Chapter 66

17.2K 433 301
                                    

Congrats po sa mga nanalo ng load sa last activity natin. (You can watch it on the attached video) To join our next activity, please read my note after this chapter.

***

B4 C66

"Hindi ako makapaniwalang naisahan nila tayo." Pabulong na sabi ni Jessy habang kami ay nakasakay sa aming van.

Kabaligtaran na ang nangyayari ngayon, kung kanina ay mga tauhan namin ang sakay ng van, ngayon ay hindi na. Mga kalaban na ang nagmamaneho nito at kami ay may mga tali sa kamay at piring sa bibig.

Nanatili lang akong tahimik habang nakikiramdam sa paligid.

Iniisip ko ang maaari naming kahinatnaan. Lahat kami ay hawak na ng kalaban, ano na lang ang mangyayari sa amin?

"Paniguradong matutuwa ang mga asawa niyo kapag nakita nila kayo. Magkakaroon kayo ng reunion bago kayo pumunta sa impyerno." Rinig kong sabi ng mistulang leader nila.

"Huwag kayong mag-alala, mauuna pa din kayo sa amin dun." Maangas na sabi ko.

"Anong sabi mo?" Malakas niyang hinatak ang buhok ko para sabunutan.

Gusto kong sumigaw para ipakita ang sakit na nararamdaman ko pero pinigilan ko ang aking sarili. "Ang sabi ko, mauuna pa din kayong mapunta ng impyerno."

"Aba't matapang ka ha!" Galit na sigaw niya sabay sampal ng malakas sa aking pisngi.

"Keisha, ayos ka lang ba?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Jessy.

Nakaramdam ako ng kakaibang hapdi sa aking pisngi, nalasahan ko din ang dugo sa gilid ng aking labi pero hindi ako nagpakita ng bakas ng kahinaan.

"Ikaw babae ka, manahimik ka kung ayaw mong magaya dito sa boss mong nagtatapang-tapangan!"

"Ikaw nga mayabang e! Mayabang ka lang dahil nakatali kami eh sa totoo lang naman ay duwag ka!" Gigil na sigaw ni Jessy na nasa tabi ko.

"Ikaw babae ka!" Naramdaman ko na ang paggalaw ng leader nila kaya mabilis kong iniharang ang aking katawan. Kapalit nito ay isa na namang sampal ang ginawa niya sa akin. "Patigilin mo yang kasama mo kung hindi gugulpihin ko na kayo!" Pagbabanta niya.

Siniko ko ng bahagya si Jessy para patigilin siya. Hindi kami pwedeng maubusan ng enerhiya dahil hindi pa namin alam kung anong laban ang naghihintay sa aming lahat.

Nanahimik na ang buong van matapos ang nangyari. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paghinto ng aming sinasakyan.

"Nandito na tayo bossing."

"Ibaba niyo na ang mga sakay. Yung tatlong babae ay dalin niyo sa kwarto ng mga nauna nating bihag. Yung mga tauhan naman ay dalhin niyo sa bodega at doon ikulong. Bantayan niyong maiigi ang mga yan dahil kapag natakasan kayo kahit isa, ako ang papatay sa inyo."

"Masusunod bossing. Tara na!" Sabi ng isang lalaki sabay higit sa akin palabas ng van.

"Dahan-dahanin niyo naman ang hawak niyo sa mga kasama ko." Utos ko ng marinig ang sabay na pag-aray ni Pia at Jessy.

"Hindi kita amo kaya wala kang karapatang utusan kami! Kapag gusto kitang hilahin, gagawin ko!" Sabi niya sabay hatak sa braso ko ng mahigpit.

"Tandaan mo ang araw na ito dahil ito na ang huling araw na masisilayan ka ng liwanag." Pagbabanta ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Wag kang puro kuda, Miss. Tapang-tapangan lang naman ang meron ka!" Sabi niya sabay tulak sa akin ng malakas dahilan para sumubsob ako sa sahig.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon