Chapter 51

19.2K 516 87
                                    

B4 C51

Ces's POV

"Tita ano na po bang nangyayare sa labas?" Kanina ko pa pinapatahan si Amour sa tabi ko pero ayaw talaga niyang tumigil sa pag-iyak.

"Hindi ko din alam. Ang mabuti pa, dito muna kayo. Sisilipin ko lang sila sa labas." Tumayo na si tita Pia at kinuha ang baril niya.

"Tahan na Amour. Everything will be okay." Bulong ko sa kanya.

"Kuya!" Napalingon agad ako sa pinto ng cabin ng marinig ko ang sigaw ni Sachel.

Para akong na-estatwa ng makita ko siyang nakatayo sa labas. Kusang nag-unahan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang lumabas.

Nakasunod lang mga mata ko sa kanya habang isa-isa niyang nilapitan ang mga kapatid niya.

"Homme.." Tawag ko sa kanya ng nilapitan na niya ko. Hindi pa din ako makapaniwala na nasa harap ko na siyang muli. "Homme.." Yumakap ako ng makalapit siya sakin. "Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Alalang-alala ko." Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ng maramdaman ko ang pagganti niya ng yakap.

"Hush now. I'm here okay? Nothing happened to me." He use his finger to wipe my tears.

"A-akala ko kase.. hindi... hindi na kita makikita ulit. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sayo."

"I'm sorry for making you worry." Hinawi niya ang buhok kong tumabing saking mata. "Always remember what I promise you, no matter what happen, I will keep on coming back to you. Why? Because my heart is with you."

"Mahal na mahal kita Homme."

Magsasalita pa lang sana kami ng makarinig kami ng nagkakagulo mula sa labas.

"Bunny? May tama ka!" Rinig kong sigaw ni tito Val ng salubungin niya ang kanyang asawa.

"Tita Veron mukhang kailangan nila ang tulong mo." Madali naman niyang nakuha ang first aid niya at dumiretso sa labas.

"Kuya nasaan si mommy at daddy?" Napalingon ako kay Liclic ng magtanong ito.

Doon ko lang napansin na marami pa pala ang wala. Nandun pa kaya sila?

"Stay here. I have to check them."

"Sama ako Homme."

"No-"

"Please?" I held his hand. Ayoko munang malayo sa kanya. Pakiramdam ko kase anytime mawawala siya sakin.

Iniwan na nga namin sila sa loob kasama ang iba pa naming tita.

"Okay lang sabi ako! Mas kailangan nila Keisha ng tulong!" Naabutan namin si tita Jessy na kinakausap ang asawa niya.

"Pero bunny-"

"I'm fine okay? Veron is here. She can take care of me. Will you please help our boss first?" Pagkausap niya kay tito. Alam kong masakit yung tama niya sa balikat pero pinipilit niyang maging malakas.

"Okay. I'll be back. I love you." He said bago muling sumakay sa bangka at nagpunta sa direksyon ng nasusunog na barko.

"Nakalabas na ba sila sa barko?" Tanong ko kay Homme na titig na titig sa barko. Imbis na sumagot ay naglakad ito papunta sa gilid namin. "Saan ka ba pupunta?"

"Go back inside."

"Bakit ako lang? Saan ka pupunta?" Hindi siya nagsalita pero laking gulat ko ng may pinindot siyang button at bumaba na ang isang jetski. "Don't tell me pupunta ka dun?"

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon