B4 C13
Angeliques POV
"Oh? Bihis na bihis ka ata?" Napatingin ako sa mga nakatitig sakin.
"Ah-"
"Daig mo pa detective sa suot mo ate." Napatingin muna ko kay Amour bago ko tinignan ko yung suot ko. Naka-pants ako tsaka naka-coat na makapal at nakasuot ng boots.
"Malamig kase." Pagdadahilan ko.
"Masama ba pakiramdam mo?" Lumapit sakin si tita Jessy.
"No tita. I'm good. Kailangan ko lang pumunta sa mall. Mamimili lang ako."
"Edi ako na lang ang bibili. Ano bang bibilin mo?"
"No tita. Kaya ko naman po. Gusto ko pong ipaghanda si mommy."
"Eh okay ka na ba? Baka mamaya hindi pa okay ang pakiramdam mo. Dito ka na lang sa bahay. Kami na lang ang namimili para sa handa ni Keisha."
"No tita. Kaya ko naman po. Tsaka gusto ko po sanang ako mismo ang umasikaso nito."
Nanahimik silang lahat. Naalala siguro nila si mommy.
Tatlong taon ka na naming hindi kasama mommy. Mahal na mahal ka namin. We miss you very much. Happy Birthday mom.
Napabuntong-hininga ako. Miss na miss ko na si mommy.
"Osige. Sasamahan na lang kita."
"Wag na-" Sabay kaming nag-salita ni Tito Kane.
Taka naman silang napatingin saming dalawa.
"Sasamahan ko na lang siya. Ako ng bahala."
"Sasama na lang din ako Love. Wala naman akong gagawin e."
"No-"
"Wag-" Nagkatinginan na naman kami ni tito Kane. Alam kong nagtataka na din ang mga taong nasa harap namin pero hindi sila kumikibo.
"Just stay here love. Saglit lang naman kami ni tito e. Surprise ko sana yung dinner na lulutuin ko mamaya kaya ayaw ko kayong isama." Pagdadahilan ko.
"Are you sure love?"
"Oo naman." Pinilit kong ngumiti. Ayoko mang magsinungaling sa kanila pero kinakailangan e.
Napag-usapan na namin ni tito Kane na sa amin lang muna tong dalawa. Gusto ko din munang makahanap ng sapat na ebidensiya bago sabihin yung hinala ko na buhay si mommy dahil sa totoo lang ay nakakapagod ng umasa at masaktan.
"Una na kami guys." Nabalik ako sa kasalukuyan ng magsalita na si tito. "Baby babalik ako agad." Napangiti naman ako ng halikan niya muna si tita Karen at ang natutulog nilang anak.
Naalala ko tuloy bigla si mommy at daddy. Ganyan sila madalas noon. Sweet pa rin sa isa't-isa kahit na matagal ng mag-asawa. Yung tipong hindi nagsasawa kahit matagal ng magkasama.
Mapait akong napangiti. Mangyayare pa kaya ulit yun?
"Sige na. Lumakad na kayo. Mag-ingat kayong dalawa ha. Kane ang inaanak mo, pakiingatan."
"Ako pa ba?" Mayabang na tanong ni tito.
"Dibale ng ikaw ang hindi makauwi basta siya ay safe." Natatawang bilin ni tita Jessy.
"Oo nga! Tutal wala ka namang ibang ibinibigay sakin kundi sakit ng ulo e. Babaero!" Sumang-ayon pa si tita Karen.
"Baby naman!"
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)