Chapter 59

19.3K 593 117
                                    

B4 C59

Keisha's POV

Tatlong araw na ang nakakaraan simula ng mangyari ang bangungot sa aming pamilya.

Nang umalis ako sa resort ni Zach ay mag-isa akong bumalik ng Manila.

Kahit na ayaw ko siyang iwan sa bwisit na baboy niya ay wala akong magawa. Hindi ko naman pwedeng basta na lang patayin yung babae na yun para makuha ang gamot na magpapagaling sa asawa ko.

Hahayaan ko munang solohin niya ang asawa ko dahil ito na ang huling beses na makakalapit siya dito.

Get out of his life? Asa naman siyang gagawin ko yun. Baka gusto niyang isampal ko sa kanya ang marriage certificate namin ni Zach tsaka ko ipalunok sa kanya ang wedding ring namin ng malaman niya kung sino ang mas may karapatan sa lalaking nilalandi niya!

Sakto namang pagdating ko ng Manila ay nakatanggap ako ng tawag kay Jessy na maayos na daw ang lagay ni Zachary. Hindi pa rin siya nagigising pero natanggal na ang lason sa buo niyang katawan. Binilinan ko siya na wag papabayaan ang lahat. Lalong-lalo na ang asawa ko dahil baka ma-rape siya ng Maxine na yun habang tulog.

Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa sarili kong repleksyon. Maayos kong itinaas ang aking buhok at pinalibutan ito ng mga maninipis na kutsilyo na iisipin mong chopsticks.

Sinuot ko na din ang kwintas na galing kay Zach na may mga maliliit na bomba na kung aakalain mo ay mga perlas lamang.

Napangiti ako ng mailagay ko na sa aking magkabilang tenga ang mga hikaw na nakuha ko sa jewelry box ko. Noong una ay akala ko simpleng hikaw lang ito pero ng matitigan ko ay may maliit na camera pala na maaaring ikonekta sa laptop.

Isinunod ko na ang bracelet na binigay sakin ni Karen nung nakaraan. Noong una ay ayaw ko pa nga itong tanggapin dahil mukhang mamahalin pero ng ipakita niya sakin na nagagawa itong knife ay walang pagaatubili ko itong tingaggap. Lahat kami ay binigyan niya nito, kahit ang mga bata.

Mabilis ko na ding isinuot ang aking boots na abot hanggang tuhod. Sinigurado ko din na maayos na nalalagay ang aking baril sa pagitan ng aking mga hita bago isuot ang aking coat na pula.

Muli kong sinulyapan ang aking repleksyon. Hindi na kami bumabata ni Zachary. Kailangan kong gawin ito para matulungan siya sa pagprotekta sa aming pamilya.

Nang nakabalik ako dito ay aksidente kong nakita ang nga files na itinago ni Zach. Nalaman ko na may walo palang kalaban ang pamilya namin na hinahawakan ng leader nila.

Ang iba sa kanila ay napatumba na ng aking asawa kaya nay ekis sila sa listahan at ngayong gabi nga ay handa na akong patumbahin ang isa sa kanila.

Mabilis akong sumakay ng sasakyan matapos kong iwan lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina. Walang nakakaalam ng gagawin kong ito. Hahayaan ko munang magpahinga ang aking pamilya habang nagbabawas ng aming kalaban.

Maingat akong nagmaneho papunta sa isang auction na gaganapin hindi kalayuan sa amin. Napagalaman ko na ang grupong papatumbahin ko ngayong gabi ay may araw-araw na transaction sa isang mamahaling hotel.

Pinapalabas nilang mga auction ito ng mamahaling furnitures pero ang hindi alam ng karamihan ay nasa loob ang mga droga.

Mabilis kong pinagmasdan ang buong lugar ng makarating dito. Wala naman itong kaibahan sa ibang mga hotel maliban sa napakadaming mga bodyguards ang nakakalat para bantayan ang kani-kanilang boss.

Taas-noo akong naglakad papalapit sa entrance ng bigla akong hinarang ng mga bantay.

"Maam, may kasama po ba kayo?"

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Where stories live. Discover now