Kane's POV
"Wow. Ang aga magising ng anak ko a. Payakap nga anak." Tinitigan niya lang ako ng makalapit ako sa kanya.
Bubuhatin ko na sana siya pero bigla siyang umiyak.
"Tabi nga! Ano na naman ang ginawa mo at pati anak ko ay pinapaiyak mo!" Napatingin ako sa asawa kong naka-apron habang naka-sando at maigsing short lang sa loob.
Hindi ko napigilan ang napalunok. Why does she needs to be this hot early in the morning.
"Lalapit-"
"Wag ka na nga palang magsalita! Baka puro kasinungalingan lang naman ang lumabas sa bibig mo! Halika na nga anak sa kusina ng makakain na tayo."
"Karen naman-"
"Karen your face!" Napakamot na lang ako sa ulo ng talikuran niya ko.
"Wooooh! Sarap mag-exercise!" Nakangising sabi ni Val habang pababa ng hagdan pero halata mo namang ako ang pinaparinggan niya dahil sakin siya nakatingin.
"Kasalanan niyo to e!" Himutok ko.
"At bakit? Kami ba ang gustong tumikin ng ibang babae? Hindi naman diba? Kamanyakan mo kase e. Ayan tuloy unabis kang walang matikman." Humalakhak pa siya. Gago talaga.
Sumunod naman ako sa kanila sa dining room. Lahat sila ay nakaupo na at ako na lang ang kulang kaya mabilis akong tumabi sa upuan ni Karen pero mabilis niya lang din akong inirapan.
Kalong-kalong niya si Zalea at halatang nahihirapan siya.
"Ako ng magpapakain sa kanya." Presinta ko pero mabilis niyang iniwas ang anak namin.
"Kaya kong pakainin ang anak ko."
Hindi na lang ako kumibo pero halata mong nakatingin sa amin yung mga tao dito.
"Baby paabot naman ako ng fried rice o." Pagkausap ko sa kanya para naman pansinin na niya ko.
"May kamay ka bakit hindi ikaw ang umabot?"
"Sabi ko nga e." Napipilitan ko namang inabot yung kanin at naglagay sa plato. "Gusto mo ba ng coffee, hot choco, or milk?"
"Kaya kong kumuha."
"Eh ako ba hindi no tatanungin?"
"Oh ikaw pala ang may gusto e. Bakit hindi mo tanungin yung sarili mo?"
"Baby naman."
"Pwede ba Kane? Wag mo muna kong kausapin. Nababadtrip lang ako lalo sayo. At kung gusto mo ng makakausap, sa bar ka pumunta. Maraming babae dun."
"Hindi naman ako naghahanap ng ibang babae e. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang sapat na."
"Sinabi ko naman sayo kung puro kasinungalan kang ang lalabas sa bibig mo, tigilan mo na. Maraming bata ang nakakarinig sayo. Baka mamaya gayahin ka pa nila."
"Stop that. Both of you." Napatingin kami kay bossing ng magsalita ito. "Kung may away kayong mag-asawa, wag niyong dalin dito. You should fix it between the two of you only."
"Opo bossing."
"Bilisan mo na diyan Kane. May ipapagawa ako sayo."
"Ano yun boss?"
"Puntahan mo yung bar na malapit sa office. Yung bagong bukas."
"Bossing naman!" Reklamo ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)
