Chapter 53

18.3K 737 203
                                    

B4 C53

Angelique's POV

Ikinumpas ko ang mga kamay ko para umangat dahil kailangan kong sumagap ng hangin.

Lahat kaming magkakapatid ay marunong lumangoy. We had our swimming lessons when we were three years old.

Ayaw pa nga ni mommy noon pero sabi ni daddy, kakailanganin daw namin yun. Ngayon ko gustong magpasalamat dahil magagamit ko yung mga pinag-aralan ko.

Mahirap nga lang dahil naging maitim ang parte ng dagat na kinaroroonan namin dahil na rin siguro sa naging pagsabog.

"Hah!" Huminga ako ng malalim ng maiangat ko ang aking ulo.

Nakaramdam ako ng kaba ng wala man lang akong makita ni isa sa mga kasama ko. Ibig sabihin ay nasa ilalim pa sila. Kung ako nga na walang tama ng bala, nahihirapan na, paano pa kaya sila.

Gusto ko na lang maiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin. Para bang hinahatak ako ng dagat pailalim. Katapusan na ba namin to?

"Lic!"

Napalingon ako bigla ng may tumawag sakin. "Kuya!" Naiiyak na tawag ko. Masaya ako dahil para akong nakakita ng kakampi.

"Shh. Don't cry." Mahinang sabi niya.

"Hindi ko sila makita." Naiiyak na sagot ko.

"That's why I need you to be strong. We have to find them. You know how to swim right?"

Agad akong tumango. "Sige kuya. Dito ko sa kabilang parte tapos diyan ka naman."

"Just be safe okay?"

"Ikaw din kuya. I love you kuya." Alam ko hindi kami sweet na magkakapatid. We don't say I love yous to each other, but when times like this? I just want him to be reminded that I love him and I'm happy to have her as my brother.

I saw him smiled. "I love you too Angelique. Just be strong okay?" Agad akong tumango.

I gave him another smile bago muling lumubog sa tubig.

Pinilit kong imulat ang aking mata sa ilalim ng tubig. Masyadong masakit sa mata ang tubig dagat. Idagdag mo pa ang maiitim na usok na humahalo dito.

Mabilis kong pinuntahan ang parte ng dagat kung saan may naaninag akong tao. Hindi ko sigurado kung sino siya kaya mas binilisan ko pa ang pagpunta doon.

Naabutan ko si Josh na pilit tinatanggal ang pagkakaipit sa sinasakyan naming jetski kanina.

Agad akong nabuhayan ng loob ng makitang maayos ang kalagayan niya. Tinulungan ko na lamang siyang maalis ang paa niya mula sa pagkakaipit at pagkatapos ay sabay kaming lumangoy paitaas.

"Thank you Love. Are you okay?" Maagap na tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago tumango. Akala ko mauubusan na ko ng hangin sa ilalaim.

"We have to find them. May mga tama sila ng baril kaya paniguradong mahihirapan silang kumilos."

"Ang mabuti pa, dito ka na lang. I'll find them."

"No. Matatagalan kung ikaw lang ang maghahanap. Kaya ko naman. Mas okay kung mas marami tayo."

"Okay. Just make sure to take care of yourself. I love you." He kissed me on my forehead bago kami muling lumubog sa dagat.

Naghiwalay kami ng nilanguyan para mas mapabilis ang paghahanap namin sa iba. Mahirap ng mahuli at baka mamaya ay magsisi lang kami.

Natanaw ko si ate Ces sa hindi kalayuan sa amin. Kinabahan ako ng tila hindi siya gumagalaw at unti-unti siyang bumabagsak pailalaim.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon