Chapter 52

19.1K 581 109
                                    

B4 C52

Ces' POV

"Please Ces. We're running out of time. I need your help. Shoot them for me please."

Tinitigan ko ang mukha niya. Alam kong gustong-gusto na niyang pagbabarilin ang mga kalaban namin pero nahihirapan siya dahil hawak niya si tito habang nakahawak sa jetski para maiwasan ang mga pagbaril sa amin.

Nanginginig ang mga kamay ko ng kinuha ko ang itinaas ko ang baril na hawak ko.

"Just focus Ces. Remember all the things that I taught you." Ipinikit ko ang mga mata ko tsaka huminga ng malalim. "I love you." I heard him said na parang nagbigay ng kakaibang lakas ng loob sa akin.

Inilipat ko sa kanang kamay ang baril tsaka ito itinutok sa lalaking nakatayo sa pinakatuktok ng barko.

Nang masigurado kong nakatutok na sa kanya ito ay mabilis kong kinalabit ang gatilyo. "There you go. Come on, let's finish this fight babe." He said ng bumagsak na ang katawan ng binari ko sa tubig.

Pikit-mata ko na lang na pinagbabaril ang lahat ng nakita kong kalaban. Iniisip ko na lang na kailangan ko silang maunahan dahil kung hindi, papatayin nila kaming lahat.

As I pull the trigger of the gun that I'm holding, iniisip ko na lang ang mga buhay ng pamilya kong maliligtas.

"Tito Chris!!" Kakaibang kaba ang naramdaman ko ng makita ko ang paghampas ng baril sa kanyang ulo. "Homme, mahuhulog na siya!" Nagpapanic na sabi ko ng iilang daliri na lang ang nakakapit sa bakal dahil nakabitaw na ang kaliwang kamay niya.

"S-si Kane.." Hinang-hina man pero nagawa pang ituro ni tito Blake si tito Kane na nasa kabilang side kung saan biglang tinulak ng isang kalaban at ng mahulog ay pinaulanan ng baril.

Agad kong itinutok ang baril ko sa lalaki ngunit nahirapan ako dahil kabilang direksyon ang tinatahak namin.

"Naubusan ako ng bala!" Anunsiyo ko. "Anong gagawin natin?" Kinakabahang tanong ko.

Alam kong gusto na ni Homme na hatiin ang katawan niya para lang mapuntahan ang dalawang tito niya na nangangailangan pero hindi niya magawa.

Nilingon niyang muli ang direksyon ni tito Kane bago dumiretso kay tito Chris.

"Hand me your knife." I heard him said.

"Oh." Agad ko itong inabot at nagulat ako ng bigla niya tong hinagis sa kalaban ni tito Chris. "Wow." Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti itong bumagsak sa sahig dahil tumama ang kutsilyo sa noo niya.

Pero bago ito bumagsak ng tuluyan ay nagawa pang barilin ang bakal na hinahawakan ni tito Chris dahilan para tuluyan na itong makabitaw sa pagkakakapit.

Agad kong ipinikit ang aking mga mata dahil hindi ko kayang makita ang mga susunod na mangyayare. Kakainin siya ng buhay ng makina ng barko!

"That was cool." Unti-unti ko ng iminulat ang aking mga mata ng marinig ko siyang magsalita.

"Salamat Premier." Sabi ni tito Chris na kasalukuyang nakatayo sa unahan ng jetski.

We saved him! "Okay ka lang ba tito?"

Ngumiti lang ito bago tumango.

Napalingon kaming bigla ng may ilang putok ng baril kaming narinig mula sa direksyon ni tito Kane kanina.

"Baka namatay na yung g*go." Narinig kong sabi ni tito Blake bago tumawa. Napailing ako. Nanghihina na nga siya pero nakuha niya pang tumawa at magbiro.

Mabilis pinaikot ni Premier ang sasakyan bago pinaharurot sa kabilang side ng dagat.

Pero nagulat kaming lahat ng makita namin si Josh at Liclic na sakay ng isang jetski.

Nakita ko ng iabot ni Josh ang baril niya kay Angelique bago ito tumalon sa dagat.

"Love!" Sigaw ng huli.

Nakalapit na kami sa kanila pero hindi pa din lumilitaw ni isa man kay Josh o tito Kane.

"Nalunod na ang walangya, dinamay pa yung boyfriend ng inaanak ko." Iiling-iling na sabi ni tito Chris bago tumalon sa tubig.

Maya-maya ay inaangat na nila ang walang malay na katawan ni tito Kane.

"Mahina na talaga to. Tubig lang pala ang magpapabagsak." Iiling-iling na sabi ni tito Chris ng magkatulong nilang i-sakay ang katawan nito sa jetski nila Josh.

Sumampa naman ng muli sa sasakyan namin si tito Chris pero laking gulat namin ng bigla itong mahulog sa tubig pagkatapos ng isang putok ng baril.

Mabilis namang pinaputukan ni Angelique ang lalaking bumaril kay tito. Napailing na lang ako, walang duda. Paghawak pa lang niya ng baril, Dawson na Dawson talaga.

"Give me your hand tito." Inilahad ni Premier ang kamay niya para matulungan si tito Chris pero hindi nito inabot. "Tito?"

"I c-can't move my body." Halatang pinipilit niyang ilahad ang kamay niya pero hindi niya magawa. "Para kong nabato."

"Fvck."

"How are you feeling tito?" Tanong nama ni Josh na kasalukuyang nakaalalay kay tito Kane.

"I can't fvcking move my body." Kitang-kita ko ang panlalaban niya sa sariling katawan para lang maigalaw to, pero hindi niya magawa.

"There must be something on the bullet that was used to you. We have to move quickly as possible dahil kung tama nga ang hinala ko, kailangan mong masaksakan agad ng gamot para hindi na kumalat sa buong jatawan mo." Gamit ang kaliwang kamay ay binuhat ni Homme ang kanyang tito pasakay sa jetski.

"Tito Val!" I waved my hand ng natanaw ko ang bangka na papalapit sa amin.

Nakahawak siya sa kanyang balikat kung saan may dugo na tumutulo habang nasa tabi niya ay si tito Jade na walang malay.

"Anong nangyari kay tito Jade?" Tanong ni Liclic.

"Napuruhan e." Umiiling na sabi nito. "Kailangan na niyang magamot agad. Kayo okay lang ba kayo?"

Tumango. "Kailangan naming ilipat si tito Chris diyan sa bangka niyo."

"Anong nangyare diyan?" Takang tanong niya.

"I think he was shot by a poison."

"Poison kuya? Hindi ba delikado yun?"

"It is. That's why we have to move now or else we will be losing a life here."

Magkakatulong naman ang mga lalaki sa pagbuhat kay tito Chris pasakay ng bangka nila tito Val.

"Dalin na natin silang lahat sa barko para magamot sila agad." Aya ni Josh.

"Pero paano ang mommy at daddy? I haven't seen them yet." Puno ng paga-alalang tanong ni Liclic.

"I'll find them."

"Pero kuya-"

"No buts Lic. I just need to make sure that all of you will be safe first. I promise, I'll find them and we'll go home alive."

Alam kong gusto pang umapila ni Angelique sa kanyang kapatid pero wala na kaming nagawa ng pinaadar na nito ang sasakyan.

"Akala niyo makakatakas na kayo? Ito na ang katapusan niyong lahat, Dawson! Paalam!"

Napalingon kaming lahat ng may sumigaw na lalaki mula sa kabilang bangka.

Tatangkain pa lang sana siyang barilin ni Angelique pero huli na ang lahat dahil isang malakas na pagsabog ang yumanig sa kinapupwestuhan naming siyam.

Pilit kong pinapalakas ang aking loob ngunit mabilis din akong nilamon ng dagat dahil sa lakas ng alon nito.

Ang huling naaninag ko na lang ay ang mga kamay ng pamilya kong pilit nilalabanan ang dagat para manatiling buhay.

***

Stay Strong Dawson family. 💔 What can you say Soliders? Can they make it?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon