Chapter 43

23.3K 728 155
                                    

B4 C43

"Tignan mo yung panganay mo o, napaka-KJ talaga." Hindi ko mapigilan ang pagtawa habang nakaturo kay Premier.

Kanina pa siya inaaya ni Ces na sumayaw pero ayaw niya.

"Manang-mana sa pinagmanahan e." Komento ko. "Anak! Isayaw mo na ang girlfriend mo. Come on little Zachary."

"I'm not dancing mom!"

"You are Premier. Come on anak. Hihiwalayan ka ni Ces kapag di mo siya isinayaw, sige ka." Akala ko hindi eepekto ang papanakot ko pero bigla siyang tumayo.

"Don't take a picture or video okay." Inis na sabi niya bago inilahad ang kamay sa harapan ni Ces.

Sumunod namang naglalakad papunta sa gitna si Josh habang hawak ang kamay ni Angelique.

Hay. Ang bilis ng panahon. Mga binata at dalaga na ang mga anak ko. Mabuti na lamang si Amour wala pang boyfriend.

Nakita ko siya sa dikalayuan na kasama si Sachel at Kyle.

"Care to dance my wifey?"

"Sure!" Inabot ko sa kanya ang aking kamay tsaka kami naglakad papunta sa gitna.

Inaya na din namin silang lahat na magpunta sa gitna at masayawan. Matatawa ka pa nga dahil ang mga lalaki ay may mga bitbit na bata.

Kung dati rati ay puro baril ang mga bitbit nila, ngayon ay nagbago na. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig at pamilya.

Trenta minutos na din ata ang nakakaraan ng biglang lumapit samin si Kyle.

"Yes baby? Anong gusto?" Niyakap ko siyang muli. Ang tagal na din bago ko siya nakasama at sobrang saya ko lang na kapiling na namin siya.

"Mommy sleep." Sabi niya habang pupungas-pungas ang mata.

"Nako antok na ang baby ko. Come on, dadalin na kita sa room mo."

"Sabi po ni ate Sachel dun kami sleep sa room niya."

"Osige halika na." Binuhat ko na siya at nilapitan si Sachel. "Anak, dun daw matutulog sa room mo si Kyle?"

"Opo mommy." Sagot niya habang hihikab-hikab.

"Antok na antok ka na din o. Let's go to your room now."

"I'm not yet sleepy mommy." Sagot niya habang pinipilit palakihin ang mga mata.

"Hubby! Can you carry Sachel? Naglalambing yata e."

Ngumiti naman agad si Zach. "Naglalambing ang aking original baby?"

"Daddy I'm no longer a baby." Maktol niya.

"I know that you're an ate Sachel now but you are still my baby so let's go."

Nagpabuhat naman na din siya agad kaya hindi na kami nahirapan sa pagpipilit.

Nagsipag-pasukan na din sa kani-kanilang kwarto ang mga tao kaya kami na lang ang naiwan ni Zach.

"Are you happy wifey?"

"Kailangan pa bang tanungin yan?" Nilingon ko siya.

"I want to hear it from you."

"Hubby.." I cupped his face. "You don't know how happy I am. I am very very very happy and thank you for making me one." Sabi ko tsaka siya binigyan ng isang mabilis na halik sa labi.

"Simula nung araw na pinakasalan kita, I promise that I will love and cherish you everyday of my life. I will never get tired of making you happy, wifey."

Tears started to fall down my cheeks. "Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong kabutihan para ibigay ka ni Lord sakin. Mahal na mahal kita hubby." Hinawi ko ang buhok niya. "I will never get tired of loving you."

"I.." He grabbed my waist using his left arm. "Love.." Then touches my cheek using his right hand. "You.." I encircled my arms around his nape. "Very.." He blew the hair that covers my eyes. "Much.." And gave me a sweet kiss on my lips.

Sabay kaming napatingala ng biglang naging mailaw ang langit. May fireworks! Ano pa bang hahanapin ko? I have everything now.

I have him by my side. I have my children with me. My family is now complete and I don't know how to thank Him for the blessings that He keeps on giving us.

"Ang ganda." Masayang-masayang sabi ko.

"Maganda nga." Napatingin ako sa kanya at naramdaman ko naman na nag-init ang pisngi ko ng makita kong nakatitig pala siya sakin.

Hindi ko tuloy napigilan ang hampasin siya sa braso. "Napakabolero mo."

"I'm just stating a fact, wifey." He smiled at me at hindi ko naman napigilan ang kiligin.

"Nako Dawson! Ang tanda-tanda na natin, pinapakilig mo pa din ako." Tumawa naman ito bigla. "Oh tapos tatawanan mo ko." Inirapan ko siya.

"Ang wifey kong matampuhin." Niyakap niya ko mula sa likod. "I'm just happy to know that I still have an effect on you." Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko. "I love you, Mrs. Dawson."

Humarap ako sa kanya. "Ang daya mo naman e! Hindi ka naman nawawalan ng epekto sakin kaya kahit anong galit ko sayo, natutunaw agad!" Nakasimangot na sabi ko. "Ang daya-daya!"

"You also have the same effect on me wifey. Kailan ba kita natiis?"

"Kaya pala hinayaan mo lang akong umalis kanina sa opisina mo. Tapos tinitiis mo ko this past few days." Inirapan ko siya kunwari para mas perfect ang acting ko.

"It's really not my intention wifey. I just really have plans for this day, that's why."

"So papabayaan mo na lang akong magalit sayo? Paano kung talagang nilayasan na kita?"

"Baka nakakalimutan mo wifey, si Zachary Dawson ata ang kaharap mo."

"Whatever."

Hinawakan niya yung kamay ko. "Ito lang ang tatandaan mo wifey, kahit saan ka pa pumunta, mahahanap at mahahanap kita dahil tutulungan ako nito." Itinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya. "So don't you dare leave me because my heart will always find a way to be with you."

"Naparami ka ba ng kain sa keso? Ang cheesy mo masyado e." Tumawa ko. "But seriously Zach, thank you. I love you and thank you for everything.. especially for bringing back our son. Akala ko hindi ko na siya makikita pa."

"A promise is a promise my wifey. Pinangako ko na ibabalik ko siya and that's what I did."

"And I thank you for that." I hugged him again. "Paano mo nga ba nakuha si Kyle?"

"Sabihin na lang natin na magaling talaga ang asawa mo." He laughed.

"Alam mo ikaw kanina ka pa nagyayaba-ANO YUN?!" Nagpapanic na tanong ko ng may putok ng baril akong narinig.

"Calm down wifey. Let's go down now-" Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ng isa na namang putok ng baril ang umalingawngaw.

***

Mahirap ba talagang magkaroon ng happy ending ang pamilya Dawson? 💔

I'm back loves! I'm so sorry sa napakatagal niyong paghihintay.

May mga naghihintay pa ba ng update ko? Comment naman kayo! ❤

I love you my Soliders. 😘

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon