B4 C45
Isang pamilyar na lugar ang bumungad sakin pagkagising ko.
"Zach.." I tried to call my husband's name.
"Mabuti naman at gising ka na Miss Keisha. Gusto mo bang kumain o uminom man lang ng tubig?" Nilapitan agad ako ni Veron at inalalayan.
"Nasan si Zach?"
"Nasa conference room po. Ibinilin niya po sakin na bantayan ko daw po kayo-" Hindi ko na siya pinatapos at agad akong tumakbo palabas. "Miss Keisha!"
Hindi ko na siya nilingon pa. I need to see my husband. I want to know what's happening.
"Oh Keisha, okay ka na ba?" Nakasalubong ko si Karen pero hindi ko siya pinansin.
Napalingon ang lahat ng pumasok ako sa conference room.
"Hubby.." Hindi ko alam pero bigla akong naiyak ng makita siya.
"Keisha.." Maagap siyang lumapit sakin at yumakap.
"Nasan na yung mga bata?"
"Shhh. Stop crying now wifey. I will find them okay?"
"Yung nga anak natin Zach.. Baka kung anong gawin sa kanila nung mga kalaban natin.. Hindi ko kaya kapag may nangyari sa kanilang masama." Yumakap ako ng mahigpit sa kanya.
"Don't think too much wifey. You have to rest. Come on, I'll bring you back to our room."
"No." Umiling ako. "Ayoko. I want to stay here Zach.."
"But wifey-"
"Please?" Pakiusap ko. "I really want to stay here... I want to know your plans. I want to know what's happening."
Matagal niya kong tinitigan bago sumagot. He sighed as a sign of defeat. "Fine. You can join us now but promise me that you'll take some rest later."
"Promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para maniwala siya.
Inalalayan na niya kong makaupo sa katabing upuan niya.
Pumasok na din sa loob sila Veron at Karen.
Lahat kami ay nandito na sa conference room kahit na mga anak namin.
Nakapalibot na din sa buong bahay ang mga tauhan ni Zach. Nagdagdag kami ng security sa bahay para naman hindi na maulit ang ganitong pangyayari.
"Where are the footage that I asked you to look for Val?"
"Nandito na po boss. Ise-set up ko lang para mapanuod na natin."
"How about the list of the vehicles that went inside this subdivision, Kane?"
"Nandito na." Isa-isa kaming binigyan ni Kane ng folder kung saan makikita ang mga picture ng sasakyan kasama ang plate number nito.
"Naka-detalye na din diyan ang mga pangalan ng may-ari ng mga sasakyan na nasa listahan." Pagbibigay impormasyon ni Blake.
Tumayo naman si Chris at nagdikit ng pitong bond paper na may malabong kuha ng mga sasakyan.
"Pero sa palagay ko, ito ang mga ginamit nilang sasakyan para makalusob satin. Marami na kaming tinignan na files pero wala kaming makuha na parehas sa mga sasakyan na yan."
"Pero mahigpit ang security ng subdivision nato. Paano naman nakapasok yang mga yan dito?" Napatingin ako ng magtanong si Pia.
"Kasabwat din ba sila?" Takang tanong ni Jl.

BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)