Chapter 47

20.1K 559 68
                                    

B4 C47

Kane's POV

"T*ngina asan yun?" Napalingon ako agad kay Val.

"Ang bilis naman nawala ni bossing." Dagdag pa ni Chris.

Pagkalabas namin, wala na si Zach. Saan naman kaya pumunta yun?

Napailing ako. "Naghahanap ata ng kamatayan yun e." Inis na sabi ko. "Jade i-track mo nga yung phone."

"Teka lang." Nilabas na niya yung phone niya. "Mukhang hindi niya dala." Sabay-sabay kaming napatingin sa hawak niya ng lumabas ang address ng kinatatayuan namin ngayon.

"Yung sasakyan na lang." Suhestiyon ni Blake.
"Kanina ko pa tinatry i-locate pero walang lumalabas e."

"Malamang pinatay niya yung locator. Ibig lang sabihin nun ayaw niyang sundan natin siya."

"Pwede ba naman yun? Siya ang mahilig magplano pero siya ang hindi marunong sumunod." Napakamot ako sa ulo ko. "Ano ng gagawin natin?"

"Ang mabuti pa maghiwa-hiwalay na tayo. Walang mangyayari kung tatayo lang tayo dito." Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Blake.

"Kayo bantayan niyo lahat sila dito. Kapag may nangyari sa pamilya namin, mawawala na kayo sa mundong ito. Naintindihan niyo?" Pagbibilin ni Val sa mga tauhan na nakapalibot sa buong bahay.

"Yes sir." Sagot nila ng sabay-sabay.

Naghiwa-hiwalay na kami ng daan pagkalabas ng opisina.

Si Blake pupunta sa opisina.

Si Val naman sa hide out pupunta.

Si Chris ay sa dati naming bahay.

Samantalang si Jade ay iikot along the area. Pipilitin pa din niyang i-track ang location ni bossing ngayon.

Ako? Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero kung alam na ni Zach na si Lucas ang may hawak sa mga bata, malamang susugurin niya to.

Binilisan ko ang pagpapatakbo sa sasakyan ko, mahirap na at baka mahuli ako ng dating. Ayoko pang mapatay ni Keisha kung sakaling may mangyari sa asawa niya ng wala kaming nagagawa para iligtas ito.

Sampung minuto din ang itinagal ng biyahe bago ko narating ang subdivision nila.

Mahigpit ang security dito kaya kinailangan ko pang gamitin ang pangalan ni boss para lang makapasok.

Layo-layo ang mga bahay dito kaya wala ding pakialamanan ang mga tao. Isa pa, nasa pinakadulo ang bahay ni Lucas.

Natatanaw ko na yun mula sa pinagparkingan ko at agad akong napamura ng makitang nakahandusay sa labas ang mga nakabantay sa bahay.

"Sh*t. Nagpapakamatay nga siya." Agad kong hinagilap ang mga baril ko sa sasakyan habang dinadial ang number ni Blake.

"Sumunod kayo dito sa bahay ni Lucas. Magpapakamatay na ata ang leader natin." Utos ko pagkasagot niya ng tawag.

"Mauuna ka pa din, wag kang mag-alala."

"G*go ka. Dalian niyo na lang." Bilin ko.

"Bakit ka ba nagmamadali? Takot ka ba?"

"Hindi ako takot. Pakyu ka!"

"Kung hindi ka takot, ibaba mo na yang telepono mo at sundan mo na sa loob si bossing."

Aapila pa sana ko pero ibinaba na niya ang tawag. Walanghiya talaga yun.

Inilagay ko na sa bulsa ang cellphone ko bago mabilis na lumabas ng sasakyan.

Napailing na lang ako ng maabutan ko ang mahigit sampung bangkay sa labas ng gate ng bahay ni Lucas. Pasaway talaga. Nung nakaraan, anim kaming pumasok dito tapos ngayon naman, sinugod niya ng mag-isa.

Mabilis lang akong nakaakyat sa pangalawang palapag dahil nalinis na niya ang mga bantay sa ibaba.

"Nasan na ba yun?" Bulong ko.

Inisa-isa ko ang mga kwarto na nandito pero walang katao-tao.

Nakaabot na ko sa 7th floor pero wala talaga maliban dun sa mga patay sa ibaba.

Nagtago ako sa likod ng pintuan ng may marinig akong mga yabag na paparating.

Agad akong tumalon ng makita ko ng pumasok siya. Napahiga kami sa sahig habang nakadagan ako sa kanya.

"T*ngina mo talaga Kane. Napaghahalataang gustong-gusto mo ko."

"Blake?" Niluwagan ko ang hawak ko sa leeg niya.

"Oo. Pakyu ka." Sabi niya sabay tulak sakin bago tumayo.

"Pakyu ka din." Inis na sabi ko. "Ano ba kaseng ginagawa mo dito?"

Sinamaan niya ko ng tingin. "G*go ka ba? Pinapunta mo kami dito diba? Nasan na si bossing?"

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Nung tumawag ka, sabi mo nandito siya?"

Natanaw ko na din sila Val na naglalakad palapit samin.

"Bakit walang katao-tao dito?" Tanong ni Chris ng makalapit.

"Hindi ko talaga alam. Akala ko kanina nandito si bossing, pero nung umakyat ako, wala naman siya."

"T*ngina. Nasan na yun?" Napatingin ako kay Val.

"Nandito yung sasakyan ni bossing." Sabi ni Jade habang hawak ang kanyang phone. "Kanina ko pa pinipilit i-track yung location niya pero ngayon lang lumabas."

"Kung nandito siya, nasaan?"

"Ang mabuti pa maghiwa-hiwalay muna tayo. Ikutin natin-" Napatigil ako sa pagsasalita ng may maapakan ako.

"Ano yan?" Tanong ni Chris.

Hindi ako kumibo pero dahan-dahan kong pinulot kung ano man yung naapakan ko. Ilaw lang na mula sa labas ang nagsisilbing liwanag namin kaya mahirap kumilos.

"Bracelet?" Takang-tanong ko.

Agad itong inilawan ni Val. "Yan yung regalo ni Keisha sa kanya diba?"

Mas inilapit namin ang bracelet sa flashlight. "Kay bossing nga yan. Tignan niyo tong dulo, pangalan ni Miss." Tinuro ni Blake yung pangalan ni Keisha.

"Kung naiwan niya yan, paniguradong galing talaga siya dito."

"Ano ba to? Patibong para mahuli siya?" Mabilis kong pinulot yung baril na nahulog ko kanina.

Pwedeng tama si Blake, baka mamaya isa lang itong patibong para mahuli kami. Mabuti na ang sigurado.

"Kung wala siya dito sa bahay ni Lucas, pero nandito ang sasakyan niya.. hindi kaya-" Hindi ko maituloy ang sinasabi ko.

"Hindi kaya may nangyari na sa kanya?" Napatingin kaming lahat kay Jade ng ipagpatuloy niya ang sinasabi ko.

Hindi pwede. Nasaan ka na ba bossing?

***

Nawawala na nga si Premier at Kyle, ngayon naman pati na si Zach?

Mabubuo pa kaya ang pamilya Dawson?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon