Chapter 61

22.5K 604 154
                                    

B4 C61

"Hubby?" Tawag ko sa kanya ng makitang nakatayo siya sa may bintana.

"Shhhhhh." Pinatahimik niya ako. "Anong meron?" Mahinang tanong ko.

"There are people outside." Dahan-dahan siyang pumunta sa aking dresser. "Here." Inabot niya sa akin ang dalawang baril. "Go to our kids. Make sure that they are safe. I'll face them. Make yourself safe too okay? " Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi.

"Hubby mag-ingat ka." Tumango siya kaya minabuti ko ng maglakad papunta sa connecting door ng kwarto ng mga bata. Nakahiwalay na sila ng mga kwarto pero sinigurado namin ni Zach na nakakonekta ang bawat isa.

Una kong pinuntahan si Kyle na mahimbing pang natutulog. Sinigurado kong naka-lock ang mga pintuan dito bago ako pumunta kay Sachel. Tulog na tulog din siya kaya mabilis ko lang siyang binuhat.

Bahagya siyang nag-ingay pero agad ko din siyang pinatahimik. "Shhh. Si mommy lang to baby. Go back to your sleep now."

"Where are we going mommy?" Tanong niya.

"Diyan lang. Sleep ka na ulit." Inayos ko ang pagkakakarga ko sa kanya tsaka tumuloy sa kwarto ni Angelique.

"Mommy?" Naalimpungatang tanong niya.

"Shhh. Quiet baby. Get up now."

"Where are we going?" She asked.

"Lilipat tayo sa room ni Kyle. Come on, make it quick."

"May problema ba mommy?"

"I'll just explain later. Bilisan mo na." Pinapunta ko na agad siya sa kwarto ni Kyle habang sinisugurado kong naka-lock ang kanyang pintuan. "Pupuntahan ko lang ang mga kapatid mo."

Tumango siya. "I'll bring Sachel with me, mom."

"Sige. Ingatan mo ang kapatid mo. Pupunta din agad ako doon."

Saktong paghakbang ko ay nakarinig ako ng pagsigaw mula sa kwarto ni Amour.

"Sht. Keep this for your safety, Lic." Inihagis ko sa kanya ang derringer ko na agad din naman niyang nasalo. "Make it quick."

Isang sigaw muli ang narinig ko kaya nagtatakbo na ako papunta sa kwarto ni Amour.

Naabutan ko siyang hinahawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay at sapilitang inilalabas ng kwarto.

"Bitawan mo ang anak ko." Pag-agaw ko ng atensiyon nila.

"Bakit? Gusto mo ba ikaw ang dalhin namin!"

"Wala kayong madadala o masasaktan sa pamilya ko, kaya kung ako sa inyo umalis na kayo at sabihin niyo sa boss niyo na tigilan ang pamilya ko."

"Minamaliit mo ba kami? Eh kung patayin kaya kita diyan!"

"Baka gusto mong unahan kita?" Itinutok ko sa kanya ang baril ko at mabilis itong kinalabit pero walang naging epekto sa kanya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng sunod-sunod ko siyang pagbabarilin pero hindi man lang siya tinatablan. "Yan lang ba ang kaya mo? Ako naman." Tumawa siya ng nakakaloko. Napalingon ako sa paligid ko at naghahanap ng gamit na maaaring ipanlaban sa kanya.

Napamura ako ng itutok niya sa akin ang kanyang baril habang ang kasama niya ay nagtutok din ng baril kay Amour.

Napansin ko si Premier na nasa likuran nilang dalawa at sinesenyasan ako na huwag mag-ingay.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon