B4 C18
Katherine's POV
"Mommy!" Nakangiti akong sinalubong ni Kyle ng makapasok ako sa kwarto niya.
"Miss na miss ako ng anak ko a."
"Mommy are you okay na po ba? Sabi daddy you're sick that's why I didn't disturb you. I miss your luto mommy."
"I'll cook for you later baby and yes, mommy is fine now. So what did you do this past few days?"
"I'm trying to search for my new friend in facebook but I cannot look for her."
"New friend? Kilala ko na ba to anak?"
Umiling siya. "No mommy. I met her when me and daddy went to the mall the other day. I was lost and a girl took care of me."
"You were what? Lost?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"It's my fault mom. I was busy looking for toys and I did not notice that dad is no longer with me."
"Seriously? Pinabayaan ka ng daddy mo! At hindi man lang siya nag-alalang sabihin sakin to!" Inis na sabi ko.
"Maybe mommy he doesn't want you to get worried. I'm okay na po mommy." Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko. Siya na lang ang kayamanang meron ako at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin.
"Okay. So who's your new friend?"
"I really don't know her name mom. But her tito called her, Liclic."
Liclic
Liclic
Liclic
Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit na naman ito.
"Mom. Are you okay?"
"Yes." Pinilit kong ngumiti pero masakit talaga ang ulo ko. Hindi maalis sa isipan ko ang pangalan na binanggit ni Kyle. "Can I borrow your tablet anak?"
"Yes mom." Inabot niya sakin yung gadget niya.
Nag-search ako ng mga event about sa bag this past few months na naganap sa mall na pinuntahan ko.
May mga lumabas na picture pero hindi siya ganun kadami. Puro pictures lang ng venue ang nakikita ko. Pictures lang din ng mga bag. Wala yung mga model.
Hindi ko alam kung bakit naalala ko bigla yung babaeng gusto kong tulungan sa event na pinuntahan ko dati ng banggitin ni Kyle ang pangalan na 'Liclic'.
Hindi ko sila kilala personally pero may connection ba sila? Iisang tao lang ba sila?
"Ano pong hinahanap mo mommy?"
"Wala anak. Kumain ka na ba? Halika, ipagluluto kita." Binuhat ko na siya para makababa kami.
Mabilis kaming bumaba. "Manang nasan po si Lucas?"
"Nasa taas. Mainit ang ulo. Kanina pa nakikipagsigawan sa telepono e."
"Sige po. Aakyatin ko lang po muna. Pakihanda na lang po muna yung mga kailangan ko sa pagluluto ng Menudo."
"Sige. Halika Kyle samahan mo ko sa kusina." Inaya na nito ang anak ko.
Dahan-dahan akong umakyat sa taas. Sa totoo lang, hindi ako nag-aalala sa kanya. Gusto kong malaman ang pinagkakaabalahan niya ngayon para makabuo na ako ng plano.
"Mga wala kayong silbi! Kabilin-bilan ko sa inyo na maging handa kayo!"
Nasa pasilyo pa lang ako ay rinig ko na ang sigaw niya.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)