Chapter 54

19.6K 747 305
                                    

B4 C54

Keisha's POV

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ng maramdaman ko ang paghaplos ng isang pamilyar na kamay.

"Zach?"

Pinaliit ko ang aking mga mata dahil nababalutan ng usok ang buong lugar pero kilalang-kilala ko siya.

"We have to escape now or else we will be buried alive."

Sa pagkakatanda ko ay hinimatay ako ng makalanghap ako ng napakakapal na usok. Pinilit ko ang sarili kong makapasok dito sa loob dahil ang nakita ko lang kanina ay si Premier at Kyle.

Hinubad niya ang kanyang suot na t-shirt tsaka ito itinakip sa aking ilong.

"May tama ka hubby." Tumayo ako mula sa pagkakahiga tsaka hinawakan ang bandang dibdib niya na puro dugo.

"Don't mind that." Pinilit niyang ngumiti pero ramdam ko ang nararamdaman niyang sakit na pilit niyang tinatago.

Inalalayan niya ko sa pagtayo pero muntik na siyang matumba ng iapak niya ang kanyang paa sa sahig.

"Anong nangyari sayo hubby?" Gulat na gulat akong napatingin sa kanang paa niyang natatakpan din ng dugo.

"Huwag mo kong alalahanin. Ang importante ay ligtas ka."

"Pero Zach-"

"Kailangan na nating umalis Keisha."

Wala na kong nagawa ng magsimula na siyang maglakad. Pinilit kong makahabol sa kanya tsaka ko ipinatong ang braso niya sa balikat ko.

"Hindi mo pwedeng pwersahin sa paglalakad ang paa mo. Isa pa may tama ka pa ng baril. Baka lumala pareho yan."

"Fvck." Parehas kaming napatigil sa paglalakad ng makita naming umaapoy na ang isang bahagi ng barko kung saan sana kami lalabas. "We have to move fast wifey. Sasabog pa ulit yan."

Mabilis nga kaming umikot sa kabilang parte ng barko pero natanaw agad namin ang mga kalaban. May mga nakabantay pa din na handang ibuwis ang mga buhay masigurado lang na hindi kami makakalabas ng buhay dito.

"Ano Dawson? Wala na ba kayong dadaanan palabas? Tanggapin niyo na kase ang kamatayan niyo!" Sigaw ng isang lalaking nakaitim na nagmistulang leader ng grupo nila.

"Hindi naman ako papayag ng kami-kami lang ang mamamatay. Isasama ko kayo panigurado."

Tumawa ito ng malakas. "Puro ka na lang satsat Dawson." Umiling ito. "Kinakalawang ka na ata Zachary. Mukhang kinakailangan mo na talagang magpahinga.. ng tuluyan."

Zach smirked at him. Naramdaman ko ang ginawa niyang pagpisil sa bewang ko kaya pasimple ko siyang sinilip.

Sinundan ko ng tingin ang tinignan niya sa gilid ko.

May tatlong bangkay ang nakakalat malapit sa akin at may mga baril na hawak.

"Bakit hindi tayo maglaban ng patas? Wala akong baril kaya bitawan mo din ang iyo. Maglaban tayo ng lalaki sa lalaki."

Nginisihan niya lang si Zach bago ihinagis ang baril.

"Sige pagbibigyan kita Dawson. Tignan natin yang pinagyayabang mong galing."

Binitawan ako ni Zachary at bahagyang itinulak palayo sa kanya.

Pasimple kong kinuha ang baril na nasa gilid ng mga bangkay. Ang isa ay inilagay ko sa gilid ng aking coat. Kukunin ko na sana ang isa pa pero biglang may sumipa dito papunta kila Zach.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon