B4 C68
Karen's POV
"Wifey... Can you hear me?"
"Keisha! Boss!" Gulat akong napatingin sa mag-asawa ng makita kong duguan na silang dalawa. "Kane! Sila boss!" Paghingi ko ng tulong.
"Zach.. I'm okay. Hindi naman malalim yung sugat ko. Ikaw.. Ikaw ang inaalala ko." Pumunit ako ng tela sa damit ko at ipinatong sa sugat ni Zach. "Madami ng dugo ang nawawala sayo."
"Karen tulungan mo ako please. Si Zach.." Umiiyak na tumingin sa akin si Keisha. Hindi agad ako nakalapit sa kanya ng makita ko ang itsura ni boss.
"Karen hand me a gun." Utos sakin ni bossing bago pa man ako makalapit sa kanya.
"Zach naman! Hindi mo na kayang lumaban. Kailangan mo ng nagamot!" Sigaw ni Keisha sa kanya.
"Hand me a gun now, Karen." Pagu-ulit nito gamit ang kanyang pinaka-nakakatakot na boses kaya wala akong nagawa kundi abutin ang baril malapit sa akin.
Pagkalapit ko sa kanya ay agad niya itong inabot at dahan-dahang tumayo. Nagkatinginan na lang kami ni Keisha at parehas na hindi kumontra.
"Hay nako Zach. Kailan mo ba uunahin ang sarili mo kaysa sa iba?" Bulong ni Keisha na hindi ko alam kung pilit niya bang ipinaririnig kay bossing. "Tapusin na nga natin tong laban na to, Karen."
Tinanguan niya ako tsaka niya inabot ang isang tali at biglang tumakbo sa grupo ng mga kalaban. Ginamit niya ang tali upang ipanghampas sa kalaban upang ito ay kanyang mapatumba.
"Keisha yung sugat mo." Paalala ko dahil tanaw ko ang dugo na umaagos sa kanya.
"Malayo sa bituka." Tumawa pa siya. "Mababaw to kumpara sa sugat nung isa diyan na ayaw magpaawat."
Napalingon naman tuloy ako sa asawa niya na kasalukuyang pinapagsabay-sabay ang apat na kalaban.
Hawak niya ang kanyang baril sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay may hawak din itong lubid.
Sinipa niya ng malakas ang isang kalaban habang ang isa naman ay hinataw niya ng lubid at sumunod niyang hinampas ng baril sa ulo ang isa.
Kung hindi mo nakikita ang duguang katawan niya ay iisipin mong ayos lang siya dahil hindi siya nagpapakita ng anumang nararamdamang sakit o kirot.
"Nandiyan na sila!" Napalingon ako ng sumigaw si Jessy. "Akala ko hindi na sila dadating e!"
Napangiti ako bigla ng mapagtanto kung ano ang sinasabi niya. Dumating na yung mga tauhan namin at nandito na sila upang tulungan kaming makipaglaban. Salamat naman.
"Amoy sunog! Naaamoy niyo ba?" Tumatakbong lumapit sa akin si Kane.
"May usok dun!" Tinuro ko ang likurang bahagi ng kinalalagyan namin. "Boss! Keisha! May sunog ata. Kailangan na nating umalis!"
"Kane. Lead the way. Make sure all of them are safe." Bilin ni Boss sa asawa ko. "Blake and Val, please carry Chris. I don't think he can still walk." Utos niya sa dalawa na agad naman nilang sinaluduhan.
Habang nagpupulong kami sa bandang likod at siya namannlg pakikipaglaban ng mga tauhan namin. Laking pasasalamat na lang talaga namin at nandito na sila.
"Son, take care of your mom."
"But dad-"
"No buts anak. Just follow me okay?"
"Zach naman. Sabay-sabay na tayong lumabas. Hindi kita pwedeng iwan dito. Hindi pa nga okay yang sugat mo tapos-"
"Don't worry to much about me, Wifey. I'll be fine. I need to secure our people first."
"Pero Zach-"
"Shh. I'll follow as soon as possible. Now, I need you to take care of yourself for me. Go straight to the hospital and get your wound treated."
"No Hubby. Aantayin ka namin sa labas okay? Sabay tayong magpapagamot."
Hindi ko maintindihan pero kakaibang lungkot ang aking naramdaman ng makita kong ngumiti si bossing sa kanya. "I love you, Keisha. I love you so much."
"Hubby hihintayin kita sa labas." Rinig kong sabi ni Keisha bago siya tuluyang hatakin palabas ni Kane dahil na rin sa utos ni bossing.
Nagiging mausok na ang buong paligid kaya kailangan na naming makalabas dito.
Bago kami tuluyang makalabas ay sabay kaming lumingon ni Keisha at tanaw na tanaw namin ang pilit na pakikipaglaban ng Mafia Boss sa mga kalaban habang iniisa-isa na din niyang palabasin ang aming mga tauhan.
"Hubby, maghihintay ako sa labas. Please. Ipangako mo na lalabas kang ligtas."
"Wag ka ng mangaba Keisha. Parang hindi mo naman kilala ang asawa mo. Magiging ligtas yun." Pagpapakalma ni Jessy sa kanya.
Tuluyan na kaming nakalabas at nakatanaw pa din sa loob ng gusali na unti-unti ng tinutupok ng apoy.
"Tumawag na ako ng bumbero. Any minute ay dadating na sila."
"Paparating na din ang ambulance. Ang mabuti pa Ms. Keisha ay doon ka muna sa loob ng sasakyan para makapagpahinga ka."
"Ayoko. Dito lang ako. Hihintayin ko si Zach dito. Sabay kaming magpapagamot."
"But mom, you have to rest. I'll be the one to wait for dad. He will be fine." Paga-alo ni Homme sa kanyang ina.
"Hindi na anak. Dito na lang din ako para madali kong masigawan yung tatay mo kapag natagalan pa sa paglabas."
"Baby gaano na ba katagal dun si bossing?" Tanong ko Kane ng lapitan niya ako.
"Mga limang minuto na siguro. Kapag hindi pa siya lumabas sa loob ng dalawang minuto, papasok kami ni Blake sa loob."
"Papasok pa kayo? Hindi niya ba nakikita na lumalaki na yung apoy? Paano kung kayo naman ang mapahamak?"
"Karen mas lalo namin kailangang sunduin si Zach sa loob. Kailangan niyang makalabas ng buhay at ligtas." Hindi nakatingin sa akin si Kane ng sumagot at nakatitig lang siya sa gusaling unti-unti ng tinutupok ng apoy.
Maya-maya ay nakarinig na kami ng tunog mula sa firetruck at ambulance.
"Keisha ang mabuti pa ay magpagamot ka na muna. Nandiyan na ang bumbero paniguradong maaapula na nila ang apoy."
"Ayoko." Umiiling na sagot ni Keisha. "Paano kung hindi nila agad mapatay yung sunog? Baka nahihirapan ng huminga si Zach sa loob."
"Huwag ka ng mag-alala. Ayan na yung iba nating tauhan o." Turo niya sa mga tauhan namin na nagtatatakbo palabas. "Sigurado ako na si Zach na ang kasunod niyan. Kami na ang bahalang mahintay sa kanya."
Saktong kakalapit pa lang ng mga bumbero ay siya namang isang napakalakas na pagsabog ang naganap na nagpatigil sa aming lahat.
"Hubby!"
"Dad!"
"Zach"
"Bossing!"
***
Hi Soliders!
Salamat sa walang sawang paghihintay sa aking napakabagal na pagu-update. Love ko kayong lahat! ❤️
Btw, book 1 is still available at my Shopee shop. You can get a personalized dedication from me and a lot of freebies if you buy it here.
https://shopee.ph/product/28578148/8214509111?smtt=0.28579532-1622989328.9
Link is also on my wall.
~ craziestamongtherest

BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)