Chapter 48

18.6K 724 234
                                    

B4 C48

Chris' POV

"Anong sasabihin natin kay Miss Keisha?" Kinakabahang tanong ko ng makababa kami ng sasakyan

Ilang ikot pa ang ginawa namin para mahanap si bossing pero wala talaga.

Hindi pa nga sana kami uuwi pero umaga na. Kailangan na din naming ipaalam sa kanila ang nangyayari.

Nagkibit-balikat si Kane. "Hindi ko alam. Bahala na."

Pipihitin ko pa lang sana ang doorknob ng bigla itong bumukas.

"Bakit ngayon lang kayo? Nahanap niyo ba sila?" Sumalubong sakin si Veron na naga-alala.

Umiling lang ako at niyakap siya.

"Kanina pa namin kayo tinatawagan." Sabi naman ni Karen.

Agad naman siyang nilapitan ni Kane. "Nakatuon lang kase ang isip namin sa paghahanap baby."

"Alalang-alala kami sa inyong lahat. Ano na bang nanyayare?" Tanong naman agad ni Pia pagkalapit sa kanya ni Blake.

"Okay lang kami babe. Wag na kayong mag-alala. Kaya namin ang mga sarili namin."

"Bakit hindi muna kayo kumain at magpahinga. Mukhang pagod na pagod kayo." Imbis na sumagot ay niyakap lang ni Jade ang asawa niyang si Jl.

"Saan ba kase kayo galing?" Maya-maya'y tanong ni Jessy.

Walang kumibo samin.

"Panda?" Kabadong lumapit si Val sa kanyang asawa.

"Ang totoo niyan, hindi lang sila Premier at Kyle ang hinanap namin. Pati na din si-"

"Nasan si Zach?" Napatingin kaming lahat sa bagong baba.

"Keisha ano kase.."

"Ano?"

"Si Boss ano.. nasa.. ano.." Napataas ang kilay niya kay Kane dahil sa pautal-utal nitong pagsasalita.

Tumingin siya sakin bigla kaya hindi ko napigilan ang mas kabahan. "Chris? Nasaan ang asawa ko?"

"Miss Keisha ano po kase-"

"Nasaaan ang asawa ko?" Pagu-ulit niya.

"Ang totoo po niyan, hindi po namin alam. Kagabi pa po namin siya pilit na hinahanap, pero wala."

"Paanong hindi niyo alam? Kayo ang magkakasama kagabi diba!"

"Galit na galit siya nung lumabas kagabi. Nung sinundan namin siya nakaalis na siya." Si Val na ang nagpaliwanag.

"Saan naman pupunta yun?" Agad namang inalalayan ni Jl si Miss Keisha ng mapaupo ito dahil na din siguro sa panghihina.

"Ang hinala namin ay may kumuha sa kanya." Buong tapang kong sagot sa kanya.

"Paanong may kumuha?" Tanong naman ni Jessy.

Tahimik ang lahat matapos i-kwento ni Jade ang nangyari. Simula kung paano namin nakuha si Kyle at kung paano namin nalaman na nawawala si boss.

"Sa kanya to diba?" Inabot ni Kane ang bracelet na naapakan niya kahapon kay Keisha.

"Z-zach.." Tinitigan niyang mabuti yun bago umiling. "Hindi pwede to. Hindi ako papayag na sirain nila ang pamilya ko."

"Hindi kaya kumilos na lang mag-isa si kuya dahil ayaw niya tayong mapahamak?" Tanong ni Jl.

"Yan din ang iniisip ko dahil sabi nga ni Jade kanina, iniwan niya yung phone niya."

"Pero bakit naman niya iiwan sa labas ng bahay ni Lucas yung sasakyan niya?" Tanong naman ni Pia

"Yan nga ang nakapagtataka. Imposible naman na kumilos siya ng walang sasakyan?"

"Jade, i-track mo yung phone ko." Napatingin kaming muli kay Keisha ng magsalita ito. "I have a feeling that something like this will happen so I place my phone inside his pocket."

Mabilis na naglabas si Jade ng laptop habang kami ay nakatutok lang sa ginagawa niya.

"Kinakabahan ako. Sana naman makita na natin sila. Sisilipin ko lang mga bata sa taas." Paalam ni Karen sa amin.

"Maghahanda muna kami ng pagkain. Halika Veron, samahan mo ko." Pag-aya ni Pia.

"Bakit ang tagal naman ata Jade?" Inip na tanong ko ng ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ding resulta.

"Pwedeng nakapatay ang locator, o kaya naman ay gumagalaw ang phone kaya hindi makuha ang exact location."

"Bukas yung locator ng phone ko. Ayaw ni Zach na pinapatay ko yun para madali lang akong ma-track, kung may mangyayari man."

"Kung ganun, ibig sabihin hindi stable yung location niya."

"Paanong hindi stable?"

"Maaring nasa isang sasakyan sila ngayon."

"Sasakyan like car?" Maarteng tanong ni Jl.

"Oo."

"Pwede din namang airplane? Or barko-"

Pagkasabi niya nun ay biglang tumunog yung locator na naka-connect sa laptop.

"Mukhang masarap mag-swimming a." Komento ni Kane ng makita ang location ni bossing ngayon.

"Ano? Family outing pagkatapos?" Sang-ayon naman ni Val.

"Let's get it on!" Masayang sabi ni Jessy.

"Ihahanda ko na yung two-piece ko." Masayang tili ni Jl.

"Magsitigil nga kayong lahat!" Natahimik ang lahat ng sumigaw si Keisha. "Anong outing na ang sinasabi niyo diyan? Nawawala ang asawa at mga anak ko! Hindi niyo ba naiintindihan yun? Nawawala sila! Kailangan natin silang hanapin!"

"Sorry ate."

"Kung gusto niyong magpakasaya, sige hindi ko kayo pipigilan. Basta ako hahanapin ko sila." Sabi niya bago umakyat sa taas.

"Puro kase kayo kalokohan e." Saway ni Veron.

"Ang dami kaseng dagat sa Batangas." Nakangusong sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman yun. Pero kailangan muna natin silang mahanap."

"Hahanapin naman muna talaga namin sila bago mag-celebrate."

"Ang mabuti pa maghanda na tayo. Kailangan na natin silang mahanap sa lalong madaling panahon." Tumayo na ko para maghanda.

Hindi pwedeng manahimik lang kami dito, mahirap kalaban ang oras. Baka mamaya mahuli kami, pagsisihan pa namin.

"Operation: Hanapin ang Team Dawson Boys!" Sigaw ni Jessy bago kami nagkanya-kanyang alis para maghanda.

Ang laban ng isa, ay laban ng lahat. Kahit anong mangyari, hindi namin sila pwedeng pabayaan.

***

Mahanap kaya nila ang Dawson boys o ito na ang magiging pagbagsak nilang lahat?

200 votes + 200 comments = UPDATE

Love you Soliders. 💞

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon