Chapter 16

31.7K 1K 87
                                    

B4 C16

Kane's POV

"WOOOHOOO! This is life!" Masayang sigaw ko ng nakasakay na kami sa bangka.

"Masaya ka dahil wala ang asawa at anak mo ha? Sumbong kita kay Karen." Nakangising sabi ni Blake na nasa tabi ko.

"Pakyu ka. Hindi yun. Masaya lang ako dahil we're back with our game."

"Masaya daw. Praktisado ka pa ba? Baka nakakalimutan mong hindi ka na ata tumutuntong sa training room natin. Baka kinakalawang ka na." Pang-aasar niya pa.

"Hindi ko na kailangan mag-training Blake. I'm skilled. I can win every fight."

"Mamaya na ang kayabangan pre. Wala ka pa ngang nasisimulan e."

"Alam mo ikaw kontrabida ka kahit kailan e. Wag kang maga-alala, kapag may nangyari sayong masama mamaya, ako na ang bahala kay Pia, Caine, at Blia."

"Sinasabi ko na nga ba, trip mo din asawa ko e. Ano? Walang kai-kaibigan?"

"Anong trip? Nagmamagandang loob na nga ako e. Loyal to no!" Tinuro ko pa ang sarili ko.

"Loyal mong mukha mo! Kaya pala nung nakaraan lang, nag-away kayo dahil sa babae."

"Kasalanan niyo kaya yun. Kailangan talagang i-video at ipanuod sa asawa ko? Mga wala talaga kayong pakisama e. Baka naman may gusto din kayo sa Karen ko?"

"Ako pa talagang pinagdudahan mo? Mahal ko pamilya ko no." Proud na sabi niya kaya naisipan ko na naman siyang asarin.

"Oo nga pala, imposibleng kay Karen ka magkagusto.."

"Talaga!" Maagap na sagot niya.

"Kase diba ako ang gusto mo?" Nakangising kong tanong sa kanya.

"Pakyu ka!"

"Sus. Pakipot ka pa. Alam ko naman na may gusto ka sakin e."

"Pwede ba Kane? Kilabutan ka naman sa mga pinagsasasabi mo! Nakakadiri e. Kung anu-ano iniisip mo. Hindi ka na lang mag-concentrate sa plano."

"Hindi na nga kailangan. Ako pa ba?"

Umiling siya. "Kapag mamaya kinailangan mo yung tulong ko, hindi talaga kita tutulangan."

"Thanks but no thanks." Sabi ko pa tsaka tumayo ng matanaw ko na ang yate.

***

"Ano paramihan tayo ng mapapatay?" Tanong ko ng pababa na kami ng bangka.

"Wag kang mayabang."

"Wag kang duwag." Mapang-asar na sabi ko pero umiling lang siya. "Oooops. 1 point." Sabi ko ng may mabaril agad ako. Salamat na lang talaga sa silencer ng mga baril namin at walang kaingay-ingay kaming nakakapatay.

Nauna siyang sumampa sakin sa yate at aaminin ko nahirapan pa kong makaakyat dahil sumabit yung paa ko sa bangka.

"Paano ba yan? 5 points agad?" Napatanga ako ng maabutan ko siyang nakatalikod sakin habang may lima ng nakahandusay sa harap niya.

"Wag kang madaya Blake! Kanina pa patay yang mga yan e."

"Ayun lang. Hindi makapaniwala. Ang mabuti pa, puntahan mo si Jade dun sa kabilang yate. Paniguradong may CCTV footage yan. Basta 5 points is 5 points." Napakamot na lang ako sa ulo ng naglakad na siya palayo. Nakatitig pa din ako sa mga nakahandusay sa harap ko. Seriously?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon