Chapter 67

7.3K 265 152
                                    

B4 C67

"Homme."

Bakas ang gulat at pinaghalong saya ang mababakas sa akin ng matanaw ko si Premier na may hawak na baril. Siya ang bumaril sa lalaking may hawak sakin kanina.

"Anong akala niyo, dito na natatapos ang laban? Huwag kayong magsaya dahil nagsisimula pa lang tayo!" Sigaw ng leader nila bago sabay-sabay na sumugod ang iba pa niyang tauhan papunta sa amin.

"Anak sa likod mo!" Pigil-hininga kong sigaw ng may makitang lalaki na papunta kay Homme. "Homme!" Sigaw kong muli at tatakbo sana papunta sa kanya ngunit may humatak na naman sakin na kalaban.

"Ayaw niyo talaga kaming tantanan ha?" Inis na sigaw ko bago tumalon at sinipa siya sa mukha.

Bago pa ako makatakbo kay Premier ay nakarinig na ako ng putok ng baril.

Pigil-hininga kong hinanap ang pinanggalingan nito at laking tuwa ko ng makitang binaril ni Zach ang lalaking pinagtatangkaan si Homme.

Hindi pa man nagtatagal ang aking kasahiyahan, ay napalitan na naman ito ng pagkagulat ng hatawin na naman si Zach ng pala sa ulo.

"Dad!" I heard Homme screamed as he saw what happened to his father.

Akmang hahatawin na naman siyang muli pero agad niyang naagaw ang hawak nitong pala at ginamit panghampas sa kanya pabalik.

Agad naagaw ng atensiyon ko ang dalawang baril sa sahig at mabilis ko itong pinulot at ibinato kay Zach ang isa para may magamit siya.

"Zach ito ang baril!" Tawag ko sa kanya at agad naman niyang nasalo ito.

Ginamit ko ang baril na hawak ko upang mapatumba pa ang ibang kalaban na natitirang buhay pagkatapos ay lumapit ako kay Homme.

"Ayos ka lang ba anak?"

"I'm fine mom. How about you?" Tango lang ang isinagot ko bago ako naglakad palapit sa kanya.

Tumakbo kami pa pabalik sa mga kasama namin para matulungan sila sa pakikipaglaban.

Naabutan ko si Jessy na pinapaligiran ng mga kalaban kaya agad akong tumalon mula sa pintuan ng aming kulungan para mabulabog sila.

Naging dahilan ito para makaalis si Jessy mula sa pagkuyog nila. Agad siyang nakabangon at isa-isa niya itong pinagsisipa sa mukha.

Sa kabilang banda naman ay si Zach at Homme ang nakikipaglaban habang magkatalikod.

Kahit na nakikipaglaban ako ay tanaw ko mula dito kung paano pilit na pinoprotektahan ni Zach ang anak namin.

"Masyado silang madami Keisha. Parang hindi sila nauubos!" Sigaw ni Jessy habang sinusuntok ang kanyang kalaban.

"Gumawa ka ng paraan para makalabas dito. Hanapin mo kung saan ikinulong yung mga tauhan natin para makatulong."

"Pero masyado pang madaming kalaban dito. Kakailanganin niyo ang tulong ko."

"Mas kailangan natin ang tulong nila. Aatras ako para pumalit sa pwesto mo tapos ikaw ay umalis na."

"Sige."

"3... 2... 1... Takbo Jessy!" Sigaw ko kasabay ng pag-atras ko at dahil doon ay mas dumami pa ang kalaban ko.

Masakit na masakit na ang buong katawan ko at nangangalay na din ako sa pakikipaglaban pero hindi ako maaring sumuko. Buhay naming lahat ang nakataya dito.

"Ano kaya pa?" Nakangising lumapit sakin si Kane. Mukhang napatumba na niya lahat ng kalaban niya at tutulungan na niya ako.

"Kahit sumama ka pa sa kanila, kayang-kaya ko pa." Pang-aasar ko sa kanya.

"Manang-mana ka sa asawa mo. Ako ng bahala dito. Puntahan mo na yung mag-ama mo."

Sumenyas siya na magpalit daw kami ng pwesto kaya agad akong yumuko para makaalis.

Marami-rami na din pala ang napatumba namin pero parang parami din ng parami ang mga dumadating na kalaban.

Mauubos pa ba tong mga to?

Naabutan ko si Chris sa isang sulok na hinang-hina. Agad ko siyang inalalayan patayo.

"Chris ang mabuti pa ay doon ka muna sa gilid. Mukhang hindi na ayos ang itsura mo. Kailangan mo ng magpahinga."

"Hi-hindi maa-maaari..  Kaya k-k.. Ko pa."

"Makinig ka sakin, dito ka na lang muna. Masyado ng bugbog sarado yung katawan mo. Baka mamaya kung mapaano ka pa lalo."

"Hin-hindi k-ko.. Kayo pwed-pwedeng.. Iwa-iwan sa laban na to."

"Hindi mo kami iiwan Chris. Kasama ka pa din sa laban na to. Magpahinga ka muna. Kapag talagang kaya mo na, sige papayag akong tumulong ka."

Mabuti na lang at nakinig siya sa akin. Dinala ko muna siya sa dulong parte ng pinagkulungan sa amin.

Aalis na sana ako ng may biglang humatak sa buhok ko.

"Bakla ka ba? Bakit pananabunot ang pakikipaglaban mo ha?" Inis na sigaw ko ng makitang isang malaking lalaki ang may hawak sa buhok ko.

Napansin ko agad si Chris na patayo na oara tulungan ako. "Huwag ka ng tumayo Chris. Kayang-kaya ko to." Sabi ko sa kanya sabay suntok sa mukha nung lalaki pero hindi man lang siya natinag.

"Yun na ba ang pinagmamalaki ng asawa ng Mafia Boss? Yun na yun?"

Nakaramdam ako ng takot. Sobrang laking tao nito at pakiramdam ko, isang suntok niya lang ay talagang babagsak ako.

Pasimple kong tinignan si Chris matapos niya akong kalabitin sa binti.

May nilagay siyang pala at isang apak ko lang dito ay siyang aangat na para maabot ko.

"Hindi na ako manlalaban. Sasama na ako sayo ng naayos." Sabi ko sa lalaki."

Ngumisi siya. "Marunong din naman palang matakot ang kagaya mo e." Binitiwan niya ako pagkasabi niya nun at yun ang naging hudyat ko para apakan ng malakas ang pala.

"Akala mo lang yun. Maling-mali na naniwala ka sa akin." Sabi ko sabay hampas sa kanya ng malakas sa ulo.

"Ang galing mo talaga Miss!"

"Salamat sa tulong mo." Iniabot ko sa kanya yung pala. "Hawakan mo muna to. Baka kailanganin mo. Pupuntahan ko lang sila Zach."

Papalapit na sana ako kila Zach ng makita ko ang isang lalaki na may hawak na malaki at matulis na tubo at tila itutusok ito kay Homme.

"Anak! Tumabi ka!" Sigaw ko at tumakbo ng mabilis na mabilis upang mahabol ito.

"Mom! Dad! Nooooo!" Nakabibinging sigaw ang narinig ko mula sa aming anak bago ko napagtanto na magkayakap na pala kami ni Zachary at may tumutulong dugo mula sa aming dalawa.

"Wifey... Fi.. Fight for m-me..."

***

Namiss ko kayong lahat. Sana namiss niyo din ako.

Pasensiya na po sa napakatagal na update. Alam ko na madami ang naghihintay nito at sorry talaga kung sobrang natagalan.

Sobrang dami lang talagang nangyari sa family and personal life ko kaya hindi ko agad naituloy yung Book 4. Sa mga friends ko sa Facebook, alam niyo na siguro yung tinutukoy ko.

Salamat sa walang sawang paghihintay Soliders. Love ko kayong lahat. 😘❤️🥺

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon