Chapter 46

22K 764 443
                                    

B4 C46

Val's POV

"Pinagpahinga ko na silang lahat." Napatingin kami ng biglang pumasok si Blake sa conference room.

Kaming lima na lang ang naiwan sa loob. Simula nung hinatid ni boss si Keisha sa taas, hindi pa ito bumabalik.

Pinagpahinga na din namin ang mga asawa namin at mga bata.

"Kailangan na natin silang mahanap agad." Biglang nagsalita si Kane.

"Napakagaling talaga nila sa timing no? Hindi man lang pinalampas ang pagsasaya natin bago umatake." Sabat naman ni Jade.

"Boss." Napatayo ako ng bigla siyang pumasok sa loob.

"Continue playing the video." Walang emosyon na sabi niya bago dumiretso sa upuan.

Sumunod na nag-play kung paano umalis ang sasakyan kung saan parang bitbit na niya ang dalawang bata.

Tama si Chris, parang may sumabutahe talaga dahil putol putol ang video. Sobrang labo pa nito.

"Kailangan nating malaman kung sino ang may-ari ng sasakyan na yan para matukoy natin kung nakanino ba ang mga bata." Sabi ko sa kanila ng tapos na ang footage.

"Hahanapin ko yung contact natin sa manufacturer ng sasakyan na yan. Hihingin ko yung records ng mg tao na bumili at naglabas ng ganyang sasakyan-"

"You don't have to do that." Napatingin ang lahat ng magsalita si bossing. Sobrang hina lang ng boses niya pero lalamigin ka sa takot.
"The owner of that car is fvcking Lucas. He will pay for this. I will fvcking make sure of that."

Lahat kami ay nagkatinginan. Hindi makapaniwala sa nalaman namin.

"Si Lucas? Akala ko ba maayos na ang usapan niyo?"

Ako din ay nagtataka. I was there when we took Kyle.

Pinagplanuhan namin ang pag-atake kay Lucas para makuha si Kyle.

Sa bahay nila kami nagpunta dahil paniguradong nandoon ang bata pero dahil sa sobrang daming bantay, kailangan namin maging maingat.

Pinasok namin ang bahay, ako at si Kane sa harap habang si Chris at Jade naman sa likod. Si Blake naman ay sa taas nanggaling.

"Sht! Andaming bantay dito sa rooftop!" Rinig kong mura ni Blake.

"Kakaunti lang ang nandito sa likod. Susunod ako sayo diyan." Sabat naman ni Chris.

"Tang*na! Nawala si boss sa sasakyan!" Napalingon ako agad sa sasakyan ni boss na nakaparada sa hindi kalayuan sa amin.

Usapan namin ay siya ang magiging look out dahil sa napakadelikadong pagsugod namin dito. Sa tantiya ko ay mahigit 100 ang tauhan ni Lucas dito samantalang anim lang kami.

"Saan naman nagpunta yun?"

"Iba talaga kapag mafia boss. Hindi sumusunod sa plano." Iritadong sabi ni Kane.

"Nandiyan ba si bossing sa inyo?" Tanong ko sa kabilang linya.

Lahat kami ay may mga maliliit na radyo para naman alam namin ang nangyayari sa bawat isa.

"Wala dito." Sagot ni Jade na nakapwesto sa likod.

"Papasok na kami ng main door. Hindi ko pa matantiya kung madaming tao sa loob." Sabi ko.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon