Chapter 21

30K 1.1K 453
                                    

B4 C21

Katherine's POV

Kanina pa ko pinapagpawisan habang naghihintay dito sa coffee shop.

Nasa pinakadulong parte ako at naka-hood habang naka-sunglasses.

Tumakas lang ako kay Lucas. Nagpaalam siya sakin na may business meeting siya sa Palawan. Babalik din siya mamaya pero matatagalan.

Nagpaalam na lang ako kay manang na mamalengke. Natagalan siya bago sumagot dahil baka magalit daw si Lucas pero sa huli ay napapayag ko din. Sabi ko na lang ay gusto kong ipagluto ang mag-ama ko.

Napigil ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang dalawang pares ng sapatos na nakatayo sa harap ko.

"Miss Katherine?"

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko nga ang babaeng gustong-gusto kong iligtas noon sa event.

Ibang-iba na ang istura niya ngayon. Kung noon ay nakakaawa siyang tignan, ngayon naman ay sobrang maayos na.

Napatingin din ako sa gilid niya kung saan may nakatayong lalaki. Hindi ko alam pero sobrang pamilyar niya.

"I'm sorry we're late. Angelique Dawson po." Naglahad siya ng kamay na agad ko din namang tinanggap. She have a perfect smile. "Tito ko nga po pala. Si tito Kane."

Napalis ang ngiti ko ng marinig ko ang pangalan ng tito niya. Bigla na namang sumakit ang ulo ko.

"Aray." Hindi ko napigilan ang pagdaing dahil sa sobrang sakit.

Andami-daming alalala ang nagbalik pero wala akong makuha ni isa sa kanila.

"Okay lang po kayo Miss Katherine?"

Pinilit kong tumango pero sobrang sakit pa din talaga. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sakin.

"Pasensiya na. Sumama lang bigla ang pakiramdam ko. Maupo muna kayo." Sabi ko pero pareho lang silang nakatitig sakin. "Bakit? Okay lang ako, wag kayong mag-alala."

"Kaboses na kaboses mo nga siya." Napatitig ako dun sa Kane.

"Sino?"

"Si Keisha."

"Ke.. Keisha?"

"Mahal na mahal kita Keisha." Isang boses ang narinig kong nagsalita na nagpasakit ng ulo ko.

"Aray! Sobrang sakit ng ulo ko!" Hindi ko napigilang sabihin.

"Miss?" Hinawakan ako ni Angelique sa braso at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "Okay lang po ba talaga kayo?"

"Okay lang ako." Uminom ako ng tubig tsaka ko inalis ang suot kong sunglasses.

"Mommy/Keisha!" Sabay na sabi nilang dalawa na gulat na gulat.

"Oh my god! Mommy ikaw nga." Niyakap ako ni Angelique. "Mommy miss na miss na kita. Sabi ko na nga ba buhay ka. Mommy.." Hinawakan niya ang pisngi ko na akala mo ba isa akong santo.

"Hindi kita kilala Ms. Angelique." Umiling ako na naguguluhan. "Bakit mo ko tinatawag na mommy? Nung huli tayong magka-usap, sabi ko sayo isa lang anak ko."

"Hindi mommy. Anak mo ako. May mga kapatid pa ako. Hindi mo kami maalala mommy? Tignan moa ko mom. Yung mukha ko. Tignan mo yung mga mata ko mommy. Mommy bakit hindi mo ko maalala?" Lumingon siya kay Kane. "Tito buhay si mommy pero bakit hindi niya ko maalala? Pati ikaw? Hindi niya tayo makilala."

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon