya ko. "Please don't." Umiling siya habang sinasabi yun. "Wag mo kong pahirapan Keisha." Hinawakan niya ko sa magkabilang braso.

"Ayaw mong pahirapan kita? Pero ikaw ang nagpapahirap sakin! Bakit hindi mo na lang ibalik yung anak ko Lucas? Wala siyang kinalaman dito. My son needs me Lucas.." Pinunasan niya ang mga luha ko pero agad ko itong hinawi.

"Just rest love."

"Don't fvcking call me love! Mahiya ka naman. Hindi kita kaano-ano para tawagin mo ko ng ganyan. Wake up Lucas! HINDI KITA ASAWA!" I saw pain on his eyes pero binaliwala ko ito. "Stop dreaming!"

"Magpahinga ka na." Inakay niya ko papasok sa kwarto. "I know you'll understand why I'm doing this."

"I will never understand you Lucas. Sa mga ginagawa mo, lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para kamuhian ka."

"I'm just protecting you and Kyle."

"Protecting us from what? Dapat nga pabayaan mo na kaming lumayo sayo e. Dapat kaming lumayo sa masamang tao na kagaya mo!" Wala na kong pakialam kung nasasaktan ko siya.

All I want is to be with Kyle and our family.

"You will understand me soon." Tinalikuran na niya ko. "May mga aasikasuhin lang ako. I'll see you later."

***

Kanina pa ko pabalik-balik sa loob ng kwarto, naghahanap ng paraan para makalabas dito.

Gusto kong magsumbong kay Zach sa mga nangyayare sakin pero hindi ko magawa dahil hindi ko na mahagilap yung cellphone ko.

Naka-lock din lahat ng pwede kong daanan at ang pinakamalala pa ay marami ang nakakalat na bantay sa labas.

Matindi ang seguridad sa bahay ngayon para hindi ako makalabas.

"Ugh!" Sigaw ko ng malaman na wala na din yung nga baril na nasa isang cabinet ni Lucas. "Hubby..." Naiiyak na tawag ko sa taong gusto kong makita sa oras na to.

Gusto ko ng mawalan ng pag-asa dahil sa mga nangyayare. Paano ba ako makaka-aalis dito?

"Hindi talaga bagay sa asawa ko ang umiiyak.." Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa boses na narinig ko. "Tears doesn't suit your pretty face wifey."

Napaiyak ako lalo ng maramdaman ko na ang paghawak niya sa magkabila kong balikat.

"Hubby!" Niyakap ko agad ang magkabilang braso ko sa kanyang batok. "Si Kyle. Itinago niya si Kyle." Sumbong ko. Para akong nabuhayan ng loob dahil nakakita ako ng kakampi.

"Shhh. Stop crying now wifey." He wiped my tears using his hands. "We will find him okay?"

"How?"

"Masyado mo atang minamaliit ang asawa mo Misis. Baka nakakalimutan mong, nag-asawa ka ng isang Mafia Boss? I will find our son okay?" Tumango ako. "Halika na."

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon