B4 C29
Katherine's POV
"Tatlong taon na ang nakakalipas, may ano.. may asawa na ba ulit si ano.. si-"
"Wala pang ibang asawa yung asawa mo." Nakangising sagot sakin ni Kane. "Ang tibay kaya ng gayumang ginamit mo sa kanya. Pang matagalan e. Meron pa ba nun sa Quiapo?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Pwede pa ulit kayong dalawa wag kang maga-alala."
Hindi ko maipaliwanag pero parang sumaya ang pakiramdam ko. "Kahit girlfriend wala?"
"Hindi ko lang sigurado pero parang meron na." Nakaramdam ako ng kakaibang kirot dahil sa narinig ko.
Well, ano nga naman ang aasahan ko? Tatlong taon na ang nakalipas. Kung ako nga may asawa at anak na, siya pa kaya?
Nagkatinginan kaming tatlo ng makarinig kami ng ingay na nagmumula sa labas.
"Sh*t. Dito lang kayong dalawa. Wag na wag kayong lalabas."
Nilapitan ako ni Angelique at niyakap habang si Kane naman ay lumabas.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita, parehas lang kaming nakikiramdam.
"Anong ginagawa niyo dito?" Rinig kong tanong ni Kane.
"Ikaw ang dapat naming tanungin niyan. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang boses lalaki.
"Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala. Lagot ka na naman sa asawa mo."
"Sino sila?" Hindi ko na napigilang magtanong.
"Shhh.. Nandiyan sila tito." Bulong niya sakin.
"Ano ba kaseng meron?" Narinig ko na naman si Kane na nagtanong.
"Kane? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang babae.
"Bakit sila nandito?" Bulong ni Angelique pero narinig ko pa din.
"Bakit nandito kayong lahat?" Tanong ulit ni Kane.
"Dito daw muna tayo matutulog lahat. Pero nagtataka ko, bakit nauna ka pa dito. Siguro may ginagawa ka na namang kalokohan no."
"Baby? Kanina pa kita tinatawagan a. Hindi ka naman sumasagot."
"May inasikaso lang ako baby. Umakyat na tayo sa taas-"
"Anong inaasikaso mo? Ibang babae na naman?" Mataray na tanong nung babae.
"Hindi! Ano ka ba. Umakyat na tayo sa taas-"
"Hindi! Tumabi ka diyan at padaanin mo ko!"
"Oh my gosh.." Bulong ni Angelique tsaka biglang tumayo sa harap ko.
Isang malakas na tunog ang nalikha ng bumukas ang pintuan. Wala akong nakikita mula dito dahil nakatakip si Angelique sa harapan ko.
"Lic? Anong ginagawa mo dito?"
"Tita Karen.."
"Wag mo ng pagtakpan yung tito Kane mo."
"Ano kase tita-"
Napatitig ako sa dami ng taong nasa harapan ko ngayon. Inusog niya si Angelique na nagtatakip sakin.
Isa-isa ko silang tinitignan at lahat sila ay nakatanga lang sakin.
"Fvck sh*t." Bulong ng isang babae na may bitbit na bata.
"Is this for real?" Bulong nung babae na humawi kay Angelique.
"Mom?" Napatingin ako sa lalaking kakapasok lang ng pintuan.
"Mom.." Umiiyak na sabi ng dalagang katabi niya.
"Mommy!" Isang batang babae ang nagtatakbo palapit sakin. "Mommy! You're alive! You're back!"
Hindi ko siya kilala. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Kusang tumulo ang mga luha ko ng maramdaman ko ang mga braso niyang yumakap sakin.
"I miss you mom.." Tumakbo din palapit sakin yung dalaga na nandun sa may pintuan.
Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero aaminin ko masarap sa pakiramdam na nakayakap silang dalawa sakin.
Tumingin ako kay Angelique na parang nagtatanong.
"Sila yung kinukwento ko sayo mommy. Siya si Sachel, yung bunso. Si Amour at kuya Premier.." Tinuro niya yung binata na nay kahawak-kamay sa may pintuan. "Kami yung triplets mo mom."
"Teka lang. Bakit kailangan mo pa silang ipakilala?" Naguguluhang tanong ng isang babae.
"Walang maalala si mommy tita Jl."
"Hindi ko maintindihan Lic. Paano nangyare yun? Saan kayo nagkita ulit?"
"Mahabang kwento tita Jessy. Basta sa tatlong taong hindi niya tayo nakasama ay may naging pamilya siya."
"May iba ng asawa si mommy ate?" Tanong ni Amour.
"Hindi ko maipaliwanag Amour. Hindi ko din kase alam kung kasal ba sila o ano."
"Kahit naman kasal sila, hindi magiging valid yun dahil si bossing ang totoong asawa niya."
"Nabuhay siya sa ibang katauhan Jade." Si Kane naman na ang sumagot. "Hindi niya alam na Keisha ang pangalana niya. Ang alam niya ay siya si Katherine. May asawa at isang anak."
"Asawa?"
Ako na ang sumagot. "May asawa ako."
"Hindi maaari." Sagot ng isa pang lalaki. "Sino naman?"
"Anak ko si Kyle at asawa ko si Lucas."
"Lucas?" Sabay-sabay na tanong nilang lahat.
"Kilala niyong lahat ang asawa ko?" Tanong ko.
"Sinasabi ko na nga ba walang magandang gagawin yung lalaki na yun e. Dapat pala tinuluyan ko na lang yun." Galit na galit na sabi nung tinawag nilang Jessy.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kalaban siya ng pamilya natin mom. Napasakamay na namin siya pero ayaw siyang ipapatay ni dad hanggang sa nakatakas na siya."
Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit-sakit na. Para bang punong-puno na siya ng mga impormasyon. Para bang ayaw na niyang tumanggap pang muli.
"Okay ka lang ba Miss Keisha?"
Umiling ako. "I-I need to go now." Kinuha ko yung bag ko at biglang tumayo.
"Mom. Aalis ka po ulit?" Malungkot na tanong ni Sachel.
"I'm sorry." Tumakbo ako palayo sa kanila.
"Mom!"
"Miss Keisha."
"Keisha!"
"Ate!"
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa mapatigil ako dahil nabangga ako.
Inaasahan kong masasaktan ang buong katawan ko pero hindi. Ang tanging naramdaman ko na lang ay ang mga brasong nakayakap sa bewang ko.
Bakit imbis na matakot ay parang mas gusto ko pang isiksik ang katawan ko sa kanya?
***
Siyempre bibitinin ko muna kayong lahat. 😂😂😂 Hindi ko po alam kung kelan ako makakapag-update pero sana mahintay niya. Love you guys! 💋

BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)